Chapter 5 Reminisce

43 1 0
                                    

Chapter 5

"Ayoko na dito.. Gusto ko ng umuwi!" umiiyak ako nung araw na yun.

"Pwede ba Rose! tumigil ka na nga. rinding rindi na ako sayo!..Lahat naman ng gusto mo ibinibigay ko ah. Toys, foods.. anything you want.!" Iritableng sabi ni lola.

"I don't need anything! I just only need my mom and dad! miss na miss ko na sila.. Buti sana kung nandito si kuya. miss na miss ko na rin siya!" I ran away and went to my room.

Sinundan ako ni lola sa kwarto.. "Apo naman.. please, wag ka namang ganyan. Pagod na pagod na ako. May inaayos lang naman sina mama at papa mo eh."

"Anung inaayos nila? ang paghihiwalay nila?? I hate you and lolo!" sinuntok ko ng sinuntok ang higaan ko at pinagbabato ko ang mga unan ko.

Iniwan ako ni lola sa kwarto ko. Hindi ko alam kung naapektuhan pa ba siya sa mga sinabi ko. Ang gulo gulo na ng buhay ko.Ang dating masayang pamilya, ngayon miserable na. Ayaw ng mga parents ng papa ko sa mama ko.

Miski nung magkasintahan palang sina mama at papa, di na boto ang mga lolo ko. Hindi daw kase nila kalevel sina mama. Bukod sa di boto ang mga magulang ni papa pati narin ang iba naming kamag anak sa side ng papa ko ay di rin boto sakanya.

Palagi nilang ginugulo ang pamilya namen..Tinatakot kase ni lolo si papa na wala daw matatanggap na mana niya once na hindi hiwalayan ni papa si mama.. Madalas itong pag awayan ng parents ko. Pinapaliwanag ni papa kay mama na kelangan na nilang maghiwalay para hindi na kame guluhin nina lolo at matustusan ang lahat ng pangangailangan namen. Masakit kase parang pinagpalit na kame ni papa para lang sa kayamanan nya. Napakahina nya, hindi man lang nya kami ipinaglaban. Si papa daw kase ang successor sa company ng lolo ko... 

Dating masaya ang pamilya namen pero bakit bigla nalang nagkaganito ang lahat? Dumating kase sa punto na gusto akong kunin ng lolo ko para pasakitan sila at makaganti kay mama..

Mag twotwo months na ako dito sa resort nila lola. Walang araw na hindi ako umiiyak. Iritang irita na nga si lola saken eh. Palagi ko kasing hinahanap ang parents ko at si kuya. magsa-summer ako ng kunin nila ako, hindi ko yun alam. Nagising nalang ako na nasa byahe na ako  at kasama ko sila. Para na nga din nila akong kinidnap... Ni hindi man lang ako nakapag paalam sa parents ko. Kaya ganito ako ngayon gusto ko silang inisin kaya parang nagrerebelde ako araw araw.Kung andito lang si kuya baka kayanin ko pa. Pero wala ni isa sakanila ang kasama ko ngayon.

Nang mahimasmasan ako, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa mini store ni lola... Doon ay may nakita akong isang may edad nang babae. Pero kahit matanda na siya napaka ganda pa din nya.

"Hi... what's your name hija? ang cute cute mo naman..ilang taon kana?" bati nang ginang saken.. pero hindi ako sumagot..

"Diana, siya yung kwinekwento ko sayong apo ko sa panganay kong anak na si Raymond.. si Rose. kaka-seven lang nya nitong March." pakilala ni lola.

Ang arte arte talaga nitong si lola.. Lagi nalang Rose ang tawag saken,. Sinabi na ngang hindi Rose ang pangalan ko eh. Elly ! Elly dapat ang tawag nila saken at hindi Rose.

"Talaga?Ang cute cute pala nitong apo mo Joana.. May apo din ako kasama ko siya ngayon... gusto mo makipaglaro sa apo ko?".. umiling ako... 

"Ayoko po... gusto ko pong makita ang kuya ko.." humihikbing sagot ko.

"Bakit? nasan ba ang kuya mo?".. nagtatakang tanong nya.. maya maya lang ay pasimpleng sumingit si lola..

"Ahm.. kumare... nakapag lunch na ba kayo? tara na muna at ituturo ko sa inyo ang room nyo.. para namang makapagrelax kayo. alam kong napagod kayo sa byahe,." sumang ayon naman yung matandang babae at sumama kay lola...

Forever Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon