Chapter 4
Nabigla nalang ako sa mga pangyayare...
Ayun na nga, bumagsak yung matandang lalaki at nawalan na ito ng malay. Kung kanina wala masyadong katao tao, ngayon naman ay nagkalat na dahil marami sa kanila ay nakikitsismis na. May mga dumating na din na mga pulis at dinampot ang magnanakaw.
"Sa susunod kase, kung sasakay ka din lang, dun na sa matao, hindi sa dilim.",napukaw nalang ako ng magsalita siya, dun ako natauhan. Pagkakataon na para matitigan ko siya ng mabuti. nakaleather black jacket siya at nakasalamin din. tinted kaya balewala din kahit titigan ko siya di ko din siya marerecognize.
"Kung sinu ka man, maraming salamat." pinipilit kong aninagin yung mukha nya.. narinig ko nalang na nagsmirk siya.
"You're too stupid. Kung sinuman ako? para sabihin ko sayo kilala mo ako,." iba na yung tono ng pananalita nya super manly na at halatang iretable na siya. "How can't you recognize me, my dear seatmate?......" nabigla ako sa mga narinig ko... seatmate? siya?? siya si...then he removed his eyeglasses.
"oww... ikaw pala..." para akong lalagnatin... nabibigla ako sa lahat ng pangyayare. May puso naman pala itong si Mr.Yabang. "Michael..ikaw pala..." hindi ko nanaman alam kung anu pang mga sasabihin ko.. nalulula na din kase ako. pakiramdam ko magcocolapse na ako. maybe dala narin nang takot kanina at pagkabigla...
"Namumutla kana... kaya mo pa ba? wala ka man lang bang kasama?"... bigla nalang naging malumanay siyang magsalita. bipolar ba toh?
"Come with me, ihahatid nalang kita sa inyo." he took my hand and ayun, parang ang bilis nalang ng lahat ng pangyayare, nakasakay na ako sa kotse nya.
"Alam mo, hulog ka ng langit para saken ngayon. Maraming salamat sa..." hindi ko na natuloy dahil nagsmirk nanaman siya,mahina lang yung boses ko dahil parang sumama na talaga ang pakiramdam ko. Shock na shock pa din ako.
"Ilagay mo na yung seatbelt mo, saka wag kana magpasalamat saken. Di naman dapat kita tutulungan noh, nandun nalang din ako at nakita ko yung sitwasyon mo. kung masaktan ka konsensya ko pa yun." binuhay na niya ang makina ng kotse nya at pinaandar na ito.
"Gumising kana, andito na tayo sa subdivision nyo. And i think someone is waiting for you out there."
Minulat ko ang mga mata ko, nakatulog na pala ako. tinignan ko ang relo ko, it's almost past 8 na. nakita ko si kuya sa may kanto. Tinitigan ko si Michael senyales na lalabas na ako.
"Thank you so much again.. sorry kung naabala kita. alam kong ayaw mo ng may gumugulo sayo but deep inside sobra akong nagpapasalamat." binuksan ko ang pinto at pagkatapos nun ay pinaandar na nya ang kotse nya at umalis na.
"Thank God you're here! bakit ngayon ka lang? alam mo bang ilang beses na akong nagpabalik balik dito?! panay ang tawag ko sa guard kung nakalanding kana dito sa street naten. Cannot be reach ang phone mo!, tapos di ka man lang nagtext o nakitext man lang?! alam mo bang sobra akong kinabahan Elly?! Ngayon ka lang umuwi ng gantong oras!" tuloy tuloy na ang pagdadak si kuya Lerry.. Hinayaan ko lang matapos mga sinasabi nya saka ko siya niyakap ng mahigpit at umiyak ng umiyak sa dibdib nya.
"Kuya ko.... akala ko di na ako makakauwi ng buhay..." tumulo na ng tumulo ang mga luha ko.. Doon na ata nakalma si kuya, naramdaman ko nalang na hinihimas nya ang likod ko at pinapatahan.
