Chapter 6
Nung araw na umalis si Mike, aaminin ko, nalungkot nanaman ako.. Nawalan ako ng kaibigan na palaging nakikinig sa mga kwento ko. yung palaging nagpapagaan ng loob ko.. yung kapag tutulo na ang mga luha ko, andyan siya para punasan ang mga luha ko. Ganunpaman, iniisip ko nalang ang mga pinangako nya saken. Kase alam ko tutupad siya sa pangako nyang babalik siya. At siya ang magiging bestfriend ko forever.
Nagdaan ang ilang araw madalas akong magpractise ng swimming para tuparin ang pangako sakanya sa pagbalik nya, marunong na akong lumangoy. kasama ko palagi sa pag eensayo ang remembrance nya saken na seahorse.. sissy ang ipinangalan ko sakanya.
Matatapos na ang summer ng biglang may bumisita sa resort nina lola.. dali dali akong bumaba dahil baka bumisita si Mike.
"Nasaan na ang anak ko?" narinig ko nalang habang dahan dahan akong sumisilip sa pinto. hindi ako pwedeng magkamali, boses ni mama yun..
"Hindi nyo pwedeng ipagkaet saken ang anak ko, kahit pa magkademandahan tayo, ako parin ang mananalo! ilabas nyo si Elly!.. Elly, anak,nasan ka? andito na si mama..." sigaw ni mama dahil ayaw talaga siyang papasukin ni lola sa gate..
"Wala dito ang anak mo!nasa States na siya kasama ni Arnulfo!" pagsisinungaling ni lola.
nang marinig ko yun dali dali ako lumabas at nagsisigaw..
"Mama, nandito po ako...". sigaw ko para marinig nya ako..maya maya nakita ko din si kuya na dali daling itinulak ang gate para makapasok sila..
"El...!".. sabi ni kuya, sabay yakap saken.. miski ang mga gwardya ay walang nagawa kay kuya.
Nakipagtitigan ng masama si mama kay lola.. "Wala pala ang anak ko ha? alam nyo bang pwede ko kayong kasuhan ng kidnaping sa ginawa nyo?! halos dalwang buwan ako mabaliw sa kakahanap sa anak ko! Napakasama nyo!"
Napayuko lang si lola at kasabay nun ang pagtulo ng mga luha nya.. "Ginawa ko lang yun para maranasan mo kung anung pakiramdam ng mawalan ng anak!"
"Hmmft! mawalan ng anak??! bakit? tuluyan nabang naglaho ang anak nyong si Raymond?! pinagkait ko ba siya sa inyo?! kayo lang ang nagmatigas sa amin. Dahil sa ginawa nyo, tuluyan na akong nawalan ng galang sa inyo. Ipagpaumanhin nyo po, pero hindi nyo na pwede pang lapitan ang mga anak ko!"..
Agad akong lumapit kay mama at niyakap nya ako ng mahigpit . Nagsalita ulit si lola.
"Jennifer, Im so sorry.. pero.." sabi ni lola..
"Pero anu? hindi nyo parin ako matatanggap bilang asawa ng anak nyo? wala na kayong dapat pang ikabahala pa, dahil naghiwalay na kame ni Raymond. Tagumpay ang ginawa nyong paninira sa pamilya ko. Hindi bale, lahat ng ginawa nyo samen ay may masamang balik sa inyo. " tinulungan ako nila mama at kuya na ayusin ang mga gamit ko at tuluyan na kameng umalis sa bahay nina lola...
Nung nasa loob na kame ng sasakyan, niyakap ko ng husto si mama. Hindi na kinaya ni mama ang sobrang bigat na dinadala nya. Kaya doon ay humagulgol na lamang siya.
"Manong, tara na po, umalis na po tayo dito." sabi ng aking ina sa driver namen. Masakit din para saken ang mga nangyare lalu na ng malaman kong hiwalay na pala sila ni papa..
Gusto ko sanang magtanong,pero alam kong hindi muna dapat ako sumabay sa problema nila. Hihintayin ko nalang ang paliwanag ni mama.. Nanatili akong tahimik ng araw na yun..
Nagising nalang ako na basang basa ang mga mata at pisngi ko...
Masasaya at malulungkot na pangyayari ang napanaginipan ko...
"Anung oras na ba??" tinignan ko ang orasan ko.. alas 5 palang pala ng madaling araw...
Bumangon ako at muling naisip ang napanaginipan ko "Sariwa parin hanggang ngayon. Akala ko makakalimutan ko na lahat sa paglipas ng panahon.."
BINABASA MO ANG
Forever Devoted to You
Dla nastolatkówKung minsan ang puso ay nakalaan lang para sa iisang tao... na kahit ibaling mo pa sa iba.. siya at siya pa din... Wala nang iba pa,.