Chapter 10
Nasa kwarto lang ako magdamag inis na inis ako sa ginawa ni Michael. Bigla namang kumatok si kuya Lerry. Namiss siguro akong asarin nun. As usual pagkumakatok yun papasok din agad kahit walang permiso ko.
“Oh kuya napadalaw ka?”.. umupo na ako nun sa kama ko.
“Anu ka nasa kulungan? Haha, tara labas kana.. binilhan kita ng brownies. Wag ka ngang magkulong dito,” Sabi nalang nya saken.
“Kuya, naalala mo ba yung kwinento ko sayo date? Si Mike..” curious talaga ako eh.
“Ah yung mabait mong kaibigan? Oo.. bakit yun ba first love mo?”. Binato ko naman agad sakanya yung pillow ko.
“Kaasar ka kuya! Hindi ganun yun. Eh kase, I have this feelings na gusto kong magpasalamat sakanya. Anu na kayang itsura nya ngayon? Di ko na rin kase matandaan eh.”
“Naku Elly, kung siya ang reason kung bakit wala ka pang boyfriend hanggang ngayon, ikaw ay magising na. Baka nga may gf na yun ngayun eh. And worst is baka may asawa na din? Hahahaha” sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Hay naku kuya, akala ko naman makakausap na kita ng matino!. Nakakaasar ka.!” Tumayo na siya nun at tinap ang ulo ko…
“Kesa yan ang pagtuunan mo ng pansin sa pag hahanap sa kaibigan mong nangako sayo, ikaw ay magsaya nalang at maraming Mike na nabubuhay ngayon. Mahirap hanapin yun noh!”
“Kuya hindi ako mahihirapan… Magkaibigan sina lola at ang lola ni Mike… For sure matutulungan nya ako.” Sabi ko nalang sakanya. Bigla namang nag iba ang expression ng mukha ni kuya..
“Don’t dare to do that Elly.. Alam mo namang hindi pwede yan. Hanggat maari nga wag na tayo humingi pa ng tulong kina lolo at lola eh. Alam mo naman kung anung ginawa nila sa pamilya naten. Sila dapat ang tumutulong para maging maganda at masaya ang pamilya na toh.. pero sila ang sumira!.” Seryosong seryoso ang mukha ni kuya.
“Kuya, sorry.. hindi naman ako makikipagkasundo kay lola eh.. Gusto ko lang namang makita ulit si Mike..” Napayuko nalang ako. Ang hirap ng ganitong sitwasyon ng pamilya namen. Miski sa mga pinsan namen sa side ng papa ko di namen magawang makabonding o makausap dahil nga yung pamilya nila ayaw sa nanay ko.
“Tara na, samahan mo nalang ako sa sala. Dun tayo kumaen.” Lumabas na si kuya nun.
Nung nasa sala na kame, nakita ko nalang na may malaking red box dun sa lamesa. Pagkabukas ko ang daming lamang brownies. Iba iba pa yung designs at toppings. Nakakatakam talaga!
“Wow kuya… mukhang ang sasarap nito ah. Grabeh! anu nangyare sayo at napaka galante mo naman ngayon.?” Panay na ang subo at kagat ko sa brownies. Favorite ko kase toh eh.
“Ganun talaga pag libre, masarap..haha..basta kumaen ka nalang.”..
Nakalimang brownies na agad ako nun.. ang dami at ang sasarap talaga.
“Hoy Elly, magtira ka naman para kay mama.. haha ang takaw mo.!” Nginitian ko lang si kuya.
“Kuya, pasalubungan mo ulit ako nito bukas ha? Ang sarap nito sobra..” Tumayo na si kuya at tinanggal ang t-shirt nya at nagpalit ng sando.
“Hayaan mo at sasabihin ko sa nagbigay nyan magdala pa ng isang box bukas at nagustuhan mo. Punta lang akong court ha? Magbabasketball lang ako. Pag hinanap ako ni mama sabihin mo baka 8pm na ako makauwi,.”
“Teka kuya, ibig sabihin hindi sayo galing tong mga brownies na toh???”.
Busy na sa pag rurubber shoes si kuya nun.
“Oo nga. Kaibigan ko nagbigay nyan. Sabi patikim ko daw sayo baka magugustuhan mo.”
“Sinu??? Kuya ang daya mo. Nagpapakaen ka hindi naman pala galing sayo!”
“Haha.. kasalanan ko pa ba yun kung matakaw ka?? Ako nga isa lang nakain ko eh, ikaw nakalima agad. Balak mo pa nga ubusin!.” Si kuya ang lakas talaga mang asar. Tumayo ako para pingutin siya pero wala eh ang bilis tumakbo. Sinilip ko siya sa bintana, abah nag belat pa ang luko.
Kanino naman galing yun?. Umupo nalang ulit ako at kumuha ulit ng isa… Saka ko napansin dun sa box na may card pala.
So iyun binasa ko.. natural may nakasulat dun.. haha :3 ok seryoso na…
“To beautiful Elly Rose, I hope you will like this, like the way I look at you.”
Ha?? Ay grabeh.. agad namang nabitawan ko yung small card. Napanganga pa nga ata ako eh.
Ewan ko ba pero bigla nalang akong nakaramdam ng kilig..
Kanino kaya galing toh?
Dinampot ko ulit yung card..
Sa ilalim may nakasulat na
From: Mikey
OMG.. Mikey?? Sinu toh? Kaibigan ni kuya?? Teka,,, bakit Mikey??? Pinagtritripan ba ako ni kuya?
BINABASA MO ANG
Forever Devoted to You
Teen FictionKung minsan ang puso ay nakalaan lang para sa iisang tao... na kahit ibaling mo pa sa iba.. siya at siya pa din... Wala nang iba pa,.