Chapter 5. I predicted a catastrophe.

57 5 0
                                    

“Bye, Abby,” paalam na sa ‘kin ni Andria.

“Bye, Abigail!” Nakangisi sa ‘kin si Cylla. Nag-wink siya sa ‘kin kaya nginitian ko siya.

“Bye,” ganti ko sa kanila.

Nabangga ko si Justin nang palabas na ako ng classroom.

“Ano ba!” galit na sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Dumiretso lang siya sa upuan niya.

DUMBFOUNDED uli ako. Anong nangyayari sa kanya?

“P-papunta na ako kay Ate Arienne. Sabay tayo?” offer ko sa kanya nang mga isang metro pa lang ang layo niya.

Huh? Kailan pa ako nag-offer na magpasama? Kay Justin, I mean?

Nilingon niya ako.

Hay salamat. Hindi siya nagsalita kahit minsan sa akin ngayon eh. Naweweirdohan na ako.

“Hindi,” maikling sagot niya at humakbang paalis ulit.

Akma na sanang magsasalita ulit ako at tatanungin siya kung ano ba ang problema niya, kung bakit hindi niya ako kinikibo pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

So what kung hindi niya ako inaasar? Dapat nga magpakasaya ako, ‘di ba? Hay naku. Mas weird ‘ata ako kaysa kay Justin ngayon eh. Sige na nga lang, bibili na lang ako mamaya ng polvoron at mag-enjoy.

Bumuntung-hininga ako at naglakad sa crowded na na corridor.

--

Thump.

May bumangga na naman sa ‘king babae. Hindi man lang nagsorry.

Thump.

Ayan na naman. Lalaki na naman ngayon. Hindi na ako mabibigla kapag bakla na ang susunod.

Thump.

Ayun. Bakla nga. Tomboy na lang kulang.

Thump.

Babae ngayon, hindi tomboy.

Nahulog ang mga portfolio na pinapadala sa ‘kin sa Teacher’s Room ng high school freshmen kaya nag-crouch ako para kunin ang mga ‘yun. Akala ko tutulungan ako ng babae kasi medyo bumaba siya pero hindi, naglakad siya ulit nang hindi man lang nagsosorry.

I glared at her sa malayo at nang mag-resume na ang world, binalewala nalang siya.

Hinatid ko ang mga portfolio sa Teachers’ Room. Walang tao kaya dumiretso na lang ako.

Paglabas ko, ang awkward. Pakiramdam ko, may nakatingin sa ‘kin. Mula sa likod.

Lumingon ako. Nakatingin nga ang ilang estudyante sa ‘kin.

Nagtaka ako, na feeling awkward din kaya binalewala ko na lang at naglakad pero awkward pa rin eh. Nakatutuok sa ‘kin ang mga mata nila, sa likod ko.

Malayo-layo pa ang building nina Ate kaya binilisan ko. Hindi ko kaya ang publicity na ganito. Ano kaya iniisip nila sa ‘kin?

I Hate You, Please Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon