Chapter I
Matindi ang sikat ng araw… ang hapdi hapdi na ng balat ko.. mahapdi na din yung mata ko kakaiyak..
Kase naman, nahulog yung kwintas ko sa pool. Paborito ko pa naman yun… wala akong magawa kundi ang umiyak nalang.. mayamaya may lumapit na batang lalaki. Hindi ko siya halos mamukhaan dahil sa sobrang liwanag dala ng sikat ng araw.. pero pilit ko parin siyang pinagmamasdan. Napansin ko nalang ang paglahad ng kamay nya at doon nakita ko nalang na hawak na niya ang kwintas na iniiyakan ko kanina lang.. abot tenga ang ngiti ko at narinig ko nalang na sinabi nya ,“Wag ka nang umiyak, hindi bagay sayo, ang cute cute mo pa naman.” Ngumiti siya… tanging ngiti lang nya ang malinaw sa mga mata ko…
Kring…. Kring….. kring……..!!!!
“Aray ko! Anu ba naman yan!”, as usual nahulog nanaman ako…. Nagising ako ng dahil sa ingay na nilikha ng alarm clock ko… sa inis ko, itinaob ko ang alarm clock ko. “Nakakainis naman oh… makikita ko na nga siya eh! Bakit naman kase etong asungot na toh pandaleh nanaman sa pagsingit?! Wrong timing ka nalang palagi! Minsan ko na nga lang Makita ang kaibigan kong yun eh!”… padabog akong sumalampak sa kama ko… tumingin ako sa taas ng kisame.. “Bakit ganun? Madalas pa din kitang mapanaginipan eh ang tagal tagal na nun?!”..
“Anak! Gising kana ba?” kumatok na ng kumatok ang aking ina…
“Ay opo ma… gising na gising na po ako.. ”
“Dalian mo at baka mahuli kana sa klase mo… wag nang pabagal bagal at college kana…”
“opo.. eto na nga po babangon na ang prinsesa…hehehe”..
Nakaligo na ako at naka uniporme na… tumingin ako sa salamin at pinagmasdang mabuti ang kagandahan ko… hahaha joke lang! “ok eto na…. College na ako… kaya ko na toh..”
Ako nga pala si Elly Rose Marrise Lujan, 16 years old…. Turning to 17 na ako this year.. At syempre di ko muna sasabihin kung kelan ang bday ko… hahahaha. Luka luka lang.
Umupo ako sa lamesa namen para kumaen ng agahan bago pumasok sa eskwelahan…
“Abah himala… nakalipstick si EL…” (sabay gulo nya sa buhok ko…)
“Anu ba??! Pwede ba kuya… agang aga eh! Kakaayos ko lang ginugulo mo ako.. upakan kita jan gusto mo?!”
“hahaha… uy magbago kana! Dalaga kana tomboyin ka padin? Amazona!”..
“Ang yabang mo! Sige lang.. pag may nanligaw saken… hmmp!”
“Asus…. Asa ka naman!” Pangungutya ni kuya saken..
“Tumigil na nga kayong dalawa… bilisan na ninyo at baka mahuli pa kayo sa klase.. oh Lerry, alagaan mo yang kapatid mo.. wag mo naman palaging pikunin. Baka maaga mag asawa yan” Pang aasar ni mama..
“Ma naman eh!! Wag pong ganun!”,, ayun.. tinawanan lang nila akong dalawa.. infairness wala akong kakampi..
------------
Papunta na ako sa school namen.. kasabay ko ang kuya ko na ubod ng kulit…
Kuya: “Oh El, kaya mo na ba?” abah seryoso? Feeling kuya talaga? Hahaha
Ako: “oo naman kuya.. sige na, pumunta kana sa room mo.” Pagtataboy ko sakanya.
Kuya: “Sure?? Kung wala kang makakasabay sa lunch, willing akong isabay ka.” Sabay kindat saken.
Ako: “hahaha ang yabang mo talaga kuya..! baka ikaw lang walang kasabay jan eh! Napaka engot mo!”
Kuya: “Nakakaawa ka naman kase… haha o sige una na ako. Gudluck sis..!”
BINABASA MO ANG
Forever Devoted to You
Teen FictionKung minsan ang puso ay nakalaan lang para sa iisang tao... na kahit ibaling mo pa sa iba.. siya at siya pa din... Wala nang iba pa,.