ALAS OTSO na ng gabi ngunit nasa opisina pa rin si Eren Zeph dahil nag-over time siya. Siya na lang yata ang natira sa buong building ng NACLOR. Siguro hindi naman. Marami pa kasi siyang kailangang tapusin na hindi pa niya natapos dahil umatake na naman ang migraine niya kagabi. Sumandal siya sa kanyang upuan at napabuntong hininga. Sinulyapan niya ang wristwatch niya.
"Alas otso na pala. Kailangan ko nang umuwi, daig ko na nito ang big boss," nakatawang sambit niya.
Inayos na niya ang mga gamit niya at inilagay ang mga papeles sa loob ng drawer. Nang mailagay ang mga iyon ay hinalungkat naman niya sa bag ang cellphone niya. Tiningnan niya kung may missed call ba siyang natanggap galing sa Mommy niya. Limang missed call at isang text message. Binasa niya ang laman ng mensahe.
Anak, are you still in the office? Male-late ka ba sa pag-uwi? Be careful. I love you baby.
Napangiti siya nang mabasa ang laman niyon. Talagang maalalahanin ang Mommy niya. Wala na siyang mahihiling pa kapag pagmamahal ng pamilya ang pag-uusapan. Her Mom loves her so much and she also love them as much as they love her. She can do everything for her family. Even to survive her own life for them.
Isinukbit niya ang shoulder bag sa kanyang balikat saka tumayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa elevator. Habang naglalakad siya ay ramdam niya ang lamig ng buong paligid. Christmas na kasi e. Pero kakaiba naman ang lamig na nararamdaman niya. Ang weird lang. Puro weird na lang ang nararamdaman niya simula pa kaninang umaga.
Pakiramdam niya palaging may nakatingin sa kanya. Pero kapag titignan niya naman ay wala namang naka-tingin. Siguro guni-guni lang niya iyon. Isama pa ang kataka-takang lalaki na nakita niya kaninang nakatayo sa malaking sanga ng puno. Ang weird din no'n. Baka naman na-engkanto na siya sa dinaanan nila kaninang umaga.
Siguro engkanto 'yong lalaking nakita niya kaninang umaga. Diyos ko naman! Hindi naman siguro. May ganuo'n bang engkanto? Kakaiba e. Kahit medyo malayo ang punong kinatatayuan ng lalaki kanina ay aninag na aninag pa rin niya ang kakaibang kulay ng kutis nito. Sobrang puti na medyo mamula-mula. Basta iyong sobrang puti na hindi anemic. Saka parang may mga silver sa balat nito na kumikinang nang masinagan iyon ng araw. Wow ah! Parang bampira lang gano'n? Hmp! Kalokohan. E, wala ngang bampira rito sa Pilipinas. Mga manananggal at aswang lang mayro'n.
Ipinilig niya ang ulo at diretso nang pumasok sa elevator at nagpahatid sa lobby. Nang makarating sa lobby ay tumunog ang elevator senyales na nakarating na siya roon. Mabilis siyang lumabas at naglakad na rin palabas ng building ng NACLOR CORP.
Pumuwesto siya sa gilid ng kalsada para maghintay ng taxi. Napamura siya nang makitang wala nang masyadong sasakyan ang dumadaan sa kinatatayuan niya. Kapag minamalas ka nga naman oh! Buwesit! At nakakatakot din sa puwesto niya kahit nasa harapan pa siya ng NACLOR. Madilim na ang buong paligid.
Napangiti siya ng malapad nang makita ang taxi na papalapit sa pwesto niya. Inihanda na niya ang kamay para parahin iyon pero gano'n na lamang ang pagkadismaya niya nang tuloy-tuloy lang iyon at hindi tumigil.
"Hoy! Pasahero ako! Bwesit!" himutok niya.
Nakasimangot siyang umupo sa gilid ng kalsada. May step in naman iyon kaya ro'n na lang siya umupo. Inilabas niya ang cellphone niya para tawagan ang Mommy niya na sunduin na lang siya pero wala na palang charge ang cellphone niya. Napasigaw siya dahil sa inis.
Tumayo siya at naiinis na binalingan ang kumpanyang pinagta-trabahuan niya. Dinuro-duro niya iyon.
"Ikaw! Ikaw na kumpanya ka, dahil sa 'yo wala akong masasakyan ngayon! Dahil sa jyo nag-overtime ako! Kasalan mo 'to e! Buwesit 'to! Nakaka-inis!" inis na inis na sigaw niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/130018589-288-k387825.jpg)
BINABASA MO ANG
Luna Blestem
WampiryLorcan Cojocaru stayed mysterious until when he knew. Hindi siya maaaring magpakita at ilantad na lang bigla ang kanyang sarili. Masyadong mapanganib ang ginagalawan niyang mundo lalo na't maraming banta sa kanyang buhay. Ngunit sa hindi inaasahang...