Matagal na kinausap ni Headmistress Claire ang tatlong yun.
Actually ang pogi nilang lahat. May abs kaya yung mga yun? Ew!
Too much, Amerie!
Pero seryoso, nung makita ko sila biglang sumakit yun ulo ko pero nawala rin.
Ano kayang meron sa kanila?
Biglang tumunog yung tech-watch ko.
May message?
Amerie, pwede ka nang pumasok dito. - Headmistress Claire.
Agad akong pumasok sa office niya at napansin na nakangiti sa akin ang tatlo?
"Amerie, they are older than you okay? Treat them with respect. 21 years old sila. Ikaw ilang taon ka nga pala ulit?" Masayang tanong ni Headmistress Claire.
Nag-shrug naman yung tatlo nung nasabi yung age nila. Natawa na lang si Headmistress Claire.
"A-ah, 15 po. Ba't niyo po natanong?" Tanong ko.
"Tinatanong kasi nitong tatlong 'to. Para daw alam nila pa'no ka nila ihahandle. O siya sige, masimula na kayo." Masayang sabi niya.
Agad na tumayo yung tatlo at inakbayan ako. Narinig kong nag-chuckle si Headmistress Claire.
It's strange actually. I don't feel weird when they do that to me.
It's like...
Deja vu...
Paglabas namin nakatingin yung ibang estudyante samin. Ang colorful naman naming lahat! Samantalang etong mga katabi kong 'to kulay gray lang ang kulay.
Ang plain!
"Amerie, kamusta ka na dito?" Tanong ni Kuya Arson.
"Okay lang naman po Kuya Arson." Nakangiti kong sagot. Alam ko kung sino sila sa boses nila.
"Kuya Adri, maglagay kaya kayo ng palatandaan para sakin." Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanila.
Hindi ko kasi masabi kung sino si sino. Hindi ko ma-identify.
"Ganito na lang, Amerie. Kung sino yung pinaka pogi ako yun. Kapag pangalwa, si Kuya Arson mo yun. Kapag naman panget to the max, si Kuya Adri mo yun! Okay?" Mapanlokong sabi ni Kuya Aris.
Binatukan nila Kuya Arson at Kuya Adri si Kuya Aris.
"Ba't ba kayo namamatok?!" Inis na tanong ni Kuya Aris.
"Hihihi." I chuckled.
"Ang cute mo pa rin." Bulong ni Kuya Arson.
Wait. Ano? CUTE DAW?
"Ano po'ng cute?" Tanong ko. Sabay tingala sa kanila.
"A-ah! Wala yun Amerie! Sabi ko ang cute ko! Hahaha!" Huh? Ang weird naman nila!
"Okay." Sagot ko tapos tsaka ko lang napansin na nasa tapat na kami ng training room.
Tig-isa kaming lahat ng training room. Di bale na lang kung may trainor ka pa.
"Simula na tayo?" Sabay-sabay nilang tanong. Tumango na lang ako.
---------
Day 1 of Training
Nagsimula kami sa physical defenses. Which is Kuya Arson's part.
"Aww!" Napasigaw ako sa sakit ng atake ni Kuya Arson sa braso sakin.
"Okay ka lang?" Kalmado niyang tanong.
Okay?! Sa sakit nun??
"Okay lang po a--...Aww!" Nagulat ako ng sinipa na naman ako ni Kuya Arson.
"Kailangan mong maging mabilis. Kasi kapag hindi, mauunahan ka na." Ang seryoso niya masyado.
Nakakatakot siya minsan ah!
"Okay po." Kaya sa pagkakataong yun nagkaroon na ako ng chance para mailagan yun susunod niyang atake sa bandang gilid ng braso ko.
"Good. Kapag napansin mo nang aatake siya, unahan mo na." Inatake niya ulit ako sa bandang paa pero nag-cartwheel ako.
Yeah, I tried gymnastics before.
"Better. Now, kapag hindi mo napansin na aatake siya, siguraduhin mong handa ka." Sa oras na yun hindi ko napansin yung atake niya pero naiwasan ko 'yon.
Nagpahinga muna kami ng sandali then nagsimula na uli kaming magtraining ng mga techniques.
Nakailang fail na ako pero hindi ako susuko. Kung sakaling makakabalik pa ako sa buhay kasama ang pinsan ko, gagawin ko lahat para makaabot.
"Aww!"
"Aray!"
Nakakailang atake na si Kuya Arson sakin na hindi ko mailagan. Marami na akong pasa sa braso at sa binti.
Napansin ata yun ni Kuya Arson at natigilan siya. Nang bigla na lang may lumabas sa utak ko.
"Aaw!" Daing ko dahil nadapa ako.
Buti na lang nakita ako ni Kuya Arson at binuhat ako sa likod.
Yey! Piggy-back ride!
"Wag kang malikot! Sige ka ilalaglag kita dito!" Angal ni Kuya.
"No!" Sabi ko.
Ang saya naman!
Biglang sumakit yung dibdib at ulo ko. Hindi ko alam bakit pero nakakaramdam ako ng pakiramdam na gusto kong umiyak.
Napaluhod na lang ako sa sakit at napaiyak.
What's wrong with me?
"Amerie!"
----------
Nagising ako sa...
Dorm?
Pero diba nasa training room pa ako?
Nakita ko yung tatlo dun sa sofa, tulog?
Agad akong tumayo dahil nakakahiya!
Ginising ko sila para tanungin kung anong nangyari.
"Kuya Arson/ Adri/ Aris?" Pagtawag ko sa kanila.
Agad silang bumangon at nagulat na makita akong gising at nasa harap nilang tatlo. Ano ba talagang nangyari?
"Bakit, Amerie?"
"Anong nangyari? Ba't tayo nandito? Pati kayo?" Sabi ko sabay turo sa kanila.
"You really don't remember?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Adri.
Umiling na lang ako bilang sagot sa kanila.
The only thing I remember is that weird images that looks like they're my...
Brothers...
******
BINABASA MO ANG
Vialine Academy
FantasySa isang iglap, at titig sa aking mga mata, napunta akong muli sa lugar na aking pinanggalingan. At sa lugar kung saan, natagpuan ko ang aking mahal, ang nag-iisa para sa'kin. Pero bukod pa roon, doon ko rin natagpuan ang sarili ko.