*kinabukasan*
Nagising ako ng walang tao. Hindi ko na lang pinansin yun. Pero dahil Sabado naman, dumeretcho na 'ko sa garden.
Ang tahimik kasi tsaka malamig rin ang simoy ng hangin. Alam kong birthday ko pero wala akong maramdamang special sa araw na 'to.
Naupo ako sa damuhan at tuluyan nang napahiga. Hindi ko na namalayang natulog na pala ako.
Ang sarap ng hangin. Tahimik. Walang abala. Kahit sandali man lang, naramdaman ko na, ang layo na ng narating ko, kung pwede lang sana, nandito si Ate Sharlene.
*sigh*
Napamulat ako ng makaramdaman ng mainit na hininga sa mukha ko.
Kuya Arson? Kuya Adri? Kuya Aris?
"Happy birthday." Tahinik na bati nila. Pa'no nila nalaman?
"May surprise kami sa'yo." Nakangiting sabi ni Kuya Adri.
Napatayo ako para tingnan kung ano yun pero pinigilan nila ako. Nakaramdam ako na may tao sa likod ko.
"Happy birthday bunso!"
Napaharap ako sa likod at napaluha. Si Ate Sharlene! Napayakap na lang ako sa kanya.
"I missed you! Pero pa'no ka nakapunta dito? Dumaan ka rin dun sa portal?" Naka-pout kong tanong. Natawa siya. What's funny?
"Hindi! Matagal na 'kong nag-aaral dito!" Napahawak siya ng bibig na parang may maling nasabi.
"Matagal na? How come po?" Inosente kong tanong. Joke!
"A-ah kasi---" napatigil siya nang takpan ni Kuya Arson ang bibig niya. Agad niya itong tinanggal at sinigawan si Kuya Arson.
"Ano ba, Arson?!" Galit na tanong niya.
"Kami na mag e-explain." Nakangiting sabi ni Kuya Arson.
"Explain what po?" Tanong ko.
"Mamaya na yun! Celebrate muna tayo!" Masayang sabi ni Ate Sharlene.
Tumayo kami at pumunta sa cafeteria. Actually bago kami makarating dun, tinakpan nila ang mata ko gamit ang isang handkerchief. Hindi naman sa nag-aassume ako, pero gasgas na 'tong plano nila.
Tinanggal na nila ang blindfold na nasa mata ko kaya nagulat ako nang makita ko na nasa dorm ako at wala sa cafeteria.
"Anong meron dito Ate?" Tanong ko.
"May ibibigay muna sa'yo si Ate okay?" Sabi niya. Ano kaya yun?
Nahlakad ako papunta sa higaan ko at naupo. Pumunta si Ate sa dresser ko? Anong meron dun?
May binuksan siyang drawer at may kinuhang isang libro? Pumunta siya dito sa pwesto ko at iniabot sakin.
"Eto, Amerie. Ang librong ito ang libro dati ng iyong...ina." ni mommy?
"Sabi mo, walang naiwan si mommy." Nagpout ako na para bang nagtatampo.
"Eto lang yung naiwan niya. May sinulat siya dito para sa'yo. Marami pa kaming dapat i-explain sa'yo mamaya." Seryosong sabi ni Ate.
Napatingin ako sa librong hawak ko ngayon. Isa itong puting libro na may halong kulay gold. Pero may lock rin. Pa'no ko naman bubuksan 'to?
"Ipatong mo ang daliri mo dun sa lock. Masesense niyan kung sino yung magbubukas."
Ginawa ko yung sinabi ni Ate. Itinapat ko yung kamay ko dun sa lock. Agad naman itong bumukas at...walang nakasulat?
"Hawakan mo yung papel." Teka. Nagbabasa ba ng isip si ate?
"Ate Sharlene, aminin mo nga po. Mind reader ka na ba?" Tanong ko...
"Hindi, halata lang sa mukha mo." Bakit sobrang seryoso niya?
Hinawakan ko yung papel at agad na lumitaw yung mga nakasulat dito.
Binasa ko ang mga nakasulat dito.
Amerie,
Kung mababasa mo man 'to, ang lahat ng nakasulat dito ay para sa kaligtasan mo. May mga spell dito para sa mga kailangan mo.
Wait, spells? Para sa kaligtasan ko?
Isinulat ko na rin lahat ang para sa'yo. Kapag nabasa mo na 'to, gusto kong malaman mong, mahal na mahal ka ni mommy. Kung sakaling may masamang mangyari, andyan ang daddy mo. Malalaman mo rin sa tamang oras kung sino at nasaan siya.
Buhay pa si...d-daddy? May tumulong luha mula sa mata ko at tumulo sa libro.
Wala man ako dyan sa tabi mo sa mga oras na 'to, gusto kong malaman mo na, ang mga kapatid mo ay nandyan para sa'yo. Itanong mo kay Kuya Adri mo ang lahat.
Ibigsabihin, alam na nila ang lahat?
Si Ate Sharlene mo, ang anak ni Queen Shara; Ang Headmistress. Ang Aunt mo. Claire ang nickname niya.
Si Headmistress? Queen Shara? Napapaluha na lang ako sa bawat linyang nababasa ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero may parte dito sa puso ko na isinisigaw: 'ang sakit'...
Ikaw, anak. Ang Prinsesa ng Soquoria. At ang lahat ng makikilala mo, ay ang mga, Royals.
Ikaw na ang bahala sa sarili mo, anak. Nagmamahal, Queen Amisha.
Tuluyan na akong napahagulgol ng maalala lahat.
Napaharap ako sa tatlo kong kapatid na nasa tabi ko ngayon, at ang pinsan ko. Bakit hindi nila sinabi ng mas maaga pa? Hinayaan nila akong magmukhang sira? Pero ano bang nangyari? Bakit nakalimutan ko ang lahat ng 'yun?
"Bakit ko nakalimutan lahat?" Tanong ko. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Adri, go." Utos ni Kuya Arson kay Kuya Adri.
*******
BINABASA MO ANG
Vialine Academy
FantasySa isang iglap, at titig sa aking mga mata, napunta akong muli sa lugar na aking pinanggalingan. At sa lugar kung saan, natagpuan ko ang aking mahal, ang nag-iisa para sa'kin. Pero bukod pa roon, doon ko rin natagpuan ang sarili ko.