I HATE YOU, PLEASE LOVE ME. (BOOK 1)
WRITTEN BY: AnnTherese
(Written in Tagalog)
-
-
==============================================
Uh... ahem, ahem. Hello.
Paano ko ba sisimulan ang kwento ko?
Ever since tumapak ako sa Roselle Jade Penaso Cervantes International School, tumuntong ng high school, nagkaroon ng bagong classmates, nagkaroon ng class schedule, nagkaroon na rin ako ng daily routine na hindi ko maitulog hangga’t hindi ko nagagawa. It seems like it has neither a beginning, and as much as it does not have a beginning, nor does it have an end.
Pero parang nasabi ko na rin yata eh. “Ever since tumapak ako sa Roselle Jade Penaso Cervantes International School.”
So, siguro, ikukuwento ko muna ang first day of my crazy high school life. By crazy, I mean, messed-up.
--
“Hoy, Abigail!” Ate Arienne banged on the bathroom door. “Male-late na tayo, ano ba! Bilisan mo!” Nagsalubong ang mga kilay ko, siguradong mas naging kontrabida ang epekto n’un.
“Kasalanan mo ‘yan! Hindi ka gumising nang maaga!” sumbat ko.
Ganyan naman talaga si Ate. Kahit nga responsable siya sa halos lahat ng bagay sa eskwela at sa bahay at obligadong gumising at pumunta sa mga “appointments” niya nang maaga, no matter how hard she tries, palagi siyang late. Aagahan niya lang ang gising n’yan kung gustong-gusto niya talaga ang extra-curricular activity na pupuntahan niya. At kung paborito niya ang teacher at ayaw niya itong ma-disappoint.
Lumabas na ako at nagkatinginan kaming dalawa nang masama.
Kung siya hindi magawang gumising nang maaga, ako naman ang parang ang bigat-bigat ng katawan o parang bato na halos hindi makagalaw kaya ang bagal-bagal. And I quote Ate, “Mas mabagal pa sa pagong.” Kaya nga kami ang pinaka-imperfect na tambalan niyan eh. Pero we get along with some things naman. Like pareho naming crush si Logan Lerman. Pero hindi ko inaagaw sa kanya. Nakikishare lang naman ako ng fandom.
Pagkatapos kong magbihis, pumasok na siya na nakatuwalya at pinaalis ako na parang aso. Alam niyo na, “Shoo, shoo!”
Kita niyo na? Ang bilis niya talagang gumalaw, hindi lang siya early bird. Mahilig kasi ‘yang magbasa hanggang hatinggabi ng novels na hindi niya naman talaga binibili. Naghahanap siya ng PDF copy ng novel at ipapasa sa laptop niya. Minsan lang siya bumibili. Minsan, ang last book ng series na binabasa niya.
Hindi na ako nakapagpili ng high school ko. Hinatak na lang ako ni Ate isang Sabado papuntang eskwelahan niya at pinakuha ng entrance exam. Sabi niya, ayusin ko raw kasi kailangan ‘yun para makakuha ng scholarship, tulad niya na scholar din ng eskwelahan, at kahit may interview pa.
Two weeks later, umuwi siyang lumulundag-lundag na kailangan ko pa siyang sampalin bago niya sabihing kailangan kong maghanda kasi may interview daw ako Sabado that same week. One step to getting my scholarship daw. Pinahiram niya ako ng isa sa mga casual dresses niya n’ung interview. Napaka-formal nga n’ung interview, hindi ko nga alam kung bakit ako naging isa sa limang scholars eh.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Please Love Me
Fiksi RemajaI have a crush. I like someone. I find my best friend cute. I have a mortal enemy. The thing is, I don't know who it is that I like between the two of them.