Chapter 11
this chapter is dedicated to @zshenSmiley_Lover
Pagtingin ko sa alarm clock ko, 9:00 na ng umaga.. Omg malelate ako nito.!!! Napabilis ang pagbangon ko.
Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni kuya… Abah wala na pala. Di man lang ako nagawang hintayin. Si kuya talaga!. Dumiretso ako sa kusina.
Nakita ko si mama na naghuhugas ng mga plato..
“Ma… bakit naman po di mo ako ginising ng maaga? Malelate po ako nito..” Nakasimangot kong sabi sakanya,.
“Anak, malaki kana.. dapat matuto kang bumangon ng sarili mo. College kana. Lagi ka nalang nasasanay ng ginigising ka. Kung palaging ganyan, paano ka matututo para sa sarili mo?” Ayan.. nagtatanung lang ako napupunta nanaman sa sermon. Si mama talaga oh. Napakamot nalang ako sa ulo ko nun.
“Si kuya po? Bat hindi man lang ako hinintay?”. Pagmamaktol ko habang naghihilamos.
“Tanghali pa naman daw ang pasok mo eh. Ikaw tong maagang nakatulog kagabi ikaw pang nalate. Samantalang ang kuya mo madaling araw ng umuwi siya pa mas nauna at maagang nagising sayo,.” Ayan nasermunan nanaman ako. Sinabi kasing wag ng magtatanung eh,.
Kasalanan ni kuya kung bakit ako nalate ng pagbangon. Panu ba naman hindi ako mapakali kagabi sa kakaisip kung sinu si Mikey… Excited akong malaman kung sinu yun. Oo sabihin na nating maraming Mikey sa mundo.. Pero basta Mikey o Mike ang pangalan curious ako. Hinintay ko siya dahil sabi nya 8 daw ng gabi ang uwi nya.. pero dumaan ang 9, 10 ,11,12.. walang kuya na dumarating.Tinetext ko pero di naman nagrereply. Nagising ako ng 3 am aba’t wala pa din, kaya itinuloy ko nalang ang tulog ko at sabi ko sa sarili ko na bukas pag gising ko nalang siya tatanungin.
Ewan ba kung bakit ganun nalang ako kaexcite .. dati nga nung malaman kong may professor kame na Mike ang pangalan agad agad gusto ko ng makilala eh. Ayun pala mag sesenior na yung prof na yun. Hahaha oo, O.A. na nga kung o.a. pero bakit ba? Sa gusto ko lang eh.
Nag almusal na ako nun then naligo at dali daling nag ayos ng sarili. Muntikan ko pang maiwan ang wallet at cellphone ko. Tatawagan ko pa sana si kuya para bungangaan pero wala eh naiwan nya pala ang cp nya sa bahay.. ok good… very good kuya!
Yung tricyle sa kanto namen inarkila ko na hanggang papunta dun sa bus stop. Panu ba naman kung mag iintay pa ako ng jeep baka malate lang ako lalu.
15 minutes left… Oh my.. eh 20 minutes bago pa ako makarating sa school. For sure late na late na ako.
Pagdating ko sa school yung mga bumabati saken hindi ko na nagawang pansinin sa pagmamadali ko.
Hingal na hingal akong pumasok sa room. Ooopss… nakalimutan kong kumatok.
Si Mr. Symone pa naman ang professor ngaun.. patay!
“Ms. Lujan… first time mo yatang nalate?”
“Sorry po sir… ok lang po na pagalitan nyo ako kase kasalanan ko naman po talaga kung bakit ako nalate.” (Ok kahit kalahati nun ay kasalanan ni kuya… nandamay pa!)
“Ok, since ngayon lang naman nangyare yan. Go to your respective sit.”
Hay salamat.. mabait din naman pala tong si sir Symone eh. Nang makaupo ako sa upuan ko, nandun lang din si Michael na diretsong nakatingin lang sa harap. Di man lang tumitingin saken. Ok balik nanaman sa dati yung ugali nya na parang invisible lang ako. Kelan kaya ako mapapalipat ng upuan. Ang boring ng buhay ko pag siya ang katabi ko.
“Ok class, see you nextweek.. Class dismiss.” At dirediretso ng lumabas ng class room si sir Symone. Anu yun??? Lokohan? Kakaupo ko lang class dismiss agad? Abah!
BINABASA MO ANG
Forever Devoted to You
Teen FictionKung minsan ang puso ay nakalaan lang para sa iisang tao... na kahit ibaling mo pa sa iba.. siya at siya pa din... Wala nang iba pa,.