Chapter 3. Back to school, fourth time.

51 6 4
                                    

As expected, ganoon pa rin talaga ang mga classmates ko. Sa ugali, I mean.  Nagpabango na si Kent John at nabawasan ang pimples sa mukha niya.  Nagpakulay ng buhok ang kambal: brunette si Yra (shortcut for Yranelle) at violet kay Yza (shortcut for Ysabette). Humaba ang buhok ni Rosemarie. May boyfriend na si Cylla, kakabreak lang naman nina Clarrisse at Ken. Gwapo pa rin sina Edward at Scel, magta-taekwondo pa rin naman daw si Lord. Pandak pa rin sina Marisol at tumaas to the seventh power si Christian, Brian, Cylla at Andria.

Hindi naman big deal ang pagtaas ng naunang tatlo kasi natural naman na mataas sina Christian at Andria at lalaki si Brian pero ang pagtaas ni Andria? Gosh, no way! Pareho lang kami ng height noon, tapos ngayon? Hanggang tenga na lang ako ni Andria!

 

“HAHAHA! Abigail, kamusta height mo? Hahahaha!” Grabe ang tawa ni Cylla.

Matangkad si Cylla, siya rin ang una kong naging kaibigan since Grade 7. Masaya siyang kasama, minsan nga namamasyal ako kasama siya sa public plaza at hindi tumitigil sa pagiging curious at pagtawa. Ang problema nga lang, siya ‘yung tipong parang natatamad mag-aral. Palagi siyang absent, mga twice a week, pero 100% ang attendance sa lahat ng kalokohan, celebrations at parties. Hindi siya ideal for a groupmate pagdating sa projects kasi mas busy siya sa lovelife niya, na wala namang ibang nangyayari kundi “nag-confess ako kagabi kay crush.” Kawawa nga eh.

 

“Aba, aba, aba. Porke ba mas mataas ka kaysa sa ‘kin lalaitin mo na ang height ko? At least, hindi ako ang pinakapandak dito noh,” kontra ko sa kanya na tinutukoy si Dorlynne.

Hoy, hoy, hoy,” sabat ni Dorlynne na naniningkit ang mga mata at  dinuro ako. “Height mo rito ang pinag-uusapan, k? Ang point dito, mas mataas na sa ‘yo si Andria, gets? Tingnan mo nga! Hahahaha! Hanggang tenga na lang siya ni Andria. Nakakahiya!” She spat it on my face.

Normally, ganyan si Dorlynne. Buti nga hindi siya masyadong nagbago ngayon. Hindi nga siya kataasan pero mataas naman ang pangarap, wala nga lang bilib sa sarili. Gusto niya ganito, pero umaayaw na agad kasi hindi niya raw kaya kahit hindi pa niya nasusubukan. Masaya naman siyang kasama, hindi kasi siya nawawalan ng mga trip na nakakatawa. Ang problema nga lang, masyado siyang perfectionist. Lahat ng flaws ng isang tao ay alam niya, kabaliktaran ni Kryzell. Parati niyang gustong magbago ang isang tao na sana maging ganito siya, ganyan—kahit alam niyang walang perpektong tao.

“Hoy, grabe ka! Eh, ganito lang kinaya ng height ko eh. Mabuti nga’t nataasan ko pa ang ate ko eh. Bwahaha! Kilala niyo, si Ate Arienne. Hanggang tenga ko rin ‘yun.”

Yeah, oo,” sagot ni Cylla. “Pero who cares about your sister’s height? She’s still awesome! Joke. Who cares about your sister’s height here? Bakit, pareho kayo ng standards pagdating sa height? Hahaha. No one could change the fact na mas mataas na si Andria sa ‘yo ngayon, Abigail.”

I glared at Andria. “Why the sudden increase in height, Andria?”

Ngumisi siya. “Why no increase in height, Abigail?”

Nasabi ko na nga, pareho naman kaming 5’2” last time, bago magbakasyon. Big deal ang height sa ‘min eh. Believe it or not, may sukatan kami ng height bago magbakasyon. Every year ‘yan.

I Hate You, Please Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon