“ANONG—?!” gulat na sambit ni Justin nang makita ang listahan ng babayaran dahil sa mga nagawang violations. Nagdabog siya papunta sa’kin. Nagkunwari akong nagsusulat. “Hoy, gagambang malaki ang tiyan!” Hinampas niya sa harap ko ang listahan. Nagkunwari akong naiinip kasi inistorbo ang pagsusulat at binitawan ang ballpen ko. Pagkatingala ko sa kanya, nagbabaga ang kanyang mga mata. Duh. Pinaapoy ko naman yung akin. “Wag kang ganyan kasi alam kong kunwari ka lang na nagsusulat!” He snorted. “Ang sama mong actress. Nagsusulat ka sa plastic envelope?”
“Ano na naman ba ang drama mo, Gales?” mataray kong sabi.
“Actually, hindi ito drama kasi this is SUPPOSED to be a ROMANTIC COMEDY pero kung umakto ka ay para kang IMPAKTA sa isang pantaserye!” sabi niya.
“Ow. Em. Gee. NAG-EEXPECT KA BA NG ROMANTICISM DITO???” galit na sigaw ko at tumayo... bakit ba ako tumayo?
Nose to nose na kami ni Justin. Umisod siya nang kaunti.
“Ang baho ng hininga mo. Yikes,” sabi pa niya habang nagwewave na parang nagtataboy ng langaw pero umayos din naman agad. Nose to nose na naman ulit kami na winish ko na sana mabaho nga talaga hininga ko.
O di kaya, Lord, pabanguhin mo na nga lang po.
Ginugulo ko isip ni Lord God eh. Tatahimik na nga lang.
Dub dub. Dub dub. Dub dub. Dub dub. Dub dub.
Kahit na ang talim-talim ng tinginan namin sa isa’t isa ay alam kong pareho kaming conscious sa sarili. Sa puso, particularly. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Iba talaga ito.
Dub dub. Dub dub. Dub dub. Dub dub. Dub dub.
Ugh. Ang OA lang talaga neto. Naka-nose to nose lang ang isang lalaki nag-overreact na agad? Hoy, Puso Ko ah. ‘Wag ka ngang mag-in-OA d’yan. Patayin kita eh. Ay hindi, joke lang. Just please, ‘wag kang ganyan. ‘Wag kang kumabog nang malakas kasi para lang ‘yan sa mga inlove, okay? HINDI AKO INLOVE. At lalong HINDI KAY JUSTIN. Okay? Gets mo ako, Puso Ko?
“HINDI.” Siya ang unang nagsalita. “Hindi ako nag-eexpect pero pwede ba,” tumaas na boses niya, “PAKI-EXPLAIN NGA NITO!” Winawagwag-wagwag niya ang hawak niyang listahan ng babayaran niya.
“Huwag ka ngang tanga. Kailangan ko pa ba talagang i-explain ‘yan?” sarkastikong sabi ko. “Malamang ‘yan ang listahan ng babayaran mo dahil sa mga nalabag mong rules kapag may seatwork tayo.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Beast, ‘wag mo akong ihalintulad sa ‘yo sa katangahan kasi kung tanga ako, mas tanga ka. Hullooooo! Kung may common sense ka lang at hindi ka MAS tanga kaysa sa ‘kin, sana alam mo na alam ko na kung ano ito at alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.”
“Ano ba?”
“Kita mo na? Tanga ka nga. Straight to the point: BAKIT ANG LAKI-LAKI NG BABAYARIN KO???”
BINABASA MO ANG
I Hate You, Please Love Me
Novela JuvenilI have a crush. I like someone. I find my best friend cute. I have a mortal enemy. The thing is, I don't know who it is that I like between the two of them.