10:00 amDahil tapos na akong magbihis at mag-ayos ng gamit, isinuot ko na rin yung blue headphones.
Paglabas ko ng banyo nakita ko si Angelica na naka, pink? So ang kulaya ng uniform nila ay base sa kulay ng mata at buhok nila?
Nakangiti siyang salubungin ako at hinatak na ako palabas.
"Kailangan mo ba talaga akong hatakin?"
Tanong ko dahil hindi ako sanay na halos gawin na akong aso kahahatak.
"Hehehe. Hindi naman. Nae-excite lang naman ako eh. Tsaka, training yung una nating subject." Paalala niya...Oo nga pala.
Haay, pano na yun? Wala pa kong magic?
"Pano yun Angelica? Wala pa kong magic."
"Makikita mo rin. O siya tawag ka nga pala ni headmistress Claire. Mauna na ko ha?" Pagpapaalam niya. Tumango na lang ako bilang tugon.
I went straight to the office to see the headmistress.
*knocks*
"Come in!"
"Uhm. Pinapatawag niyo daw po ako?"
Tanong ko. Ngumiti siya.
"Ah oo. Kasi diba sabi ko simula na rin ng training mo? Physical trainings muna. Pero may ipapakilala muna ako sayo..." sabi niya sabay papasok sa mga tao sa labas.
Humarap ako sa likod ko para tingnan sila. Wait, duling na ba ko?
Bakit tatlong magkakapareho ang nakikita ko?
"Amerie. Meet Arson, Aris, and Adri!" So tatlo talaga sila? Pero bakit parang magkakamukha sila?
"Ah ma'am. Triplets po ba sila?" Tanong ko.
"Ah oo, Amerie." Nakangiting sagot niya.
Napakunot sila ng noo ng makita ako. Bakit? May problema ba?
"Ah, Amerie. Pwede bang lumabas ka muna ng sandali. Kakausapin ko lang sila."
Arson's POV
Npakunot noo kaming tatlo nang makita namin ang ite-train namin.
Para siyang si...
Lil Sis.
Oo may kapatid kami. Pero dahil sa isang accident, nawala na lang siyang bigla.
"Uhm, Amerie. Pwedeng lumabas ka muna sandali?" Tanong ni Headmistress Claire.
Siya nga.
Si Amerie Collins, our long lost sister.
"Maupo muna kayo rito." Seryosong sabi ni Headmistress.
"Aunt, s-siya ba talaga si, A-Amerie?" Naguguluhang tanong ni Aris.
Siya kasi sa lahat ang pinaka close sa kanya.
"*sigh* Yes she is." Napangiti kaming tatlo sa narinig namin.
Finally, she's back.
******
BINABASA MO ANG
Vialine Academy
FantasySa isang iglap, at titig sa aking mga mata, napunta akong muli sa lugar na aking pinanggalingan. At sa lugar kung saan, natagpuan ko ang aking mahal, ang nag-iisa para sa'kin. Pero bukod pa roon, doon ko rin natagpuan ang sarili ko.