Chapter 9
Akalain mo yun, irregular student pala ang luko.. Napahiya nanaman ako dun ah?..Naglalakad na ako nun sa hallway ngayon. Di ko na nga nagawang sumabay kina Tobby at Kristine dahil nahihiya talaga akong makipag usap sa kahit na kaninong classmates ko. Ikaw ba namang mapahiya sa harap nila. May patukso tukso pang nalalaman. Naiiyak na nga ako sa sobrang kahihiyan. Nang makalabas ako ng gate nakahinga ako ng maluwag. Naramdaman ko nalang na nag vivibrate yung phone ko.
CALLING... from 0915*******...
Ha?? sinu naman kaya toh? unregistered number. Naku mukhang kalat na ata yung katangahang ginawa ko. No way! hindi pwede ito.. Maya maya nag ring nanaman...
Ha?ibang number nanaman from 0927******* .. sinu ba toh? Sasagutin ko ba o Hindi?.. Wag ko nalang pansinin baka nang tritrip lang... maya maya lang, nagvibrate nanaman, sa inis ko, sinagot ko na..
"Ano ba? bakit ba tawag ka ng tawag panira ka naman ng araw! Hindi naman kita kilala!"
"Elly, si Tobby toh.."...Oooppss si Tobby pala..
"Tobby?? ikaw pala.." nagbago agad yung mood ko.
"Bat mo naman sinabing di mo ako kilala? di mo parin pala sinesave yung number ko?"
"Ha? ahm wait lang tobby ha check ko lang alam ko sinave ko naman eh." chineck ko yung phone ko nag appear na si Tobby nga yung caller ko ngayon..
"Tobby sorry, akala ko kase yung unregistered number ulit yung tumatawag saken eh. ayun pala ikaw na. Di ko na check eh.."
Narinig ko nalang na napatawa siya.. "Ok, it's fine. kaya nga pala ako napatawag, itatanung ko kung nasan ka ngayon hatid nalang kita sa inyo."
Napakamot naman ako sa ulo ko, nahihiya man ako, pero di na naman ibang tao si Tobby saken sasabihin ko na sana na OO Sige pero bigla nalang may nag snatch ng cellphone ko..
"Ako nang bahala sakanya.. ihahatid ko nalang siya, we have business to finish. I'll bring her back home safe don't worry." then inend call na nya saka humarap saken.
"Bat mo naman ginawa yun sakanya???!! nakakainis ka talaga!" pinag hahampas hampas ko siya sa dibdib nya gamit yung hawak kong notebook.
"Pwede ba tama na! aray nasasaktan na ako ha! napaka brutal mo talaga!".. sabi nya.
"Napakasama kase ng ugali mo.. kanina pinahiya mo ako tapos ngayon papakielaman mo ako. Mam-bubully ka talaga!". Pilit nyang sinasalo yung bawat hampas ko sakanya.
"Asus kunware ka pa.. eh diba namimiss mo ako? kaya mo nga ako hinahanap pag wala ako sa klase eh.. Wala ka kasing seatmate..Kunsabagay, sinu nga bang magtyatyaga sayong katabi ka? wala namang iba kundi ako lang haha.." pangisi ngisi pa ang loko.. grabeh malakas pa sa hanging Yolanda ang kayabangan nitong si michael eh! Sa inis ko nag back out na ako.. dirediretso akong naglakad palayo... Naririnig kong tinatawag nya ako pero di ko siya nililingon. Bwisit talaga! pinagtitinginan na kame ng mga tao..
"Hoy wag mo akong tinatalikuran ha.. may utang ka pa saken..! Elly!." Sumigaw ba naman.
BINABASA MO ANG
Forever Devoted to You
Teen FictionKung minsan ang puso ay nakalaan lang para sa iisang tao... na kahit ibaling mo pa sa iba.. siya at siya pa din... Wala nang iba pa,.