Chapter 4. Someone's hyperventilating.

36 4 0
                                    

Three days pa pagkatapos ng Lunes, nagtatadyakan pa rin kami ni Justin. Noong Martes, siya nauna ako rin talo. Inunahan ko naman noong Miyerkules, natalo pa rin ako. Inunahan ko na naman ulit noong Huwebes, natalo rin siya. Usually, ang natatalo ay ang nauunang umuwi.

Gabi-gabi natatawagan sina Ate at Jessa, nagkikita naman sila sa school, at usually, hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Maya-maya, iba nang pangalan ang maririnig ko. Ang bilis ‘ata nilang mag-change topic. Pero nagtataka pa rin ako.

“Ano ba ‘yan? Gutom pa rin ako eh,” reklamo ni Cylla.

Nasa canteen kami ngayon.

Second period in the morning tuwing Miyerkules at first period sa umaga tuwing Biyernes ang free time namin.

Syempre noong Miyerkules, tinorture namin ni Justin ang isa’t isa sa pakikipagtadyakan. Pero ngayon, himalang hindi siya nag-umpisa ng tadyak. Ibig sabihin, panalo pa rin ako.

At ngayon, para na rin sa kapakanan niya, baka kasi mabali ang mga buto sa daliri niya sa paa—teka, ano ba pakialam ko? –sa canteen na lang ako tumambay nang mag-aya si Cylla at nasalubong naman namin ang ninth grader na si Joahna.

Weird pa rin talagang hindi niya ako inasar ngayon. Baka may iniisip siyang mas malala pa kaysa sa tadyakan. I shuddered at the thought.

“Wow, Cylla. Hindi ba’t dalawang cheeseburgers, dalawang chocolate bars, dalawang ensaymada at isang Xtra Large na mango slush na ang nauubos mo, gutom ka pa rin?” komento ni Joahna. “Nagtataka tuloy ako bakit 23” lang ang waist mo, samantalang ang takaw-takaw mo naman pala sa pagkain. At ngayon, gutom ka pa!”

“Sinasayaw ko naman kasi ang extrang taba noh, sa tuwing babalik ang mga pinsan ko rito sa Pilipinas,” sabi ni Cylla at bumili pa ulit ng large na pepperoni pizza.

“Grabe naman ‘yang pinsan mo,” ani Joahna. “Everyday kung bumalik huh?”

“Isa lang ba pinsan ko? Mga nga, hindi ba?” kontra niya. “Bumili ka na nga lang.”

“Tapos na po ako sa shake ko,” sagot ni Joahna.

“Ikaw, Abigail?” tanong sa ‘kin ni Cylla. “Kanina pa nakasalubong ang kilay mo eh.”

“Okay lang ako,” sagot ko at inayos ang sarili.

Nakasalubong pala ang mga kilay ko?

“Kumuha kayo. Para naman hindi naman akong magmukhang matakaw na 23” ang waist, ano?” parinig niya kay Joahna na nag-smirk lang at pinaikot ang eyeballs.

Kumuha si Cylla at Joahna kaya kumuha na rin ako.

“Tahimik talaga ni Abigail,” sabi ni Cylla. “Nakasalubong pa ang kilay. Abigail, talaga lang ha? Ang lalim-lalim ng iniisip mo.”

“Eh, kasi... ano eh... Nagtataka ako kung ano ang pinaplano ng ate ko at ng ate ni Justin. Gabi-gabi silang nagtatawagan, hindi ko maintindihan ang mga pinagsasalita nila, pero feeling ko may plano sila.”

“Patungkol sa inyo ni Justin?” sabay nilang tanong, nanlalaki ang mga mata.

“Ewan,” sagot ko. “At saka ang mokong na ‘yan. Himala ‘atang hindi niya ako inasar ngayon. For the first time, for the very first time in forever. Weird.”

“’Di ba nga dapat masaya ka kasi hindi ka niya inasar ngayon?” nagtatakang tanong ni Joahna.

“Hay naku, Joahna. Syempre wala nang kasweetan ano? Papa’no magsasaya ‘yan? Duh,” sabi naman ni Cylla.

I Hate You, Please Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon