So, andaming nangyari. An unfulfilled promise is still unfulfilled. In short, walang nangyari. And then nag-aalangan akong mag-edit. Kasi baka kapag binago ko, maybe you would like the old one better.
See, I wrote this story when I was like, 9 or 10 years old, and now I'm 13. Medyo nac-cringe ako dito. Pero kahit na matagal na panahon ang lumpias bago niyo nakilala 'to, hindi ko siya d-in-elete dahil matagal kong pinag-isipan 'to.
Sabi nga ng isang paborito kong author, "masterpieces take time," and I believe in that.
The latest stories on my new account, those that I have been publishing and then unpublishing, all of those didn't stick to my mind as this book did.
'Yun siguro ang naging kulang ko sa mga 'yon. Time. Great ideas come to my mind, but then, may kulang. Hindi pa niya time. Kahit pa mapuno ang drafts ko, kung hindi siya maganda, kahit nai-publish ko na siya, I would unpublish.
Hindi katulad nito, tumagal. Pinag-effortan. Minahal ko 'to ng sobra. I enjoyed writing this.
There was a time that the appreciation I gave to this book died down, pero nang nabalitaan kong maramu nang nakakbasa, I was thrilled. Amazed, even.
Hindi ko akalain na sa panahong iyon, nang ganoong edad ako, nagawa kong makaengganyo ng mga mambabasang tulad niyo. And I truly appreciate that.
So thank you, kahit na hindi ko natupad ang pangako kong gagawa ako ng second book para dito. Kahit na matagal ako mag-update noon. Kahit na hindi gaano kaganda ang pagsusulat ko sa librong 'to.
And no, I'm not sorry. I have no regrets. You have all read this, you have supported me, and I love that. Kahit siguro hindi ito umabot ng ganito kadaming reads, hindi ko 'to buburahin.
So, to my 9-year old self, thank you for writing this. And to myself, right now, thank you for looking back to this account every now and then.
(SHH! 'Wag kayong maingay! Nagugulat pa kasi ako kapag napupuno ang notifications ko.)
Still flattered and thankful,
Daphne
BINABASA MO ANG
Vialine Academy
FantasySa isang iglap, at titig sa aking mga mata, napunta akong muli sa lugar na aking pinanggalingan. At sa lugar kung saan, natagpuan ko ang aking mahal, ang nag-iisa para sa'kin. Pero bukod pa roon, doon ko rin natagpuan ang sarili ko.