NAGISING si Erin Zeph dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa kanyang mukha. Luminga-linga siya. Nasa isang malawak na silid siya at nakahiga sa king size bed na kulay asul ang kumot na nakabalot sa kanya. Nasaan na naman siya?! Kaninong silid ito? Bakit nandito siya? Inalala niya ang mga nangyari kagabi, nakadama na naman siya ng takot nang maalala ang mga gustong pumatay sa kanya. Oh, God! Sino ba ang mga nilalang na 'yon? Kakaiba ang kanilang mga lakas at may matatalim din na pangil! Para silang mga bampira. Totoo bang nag-eexist talaga sila? Ang dami niyang katanungang gustong masagot. Idagdag pa ang lalaking naka-hood na sumagip sa kanya mula sa bingit ng kamatayan. Sino ang estrangherong 'yon?
Napa-praning na siya kaka-isip, hindi na niya alam kung ano'ng gagawin. Napatakip na lamang siya sa kanyang mukha saka pumikit at bumuga ng malakas na hininga. Dali-dali siyang bumaba sa kama, kailangan niyang maka-alis dito. Baka nanganganib din ang buhay niya sa taong nagligtas sa kanya kagabi. Pinihit niya ang seradura at lumabas saka dahan-dahan iyong isinara para hindi makagawa ng kung ano mang ingay.
Napaigtad siya nang maramdamang may humawak sa kanyang balikat. "Where are you going?"
Nanlalaki ang mga matang napaharap siya sa nagsalita. Napaatras din siya sa may pinto dahil isang dangkal na lamang ang pagitan nila ng nagsalita. Naningkit ang mga mata niya nang makitang si Stefan Cojocaru iyon! Bakit nandito na naman itong walang modo at supladong CEO nila? Sinasabi na nga ba niya, e! May masama itong binabalak sa kanya. Siguro ito ang nagpadala ng mga gustong pumatay sa kanya kagabi? Oo, tama! Tapos nagbago ang isip na huwag na siyang ipapatay kaya nag-ala superhero ito at niligtas siya.
"Ikaw?! Walanghiya ka talaga! Bakit nandito na naman ako? Balak mo akong patayin, 'no?! Wala naman akong kasalanan sa 'yo. Kaya tigilan mo na ako! Wala kayong mapapala sa akin!" nangga-galaiting sigaw niya habang dinuduro ang lalaki.
Matiim lang itong nakatingin sa kanya. Walang ibang reaksyon. Wow, ah! Ang galing din!
"Ano? Wala ka bang sasabihin?" iritadong sabi niya.
"You're too loud," simple nitong saad bago siya tinalikuran.
Ay, anak ng tokwa! Napaka-bastos at walang modo talaga! Sinundan niya si Stefan papasok sa isang silid para tapusin ang kabastusan nito. Napatigil siya sa paglalakad nang bumungad sa kanya ang magandang istilo ng silid. Ang laki at lawak no'n, maraming librong nakalagay sa mataas na shelves na nakapalibot sa buong silid at may hagdanan pa papuntang second floor na puno rin ng mga libro. Wow... as in wow! Sa bandang kanan ay may sofa set at center table. Sa pinaka-gitnang bahagi naman ay may malaking lamesa na gawa yata sa narra, may computer din na nakapatong do'n at tambak na mga papeles. Sa harap naman ay may dalawang visitor's seat.
"Are you done?" walang buhay nitong tanong bago naupo sa swivel chair.
Marahas naman siyang napalingon dito. "Done mo mukha mo! Ulol!"
Naglakad siya palapit sa mesa at nakapa-meywang na tumayo sa harapan no'n. Kailangan niya ng sagot sa kaniyang mga katanungan. Hindi na niya alam kung ano ang mga nangyayari. Naguguluhan na siya. She has to know the truth.
Mababaliw na siya kaka-isip! Baka kung pinatagal pa ay talagang tuluyan na siyang mawala sa sarili at malalaman na lamang niyang nasa isang mental institute na siya. Humalukipkip siya at nakipag-titigan sa lalaki.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa," She sighed. "I have a question. Ano'ng nangyari kagabi? Sino ang mga taong--no, they're not humans. I mean mga nilalang na 'yon na gustong pumatay sa akin? Saan galing ang mga 'yon? Bakit nila ako gustong patayin? Parang may hinahanap sila sa akin. Ano 'yon? At bakit--"
He cutted her off. "Can you calm down? One by one, I can't answer you if you keep on asking. Just breath, will you?"
"Ano?! Pakakalmahin mo lang ako? Oh, God! May banta na nga sa buhay ko tapos gusto mo pang kumalma ako?! Ano 'yon?! Joke! Gago ka ba?! Muntik na nga akong mapatay kagabi, e! Gusto kong malaman ang totoo!" hesterikal na litanya niya.

BINABASA MO ANG
Luna Blestem
VampirosLorcan Cojocaru stayed mysterious until when he knew. Hindi siya maaaring magpakita at ilantad na lang bigla ang kanyang sarili. Masyadong mapanganib ang ginagalawan niyang mundo lalo na't maraming banta sa kanyang buhay. Ngunit sa hindi inaasahang...