Prologue: A Whole New World

14.9K 285 11
                                    


5:30 am

"Wake up Amerie."

Bigla akong nagising ng marinig ang mahinhing boses ng aking pinsan na si Ate Sharlene. Simula bata pa ako, siya na ang nagpalaki sakin. Siya na ang nagsilbing magulang ko sa ilang taong nabuhay ako sa mundong ito.

Ang sabi niya namatay daw ang mga magulang ko sa isang aksidente. Pero alam kong hindi iyon ang totoo. I knew she was using excuses as a reason for me not to go find them.

But I never hated her for that.

I'm Amerie Collins. I have light blue eyes but I don't bother hiding them. It looks cute actually! People look at me but smile after. Hindi nila ako tinatawanan o ikinakahiya.

Minsan napapaisip ako. Hindi ba nila napapansin? I mean, hindi normal na ganito ang hitsura ko.

I have lived in a village my whole life. Dito na ako lumaki at nasanay na mamuhay.

Oo, dito ako lumaki, pero alam kong that's not the whole truth. I have weird blue eyes but others don't. I even have weird blue highlights at the ends of my hair!

Hindi ko alam pero ang mga bagay na ito tungkol sa akin ay hindi ko ikinakahiya. Hindi naman dapat, diba?

Yes, I have long, wavy hair, with side bangs, and a touch of blue, but I consider myself lucky for having these. Bihira ang mga taong may ganitong mga katangian. I guess it just means that I'm special in a weird way.

Nag-aaral lang ako sa isang normal na paaralan. Pero kahit doon ay hindi ko maramdaman na mag-isa lang ako.

They love me for who I am.

I'm only 15 years old. Pero feeling ko bata pa ako. Araw-araw, inaalagaan ako ni Ate Sharlene, minsan nga naglalaro pa kami ng bubbles. Childish? Hindi, nakasanayan ko lang.

Pero pagdating sa bubbles, ewan ko ba! Para kasing may something sa mga 'to.

Dahil Lunes at may pasok, sasamahan ako ni Ate Sharlene sa school na pinapasukan ko. Habang naglalakad kami papunta roon, excited akong napatalon-talon. Napagsabihan pa ako dahil dito. I really can't contain my happiness!

Pagpasok ko sa school, halos lahat ay bumati sakin ng "good morning" at "magandang umaga".

Simple ko na lamang na ibinabalik ang mga bati nila sakin.

Pagpasok ko ng classroom, dating gawi.

"May absent ba ngayon?" Lagi kong tanong sa kanila pagdating ko. Ako kasi ang class president. Kaya syempre, kailangan kong maging responsable sa mga gawaing nakaatas sakin.

Pinuntahan naman ako ng secretary namin. "Ah wala naman Amerie. Mukhang maganda gising mo ngayon ah!" Masaya niyang bati sa akin.

Ang saya dito sa village namin. Laging masaya at tahimik. At mababait pa ang mga tao.

"Oo nga eh. Asan nga pala si Kyle?" Si Kyle 'yung Vice President naming makulit. Ewan ko ba do'n! Kung hindi nangungulit, palagi namang nagpapa-cute!

"Ah, siya ba? Pinapunta siya ni ma'am dun sa Principal's Office, mukhang may nagawa atang kalokohan yan." Alalang tanong niya.

"Gano'n ba? Puntahan ko lang sandali. May kailangan lang kasi akong itanong. Pakisabi na lang ka ma'am, ha?"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagmamadali akong dumeretso sa Principal's Office. Nang makarating ako sa harap ng pintuan, sandali muna akong kumatok.

"Pasok!" Sigaw ng principal. Agad ko namang binuksan ang pinto upang harapin sila.

"Ah ma'am----" Napatigil ako ng mapansin kong nakatingin sa akin si Kyle. No, scratch that, nakatitig siya sakin. Mariin ang pagtitig niya kaya medyo nailang ako.

"M-may problema po ba?" Nauutal kong tanong. Hindi ito sumagot pero sinenyasan akong maupo muna sa upan sa harapan ni Kyle. Nang gawin ko iyon ay tsaka lamang iniwas ni Kyle ang tingin niya sakin.

Humarap ako sa principal nang may ngiti. Kinakabahan ako. Kakaiba ang tingin nila sakin.

Maya-maya pa'y unti-unting dumilim ang paligid sa oras na dumapo ang paningin ko sa mga mata ng principal.

•••

Vialine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon