“Wui, Abigail,” sita ni Edward sa ‘kin pagkatapos ng flag ceremony, Lunes, second week of classes. “May crush ka na pala? Ikaw naman. Hindi mo man lang sinabi sa ‘min. Hindi bale. Halata naman eh.”
Huh? Anong pinagsasabi ni Edward? May crush ako?
Oo. Si Cedric.
Halata raw? Hala. Halata ba?
Biyernes pa lang kami nagkakilala ah. At saka, wala namang nakakaalam kung sino ang crush ko.
Maliban kina Cylla at Joahna.
Naku. Malaking problema ‘to. Although hindi ako masyadong nakakarinig tungkol kay Cedric, sigurado akong pinag-uusapan siya. Sa gwapo pa namang ‘yun, varsity player and everything? Nilapitan niya pa ako noong Biyernes, kahit na noon pa lang ako nagkagusto sa kanya, syempre iisipin nila na mutual understanding. Patay ako nito...
“Cylla! Joahna!” tawag ko sa kanila na nag-uusap na papunta pa lang sa kuwarto. Nakangisi naman sila.
Aba! May ingingiti pa sila sa ‘kin. Hindi ba nila alam ang mangyayari sa ‘kin kung ganoon ang iniisip ng lahat? Nag-eexpect na akong masubsob sa toilet bowl sa CR mamaya. Iiwas na lang ako. Hindi ako iihi sa public CR for girls nang walang kasama. Badtrip naman kasi. Sira pa CR sa classroom.
“So, panakip-butas lang pala si Cedric?” nakataas ang kilay ni Joahna.
“Huh?” nalilitong sabi ko.
Panakip-butas? Ano? Paano naman niya nasabi ‘yun?
“Si Justin naman pala ang crush mo eh, naghanap ka pa ng panakip-butas,” naka-crossarms at nakataas naman ang kilay ni Cylla.
“Si Justin?!” hindi makapaniwalang wika ko.
Instantly, alam ko na agad kung sino naman ang nagsabi nito.
“Sinabi sa amin ni—“
“Oo, alam ko! Padaanin niyo ako!” Inalis ko silang dalawa sa daanan ko at tumakbo.
--
Wapak!
“Ouch!” Hawak-hawak ni Ate ang kaliwang pisngi niya. “Anong problema mo? Bakit mo ako sinampal?”
“Nagtanong ka pa! Anong tsismis ang naririnig kong crush ko si Justin?” maangas kong sabi.
“Aba, malay ko!” sagot niya. “Journalist ako, hindi tsismosa!”
“Yun nga ang point! Journalist ka!”
“So? Hindi pa naman ako nakakapag-broadcast! Okay ka lang? Nawawala sa sarili? Dahil ba ‘yan sa bukol mo o dahil may crush ka?”
“Oo nga noh... Hindi ka pa nakapag-broadcast,” naalala ko. “Eh bakit naman nasabi ng mga classmates ko na crush ko raw ang abnormal na demonyong ‘yun?”
“Sa uulitin, malay ko!” sagot niya. “Tanungin mo ang crush mo—ay.”
Kinagat niya labi niya. Naningkit ang mga mata ko.
“Arienne?” hissed Paula from behind.
“Don’t worry,” sagot niya kay Paula. “I’ll fill you in later.”
“Fill you in?” sabi ko naman. “Ano ‘to container? Water jug lang?”
Narinig kong tumawa ang mga kaklase ni Ate mula sa likod.
Ate rolled her eyes. “Yeah, funny. Pero seryoso ako ah. Bakit nga hindi mo tanungin si Justin? ‘Di ba nga crush mo siya?”
Wala man lang akong narinig na quotation marks! Grr.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Please Love Me
Teen FictionI have a crush. I like someone. I find my best friend cute. I have a mortal enemy. The thing is, I don't know who it is that I like between the two of them.