Chapter 9. Guitar by the butterflies.

29 4 0
                                    

“Aray!”

Natusok na naman ako ng ballpen ni Justin.

“Kanina ka pa ah. Ang dumi-dumi na ng braso ko kasi kanina mo pa sinusulatan.”

Tiningnan ko ang mga nakaguhit sa braso ko. Abstract nga, imposible namang aksidente lang niyang nasulat.

“Hindi ko ‘yan sinusulatan ah,” depensa naman niya. Nagdepensa pa talaga siya ah. Kahit napakahalata naman yata ng pinaggagawa niya eh.

“Wow ha. Nagmamalinis?” sarkastiko kong sabi.

Gumagawa kami ngayon ng essay sa Filipino, tungkol sa “selection we have just read”. Bilib ka, Filipino subject teacher na nag-Eenglish. Wala na ba talagang respeto para sa wikang Filipino? Naku naman. Sige, English na lang kayong lahat. English pa.

“Malinis na nga talaga ako, bakit pa ako magmamalinis?” sagot naman ni Justin.

“Ah talaga?” Sinulatan ko naman ang sleeve ng uniform niya. “Sa kalooban mo hindi, walang duda. At sa uniform mo, ganoon din.”

He gritted his teeth pero maya-maya tumigil na rin at nag-concentrate sa sinusulat niya. W.O.W. Unbelievable!

Muntik na akong maniwala sa himala, pero wala nga talagang himala kasi hindi man sumagot si Justin, ilang minuto lang, kung kailan ako concentrated na concentrated sa sinusulat ko...

Naniniwala akong nararapat lamang na magr

Siniko niya ako at tinadyakan.

“Aray! Ikaw ah! Ang pangit-pangit na nga ng penmanship ko, nagta-try hard na nga ako para maging maganda tapos sisirain mo lang? Tingnan mo oh. May nakausling linya dahil siniko mo ako. Ano bang problema mo?”

“Una, nag-jerk ang kamay ko kaya nasiko kita. Pangalawa, may langaw sa sapatos mo. Malamang dahil sa sobrang baho, kaya inapakan ko,” sagot niya.

“Nag-jerk? Ang kamay? Hahaha,” cold kong tawa. “Nakakatawa. Ikaw siguro ang jerk. At saka, ang sapatos ko lalangawin? Teka lang ah...” Tumingin ako sa ilalim, sa mga paa namin at tinadyakan ang paa niya. “Lamok naman yung sa ‘yo. Malamang kasi attractive ka para sa kanila.”

“At least naging attractive ako,” sagot naman niya.

“Hahaha! Nag-ambisyon ka ng fans club, mga lamok pa.”

Pumasok na si Ma’am Abella sa kwarto. Kakagaling lang yata sa library, may dalang libro eh. Correction: pocketbook. Dalawa yata. May ganoon ba sa library ng school na ‘to?

“Okay clash, pash your papersh to the frant. Finished or unfinished.”

Kita niyo na? Filipino teacher nga si Ma’am, nag-Eenglish naman tapos magsalita nga para namang...

‘Wag na nga. Mapagsabihan pa akong walang galang dito eh.

Nawalan na ako ng panahon para mag-death glare in an Abigail-esque style kay Justin. Binilisan ko na ang pagsusulat gayong konklusyon na rin lamang ako at pinasa sa harap. Saka ko binigay ang pinakanakakamatay na death glare kay Justin.

Napatawa siya, napakunot naman ang noo ko.

Kailan pa naging ala Marisol ang Abigail-esque Death Glare ko?

I Hate You, Please Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon