Chapter 12

20 1 0
                                    

Chapter 12

-------

Di ko akalaing aabot pa sa chapter 12 tong story ko.haha anyways, thank you kase may mga nagtyatyaga pa talagang magbasa nito kahit na ang tagal tagal kong mag update.haha sorry super busy lang talaga.. Dont worry may balak naman akong tapusin ang story na toh..

just stay with me guys..

thanks po..

-------

Mababaliw ako sa mga araw na nangyayare sa buhay ko. Nagcollege lang ako parang puro sakit ng ulo lang ang nararanasan ko... Si kuya ayaw pa din nyang sabihin kung sinu yung nagbigay ng brownies saken. Ayan may dala nanaman siya..

"oh bunso galing sa fans mo.." pangiti ngiti nanaman siya.

"whatever kuya.." inirapan ko lang siya..

"You can't resist it sis..haha".. unti unti pa nyang binubuksan yung box.baliw talaga tong si kuya.

"Kuya pwede ba.. tantanan mo ako sa trip mo..!"

"hoy anu ba kayong dalawa.. kung tinutulungan nyo akong magluto ng panghapunan naten..Elly anak, hiwain mo muna tong mga pang gisa ko." agad naman akong sumunod sa inuutos ni mama.

"Lerry, anu tatayo ka lang ba jan at pagdidiskitahan yang brownies na yan?hala magsalang ka ng sinaing." binelatan ko si kuya.. sa likod ni mama kame ay pasimpleng nag aasarang dalwa na with actions lang walang salita pero nagkakaintindihan kame.

"Nga pala, Tumawag ang daddy nyo kanina hinahanap kayo.. sabi ko nasa school pa kayo at baka kung anung oras ng makauwi." napatigil naman kami ni kuya sa pag aasaran..

"Bakit? anu naman po ang kelangan nya?" sabi lang ni kuya..

"Magpapadala daw siya ng pang tuition nyo this sem.. pandagdag daw.."

"Hindi ko kelangan nyan.. kaya ko naman tustusan pa yung pag aaral ko.. kay Elly nalang. Mas kelangan ni bunso yan." iba talaga pag si kuya na ang nagseryoso.. talagang dalang dala ka sa emosyon.. parang yung bigat ng loob nya mararamdaman mo. I can't blame him... may kasalanan din naman si papa. Miski naman ako may tampo kay papa pero mas malala si kuya..Siguro ganun talaga pag panganay ka.

Hanga nga ako kay kuya talagang gumagawa siya ng paraan wag lang umasa sa tulong ni papa. Biruin mo yun, malapit na siyang grumaduate tapos  siya mismo ang nagpapaaral sa sarili nya. Minsan nga di na yan humihingi ng baon kay mama eh. Scholar siya ng school namin dahil nga isa siya sa magagaling na basketball player, pa allowance pa siya.

Gusto ko nga siyang gayahin kaso di naman ako magaling sa sports..hehe wala akong hilig eh... ang hilig ko lang ay magbasa ng wattpad.haha anu daw? Scholar din naman ako nung highschool ako. Kaso nung college di na ako nag apply for scholarship tutal nagpapadala naman si papa.

Ilang beses na ding nagbirthday si kuya at kapag tatagpuin o dadalawin siya ni papa its either hindi siya sisipot sa place o hindi siya magpapakita kapag dumadalaw si papa.

Kapag may regalo na ipinadala sakanya di nya tinatanggap.. pero yung brownies na galing sa kaibigan nya tinatanggap nya..kunsabagay di naman para sakanya yun..haha teka bat nga pala nabalik sa brownies ang usapan?! nga pala di ko pa kilala kung sinu yun..! pambihira talaga tong si kuya.ok change topic nalang...

Sa totoo lang di ko din maintindihan kung matutuwa ba ako o hindi sa set up ng pamilya namen.. hiwalay nga sila papa at mama pero parang in good terms naman silang dalawa kasi may communication pa din sila ... bakit hindi nalang sila magbalikan diba?? basta ang gulo.. parang ginagawa lang nila kumplikado ang lahat.

Forever Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon