“Nakabihis ka yata, Ate. Saan ka pupunta?” natanong ko kay Ate paggising ko.
Naka-blue oversized T-shirt siya na may printang Keep Calm And Love Blue, nakatupi ang sleeve nang dalawang beses at naka-tuck in sa jeans niya at ang blue multi-way accessory niya na nagsisilbing sinturon ngayon.
Naghahanap si Ate ng sandals nang magising ako.
First weekend ng school year at may pupuntahan agad siya. Hindi naman ako nabigla kasi palagi naman talaga siyang umaalis pero...first weekend?
Pansin na pansin kagabi sa hapag-kainan ang bukol ko sa noo. Ugh. Hindi ako tinantanan ni Adrian at Angel sa pagtawa, panay naman ang pagtingin ko sa kanila nang masama sa ilang pagkakataon habang kinukuwento ko kay Papa.
Napansin din ni Papa ang mga gasgas ko sa kamay. Hindi rin nakatakas ang gasgas ko sa mga tuhod kasi nasabi ko rin naman kay Papa.
Iniwan ko naman ang slut part, hindi dahil sa ayaw kong malaman niya kundi dahil sa papatayin ako ni Papa sa iritasyon dahil hindi niya alam ang ibig sabihin ng slut, at tatanungin niya ako paulit-ulit unendingly kung bakit nila ako tinawag na gan’un kaysa magalit. Trust me.
“Some birthday party,” sagot ni Ate at sinuot sa paa niya ang blue rin na doll shoes.
Umupo ako sa edge ng kama ko.
“What’s up with the blue theme ng outfit mo ngayon?”
“Well, birthday ni Chiena noong Wednesday,” sabi niya at humarap naman ngayon sa salamin at nagsuklay. “Kahit na last five years, hindi siya nakipag-birthday sa amin kasi parating nalagpasan bago mag-opening of classes, nag-decide kaming lahat na i-celebrate lahat ng birthdays lalo na’t graduating na kami. At blue ang favorite naming dalawa ni Chiena kaya, tada.”
Blue rin ang pang-ipit na ginamit niya para i-ponytail ang buhok niya.
“Kung sasama ba ako, makikita ko rin ulit ba si Justin?” nagkakalkulang tanong ko.
Gustuhin ko mang sumama kay Ate, ayaw ko namang makita ulit si Justin. Ang nakakamuhing mukha ni Justin.
Baka masapak ko ang mukha niya magkita lang ulit kami.
Hindi ako sinagot ni Ate pero nag-dial siya sa cellphone niya at nilagay agad sa tenga niya.
“Cookie? ... Sasama ba—? Oh. Hindi raw... Okay. Ah sige. Bye.”
“Cookie?” nalilitong tanong ko naman ngayon.
“Callsign namin ni Coo—Jessa. Nakakalimutan talaga kasi namin ang callsign namin especially kapag first week of classes,” sagot niya at nilagay ulit sa tenga niya ang cellphone niya.
Huh? Ano raw? Callsign na nakakalimutan. Huh.
“Pau? ... Talaga? ... Okay. Sige, sige... I will. See you.” Kinuha na niya ang phone sa tenga niya at hinarap ako.
“Hindi sasama si Justin, si Icy oo. Punta ka raw sabi ni Icy kasi wala siyang kasama.”
Tumingin siya sa relo niya. “Eight minutes para maghanda.”
“What?”
“Go and take an eight!” she hissed.
“Anong oras na ba?”
BINABASA MO ANG
I Hate You, Please Love Me
أدب المراهقينI have a crush. I like someone. I find my best friend cute. I have a mortal enemy. The thing is, I don't know who it is that I like between the two of them.