“Gusto ko pala ng squid balls. Ayaw ko na ng kwek-kwek. Ilang beses na akong nakakain n’yan kanina.”
“Eh anong gagawin ko rito?” Tinuro ko gamit ang labi ang hawak kong dalawang plates ng kwek-kwek.
Recess time, Lunes, third week of classes. Napilitan akong isama ang mokong na ‘to (Isaiah) kasi punishment ko raw ‘yun kasi kinuha ko pera niya without permission at hinulog sa “wishing guitar-shaped pond.”
And to recall...
**
“Oi,” Isaiah poked me. “Libre ko,” and held out his palm on me.
Kunwari hindi ko siya gets, kaya pinasalubong ko ang mga kilay ko at tinry ang pinakanalilitong ekspresyon sa mukha. He bought it, fortunately.
“Wishing pond. Piso. No permission. Hulog. Deal. Libre. Remember?”
Lalo ko pang pina-confuse ang mukha ko.
“Hindi ba pumunta tayo sa wishing pond noong Biyernes? Nagwish ako, magwiwish ka rin sana kaso wala kang piso, limang piso lang. Hinanapan mo ako ng piso kahit ayaw kong ibigay sa ‘yo.”
“Bakit hindi mo binigay? Selfish,” komento ko.
“Eh sa ayaw ko,” kontra niya. “Malay mo makulangan ng piso ang pamasahe ko pauwi.”
“Eh di ba si Paula ang nagbabayad ng pamasahe mo?” I smirked.
“Whatever.”
Translation: “Okay fine! Panalo ka r’un! Selfish na kung selfish.”
“Basta hinulog mo ang piso sa pond,” sabi niya.
“Accidentally.”
“At saka para mabayaran mo yun, one week ililibre mo ako.”
“PISO LANG ONE WEEK KONG DAPAT BAYARAN? UNFAIR NAMAN ‘ATA.”
“Eh, fair ba ang mangutang nang walang permiso? Tss. Saka, nagwish ka kaya, Hindi lang yun basta-bastang piso lang kasi yun ang magpapatupad ng wish mo. Kung ako nakagamit nun, wish ko makukuha ko. Pero kasi kinuha mo WITHOUT PRIOR PERMISSION kaya dapat mong bayaran.”
“Bakit? Matutupad mo ba wish ko?” sabi ko.
“Hindi,” sagot niya. “Pero ang wishing pond oo.”
“Well,” I crossed my arms, “siguro kailangan din nating hintayin na magkatotoo ang wish ko bago kita ilibre for one week para at least fair play, ‘di ba?”
“Ano ba wish mo?” curious niyang tanong, cocking his head to one side.
“Dapat mawala si Justin sa buhay ko,” kaswal kong sagot.
“So, sinasabi mong kailangan siyang patayin?” shocked niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata.
Tinitigan ko siya sa mata at nagmukhang seryoso. “Kung kinakailangan...”
“No way!” Hysterical niyang iniling-iling ang ulo niya.
“Grabe ka naman. Syempre hindi ako magpapapatay ng tao noh. Ang OA nito,” I said, rolling my eyes.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Please Love Me
Teen FictionI have a crush. I like someone. I find my best friend cute. I have a mortal enemy. The thing is, I don't know who it is that I like between the two of them.