Chapter 3
“Okay class dismiss.”.. agad agad ay nag ayos na kame ng mga gamit namen. Yung katabi kong kumag, ayun dire-diretso na agad na lumabas. Di uso mag ayos ng mga gamit yun. Paano, ni notebook nga di nilalabas nun. Di nagsusulat, nakikinig lang siya. Kung sabagay,wala pa namang lecture. Karamihan sa mga prof at instructors namen pinasulat lang mga kakailanganing gamit. Sus para naman kaming mga bata. Yung iba naman sabi mag advance reading na daw kame.
“Elly…”, tawag saken ni Tobby..
“Oh bakit?.” Umupo siya sa tabi ko kung saan kaninang nakaupo si Mr. yabang.
“Gusto mo sumama samin bukas ni Kristine? Tara mag mall?”
“Hah? Eh diba may klase tayo bukas?”
Agad namang sumingit si Kristine,“Pwede na tayong di umattend bukas. Nakaatend na tayo ng Monday and Tuesday kaya alam na naten mga sched by nextweek. Besides, tutunganga lang tayo dun ng 3 days. It’s kind so boring na. Nextweek pa naman ang regular class.”
“Hmm.. pag iisipan ko. Kase baka mapagalitan ako ng mom ko eh. Si kuya pa naman lagi nalang tinatanung kung san ang lakad ko. Mamaya masermunan pa ko samen.”
“Edi ipagpapaalam kita.” Sabi ni Tobby.
“ha?! Naku wag na.. paniguradong iba lang magiging interpretation ng kuya ko.. baka sabihin lang nun nakikipagdate ako.”
“haha, don’t worry girl, much better nga kung pagpapaalam ka nya. Saka sasamahan ko naman siya magsabi sa kuya mo. And for sure papayag naman siguro siya. Ako nang bahalang gumawa ng dahilan. Kung pang gastos ang problema mo, kahit sagot ko na yun. Please pumayag kana naman.”
“Naku, may pera naman ako pang gastos, bakit di nalang kayong dalawa?”
“Ayokong kami lang dalawa ni Tobby, maikli lang pasensiya nyan pag naglilibot o may bibilhin ako. Nag yayaya agad umuwi!” pang aasar nya kay Tobby. Nakakatawa yung itsura ni Tobby, di nya magawang patulan si Kristine. Kumbaga nagpaparaya nalang kahit gusto nyang magdahilan.
“Anu? Sama kana? Para makapagbonding naman tayo. Busy ka ba? Marami kabang lakad? Gagawan ko naman ng paraan eh. Saka promise, kahit magtagal pa kayo ni Kristine sa mall, magtyatyaga akong maghintay.” Wow ha, very convincing. So sino ba namang di makakatanggi eh ang cute na ng nakikiusap oh, Sobrang arte ko naman kung di ako papayag. Tutal, boring nga naman. Buti nga sila na yung nakipagkaibigan saken eh. Hindi na ako mag iisa.
Nginitian ko si Tobby. “O sige, sasama na ako. Basta yung sinabi mo ha? Ipagpapaalam mo ako.”
“No Problem :)” nilabas naman nila agad ang cellphone nila. Alam ko na ibig sabihin nun. Siyempre kukunin nila yung number ko.
“Kita nalang tayo bukas ng bandang 8:00 in the morning sa labas ng school. Sa may park.”
“Ok, no problem.”
“Im so excited,, Thank you so much sis,.. Mwuah!” pabeso-beso pa talaga tong si Kristine. Haha nakakatuwa naman.
Sa aming magandang bahay…
Kumakaen ako ng merienda ng biglang dumating ang kuya kong maligalig. Pero kahit na ganun, hindi din kumpleto ang araw ko ng walang nang aasar saken.
“Sis amazon,..” nilingon ko si kuya.
“Yes my dear kuya?” With super sweet smile. Siyempre kelangan kong maging mabait sakanya. Kase kahit payagan ako ni mama na maghang out bukas, pag si kuya ang hindi pumayag, di na din ako papayagan ni mama.
BINABASA MO ANG
Forever Devoted to You
Novela JuvenilKung minsan ang puso ay nakalaan lang para sa iisang tao... na kahit ibaling mo pa sa iba.. siya at siya pa din... Wala nang iba pa,.