"What happened ba? alam mo bang tinawagan ko pa sina Kristine just to make sure na okay ka lang? sinabi nila na ang alam nila pauwi kana. kinabahan ako dahil nasa bahay na si Kristine and knowing na hinatid siya ni Tobby samantalang ikaw ay hinayaang umuwi? Kung nasa harap ko lang ang lalaking yun baka nabanatan ko na yun eh.!"... medyo tumigil na ako sa pag iyak nun. Nang mahimasmasan ako, dun nalang ako nakapagsalita. Sinabi ko lahat sakanya ang mga nangyare at inexplain ko na din kung bakit si Kristine lang ang hinatid ni Tobby. Kasalanan ko din naman. kung pumayag na din ako sa offer ni Tobby edi sana di pa ako napahamak.
"Buti nalang nandun yung classmate ko at niligtas nya ako...Siya nga din ngayon yung naghatid saken." Naglalakad na kame nun pauwi habang sinasabi ko yun sakanya.
"I must also thank him. Buti nalang walang masamang nangyare sayo, buti di ka nasaktan. Sobra talaga akong nag alala kanina. Pati si mama kinukulit ako, sunduin na daw kita sa mall. Mas mabuti pang wag na nating ipaalam pa kay mama na ganun ang nangyare sayo. For sure magragrounded ka pag nalaman nya yun. Magpahinga kana. Wag kana lang muna pumasok bukas tutal nextweek pa ang regular class." Yan ang kuya ko, kahit na lagi ako inaasar nyan mahal na mahal ako nyan. At kadalasan lumalabas ang kabaitan nya sa mga gantong sitwasyon. Bigla ko nalang naalala si Michael, Mabait din naman pala siya.. kahit na may pagkasuplado at weird ang taong yun, idagdag na din ang kayabangan, malambot din pala ang puso. Napansin ko nalang na nakangiti na pala ako. Anu ba naman yan. Para lang akong ewan nito eh. Kelangan ko talagang magpasalamat sakanya.
Pumasok na ako ng kwarto pagkatapos kong mag explain kay mama. natural puro sermon nanaman ang inabot ko. anu pa nga ba? hinayaan ko nalang tutal kung ako din nasa sitwasyon nila baka mas malala pa yung pagdadadakdak ko eh.hehe. Chinarge ko na ang cellphone ko, at naligo.
Pagkatapos kong magshower ay binuksan ko ang cellphone ko dahil naalala ko na dapat nagtetext na ako kina Tobby at Kristine. For sure nag aalala na ang mga yun.
Pag open ko ng cp ko, ayun sunod sunod ang mga text messages nila.
From: Tobby
Hey wer na u? Are u home already? i was so worried.
From: Kristine
Sis, bakit di ka nagpaparamdam? kanina pa kita tinatawagan kaso cannot be reach na eh. are you alright? text mo ako if nakauwi kana ha? by the way, thanks sa bonding naten kanina..mwuah!
From: Tobby
Please Elly, magreply ka.. kinakabahan na ako. Tinadtad na din ako ng kuya mo ng mga messages and calls, puro death threat na ang natanggap ko sakanya.
Natawa ako ng sobra sa text ni Tobby. actually naka 15 messages siya at yun nga yung huling text nya saken. ang O.A. talaga nito ni kuya. Takutin ba naman si Tobby. Naiimagine ko tuloy ngayon ang mukha ni Toblerone este Tobby.. Para naman mawala na ang takot at kaba nya, nireplyan ko siya. After 2 minutes i received a call from him.
===========================
From the Author:
Oh ayan alam nyo na kung sinu yung savior ni Elly. hehe
Gusto ko pa sanang itodo yung story eh, kaso nakakatamad wala pang masyadong nagvovote. Kung sabagay bago palang naman tong story na toh. sana po irecomend nyo din toh sa iba pang kakilala nyo na mahilig din magbasa sa wattpad.
Yung mga gustong magpadedicate or magbigay saken ng names, para sa ibang darating na characters, pwede po... :)
Maraming salamat... :)
BINABASA MO ANG
Forever Devoted to You
TeenfikceKung minsan ang puso ay nakalaan lang para sa iisang tao... na kahit ibaling mo pa sa iba.. siya at siya pa din... Wala nang iba pa,.