Kabanata 5

125 9 0
                                        

NAPAMULAT ng mga mata si Erin Zeph dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Napakurap-kurap pa siya para sanayin ang mga mata sa sinag ng araw. Nang tuluyan na niyang naimulat ang mga mata ay kaagad na ipinalibot ang tingin sa silid na kinaroroonan niya. Nanlalaki ang mga matang napabalikwas siya ng bangon nang mapagtantong hindi ang silid niya ang kinaroroonan niya. Nasaan ba siya? Diyos ko! Anong ginagawa niya sa estrangherong silid na 'to? Sinong nagdala sa kaniya rito? Niyakap niya ang sarili nang biglang sumariwa sa isip niya ang nangyari kagabi. Ang nakita niyang bampira at pag-atake nito sa kaniya tapos... tapos 'yong kalilitaw na CEO ng kumpanya nila ay iniligtas siya mula sa bampirang muntik na siyang mapatay. Ang gulo! Naguguluhan siya sa mga nangyari! Binabangungot ba siya? Diyos ko! Sana magising na siya para matigil na ang lahat ng 'to!

Hindi niya namalayang tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi niya dahil sa pagkalito at takot na nararamdaman. No! They are not real, Erin! They are not real! Napabuntong-hininga siya saka hinila ang kumot na nakatakip sa kanya para pamunas sa luha niya pero ganun na lamang ang gulat at pagtataka niya nang makitang panty at bra na lamang ang suot niya. Na-rape rin ba siya? Hindi! Naghe-herestikang sumigaw siya nang sumigaw.

"What the fucking heck, woman!"

Napatigil si Erin Zeph sa pagsigaw nang marinig ang nagsalita at kaagad na napadako ang tingin niya sa may pintuan. Napasigaw na naman siya nang makita si Stefan Cojocaru na nakatayo roon na ang tanging saplot lamang sa katawan ay ang puting tuwalya na nakapulupot sa beywang nito.

"Shit! Can you fucking shut the fuck up! Ang ingay mo! Ano ba ang sinisigaw-sigaw mo?" naiiritang saway ulit nito sa kanya.

Itinuro ni Erin Zeph ang lalaki. "I-ikaw! Oo, ikaw?! Anong ginawa mo sa 'kin? Bakit mo ako dinala rito? Saka bakit wala akong damit? Sumagot ka! Ni-rape mo ba ako? Sagot! Oh God! Wala na ang virginity ko! Wala na finish na. Uwian na! Bakit? Bakit ako pa?! Walanghiyang rapist ka! Sana... sana mawalan ka ng kaligayahan! Wala kang puso! Hayop ka! Haaayyyoooppp!" 

Walang emosyong nakatingin lang sa kaniya ang lalaki. Wala talaga itong konsensiya sa kahayopang ginawa nito sa puri niya.

"Are you done? For your fucking information, woman. Walang karape-rape sa 'yo? Have you seen your whole body in the mirror? All flat," he flatly said.

Ano raw?! Flat?! Gago 'tong lalaking ito ah! All flat pala ah!

"Walanghiyang gago ka! Makapan-lait ka wagas! For your information din Mister CEO, jutay ka rin! Jutay! Jutay! Jutay!" aniya sa nanggigigil na boses habang pinagbabato ng unan ang lalaki.

Napatigil siya sa pagbato nang biglang makarinig ng malakas na halakhak mula sa likuran ng lalaki. Isang magandang babae ang naroon at parang mauubusan na ng hininga sa katatawa.

"Oh my god! I can't believe it! Ikaw pa lang ang nakapagsabi ng ganiyan sa kaniya. I salute you, girl!" nakatawang sabi nito saka lumapit sa kaniya.

Masama ang tingin naman ang ipinukol ni Stefan Cojocaru sa babae. "Will you shut the fuck up!" Tumingin ulit ito sa kaniya. "Miss Montillano, you're fired."

Tumatawa pa rin ang babae. Pabalibag namang isinara ni Stefan ang pinto at iniwan na sila.

"By the way, I'm Tamina at your service, sis," pakilala nito sa kaniya.

"Hello. I'm Erin, so, ahm alam mo ba kung nasaan 'yong mga damit ko?" nakangiwing tanong niya.

Bakit pa kasi kailangang tanggalin 'yong damit niya? Ayan tuloy, napagkamalhan niyang ni-rape siya ng masungit na lalaking 'yon. At nawalan pa siya ng trabaho!

"Oh! Manang Adela put it in the closet after she washed it. My cousin doesn't have clothes for women here, so, you are only with your undergarments."

Luna BlestemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon