Riyen's POV
"Scarlet iha, get up. Maaga ang meeting mo today diba?"
Napabangon ako agad sa sinabi ni manang rosa. Tumingin ako agad sa orasan, and crap! Its already 9:30 am! 10 am ang meeting ko sa mga Kent!
"Thank you manang, ligo na po ako."
Dali dali akong pumunta sa cr. Mga 10 minutes lang natapos agad ako sa pagligo, wag niyo ng tanungin pa kung nagkapag hilod ba ako dahil HINDI, hindi na ako nakapag hilod ng katawan pisti naman kasi! Tinanghali ako!
Nagbihis na lang ako agad ng t shirt na white, blazer na sky blue may favorite color and skinny jeans and chuck and bonet. Di na ako nagsuklay pa, pero nag deodorant naman ako at nagpabango syempre!
Kinuha ko agad ang susi ng audi RS6 ko at agad agad na sumakay don. Time check, 9:55 am. Paktay na! Pinaandar ko na agad ang sasakyan ko ng mabilis. Maya maya lang nakarating na rin ako sa Kent Group of Companies. Kung saan pag mamay ari na ito ng kaibigan ko na si Snow Kent.
Patakbo akong pumasok sa loob, kilala naman na ako ng mga guard dito so dare-daretso lang ako. Sumakay ako agad sa elevator at pinindot ang pinaka last floor, which is ika 70th floor. Grabe noh? Malala tong building na to.
Pagdating ko sa 70th floor, agad akong tumakbo sa conference room. Pagdating ko don, naabutan ko si Kaireen Kent na prenteng nakaupo at naka crossed arms pa. Napalunok ako. Paktay na, sabi na eh.
"You're late, Scarlet Riyen." masungit na sabi niya sakin. At talaga inirapan niya pa ako. Jusme.
"S-sorry, tinanghali ako nagising eh." pagdadahilan ko naman.
"I know. Halata naman, tsaka isa pa. Kapag pupunta ka sa isang meeting, wag kang mag bobonet? At wag ka ring mag t-tshirt! Mag polo ka then blazer, or blouse. Jusko naman riyen," napahilot na siya sa sentido niya. Hays.
"Im sorry," napatungo na lang ako. Sakit niya talaga ako sa ulo.
"Saan ka ba galing kagabi at napuyat ka?"
"Wala naman. Sa bahay lang,"
"Ano namang ginawa mo sa bahay niyo at tinanghali ka?"
"Ano.. Ahm, wala bang meeting today? Bakit ikaw lang andito?" pag iiba ko sa usapan. Totoo rin naman kasi, may meeting tapos kami lang andito? Ano yun? Asan na yung iba? Si snow na CEO, wala rin dito.
"Na move ng 11:30 ang meeting. Your lucky." sabi niya. Mukang di naman niya nahalata ang pag iiba ko sa usapan. Good.
"Talaga? Dapat pala kumain na muna ako sa bahay." sabi ko habang hinihimas himas ang tyan ko. Nagugutom na ako. "Baba na muna ako ah, kain na muna ako." paalam ko sa kanya.
"Sabay na ako sayo, gusto ko magkape." sabi naman niya at nauna pang umalis sakin. Grabe.
Sumunod naman ako sa kanya. Kahit kailan talaga tong babaeng to, napaka sungit. Napaka aloof. Kahit na ilang taon na kaming magkakilala, ganyan pa rin siya. Tsk. Sabagay, matured na siya since mas matanda siya ng 2 years saming lahat na magbabarkada.
Im 23, and she's 25 and yet. Kayang kaya na niyang mag manage ng ganitong kalaking kompanya, together with snow na 23 yrs old lang din pero CEO na. Young CEO nga ang tawag sa kanya eh. Iba talaga ang mga Kent. Nakakaproud na kaibigan ko sila. Haha.
"You walk like a turtle. Akala ko ba gutom ka na diba? Dalian mo." masungit na sabi na naman niya. Hmp. Dinalian ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa nasa likuran na niya ako.
Pinasadahan ko siya ng tingin, naka blouse polo siya and black skinny slacks and heels. Naka messy bun din ang mahaba niyang buhok pero di naman mukang messy dahil ang ganda ng pagkakatali niya, kitang kita rin ang leeg niya na may maliit na tattoo na nakasulat don ang birthday ng daddy niya.
Ang sexy sexy niya. Medyo mabooty and malaki rin ang hinaharap. Matangkad pero mas matangkad ako, maputi at masasabi kong sobrang hot talaga niya! No wonder nabaliw ako sa kanya.
"Kaireen," tawag ko sa kanya.
"Hm?" sabi naman niya without looking at me. Grabe talaga, di man lang siya huminto na muna? At napaka tipid pa ng pagsasalita niya ah.
Di pa ako nakakapagsalita ng marating na namin ang elevator, pinindot niya ang 60th floor kung nasaan ang cafeteria nila dito. Kaming dalawa lang andito sa elevator, di naman ako naiilang actually natutuwa pa nga ako. Nakakasama ko siya, at naaamoy ko pa ang mabango niyang amoy na amoy strawberry. Ang tamis! Nakakaadik!
"What are you doing?" biglang tanong niya. Di ko na kasi namalayan na inaamoy amoy ko na pala ang likod niya, shete naman! Nakakahiya!
"W-wala naman." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya ka scarlet jusmiyo!
Nakarating naman agad kami sa cafeteria, medyo marami ang tao. Karamihan nagkakape at meryenda lang, yung iba naman kumakain ng kanin na halatang di rin nakapag breakfast like me.
"Dito na tayo," sabi niya sabay upo sa malapit sa salamin. Favorite spot niya to, naupo na rin ako sa tapat niya at nakangiti na tumingin sa kanya.
Ang ganda ganda niya talaga. Ang tangos ng ilong, haba ng pilikmata, tama lang ang kapal ng kilay niya, ang pula pa ng mga labi at medyo pouty. Perfect face kumbaga.
"Tapos ka na bang titigan ako?" masungit na tanong na naman niya sakin. Aga aga nagsusungit to.
"Bat ba ang sungit mo?"
"Maaga akong nagising for our meeting today, then biglang nagpa sched sila at nimove ang time so badtrip ako. Alam mo naman na ako ang naka assign sa meeting na to diba? And yet, ako pa ang huli na sinabihan. Ay hindi, ikaw pala ang huli. Pangalawa pala ako sa huli na sinabihan," halatang naiinis na sabi niya. Napatawa na lang ako.
"Ang cute cute mo. Osiya, dyan ka na muna ako na muna bahala mag order ng makakain natin." sabi ko sabay iwan sa kanya. Agad ko namang tinext si marco, ang driver namin na magdala ng rose at ipunta dito sa cafeteria. Nag reply naman siya agad ng 'copy mam' sakin.
Ngiting ngiti kong ibinulsa ulit ang cellphone ko tsaka ako umorder ng pagkain namin. Habang nag hihintay ako, biglang sumulpot sa tabi ko si marco at dala dala na ang isang rose na inutos ko sa kanya. Nagbigay rin siya ng sticky note at ballpen sakin.
Nagsulat ako don at binalik ang ballpen at sticky note sa kanya at umalis na rin siya. Sakto naman na dumating na ang order namin, nilagay ko ang rose sa pagkain ni kaireen at ngiting ngiti na pumunta sa pwesto namin.
Nilapag ko sa harapan niya ang pagkain niya. Kape at waffle ang inorder ko para sa kanya, favorite niya kasi yun. Syempre kasama yung rose na bigay ko para sa kanya. Nakita ko naman siya na ngumiti pagkakita sa rose na binigay ko.
"Be cool and relax huh?" sabi niya sakin. Naupo naman na ako at kumindat sa kanya. Natawa na lang siya at naiiling sakin.
"Tinanong moko kung ano yung ginawa ko sa bahay at kung bakit tinanghali ako ng gising diba?" nakangiti kong sabi. Tumango naman siya.
"Its because I think of you more than I should. And I wonder if we ever think of each other at the same time, and because my mind is full of you."
Sandali pa siyang natigilan, at napalitan ng seryoso na muka ang muka niya.
"Riyen.."
"I know kaireen. Its been three years. I've been courting you for three years, kailan mo ba ako sasagutin?" tanong ko.
"Riyen kasi,"
"Hindi naman sa nagmamadali ako. But yeah, take your time Its okay. " nakangit kong sabi. No hard feelings. Totoong ngiti ang ibinigay ko sa kanya at totoo naman na di ako nagmamadali eh. I know she's worth the wait.
"But riyen, you know naman diba. Ilang beses ko ng sinabi sayo na, Im not into girls. Im into guys."
Yeah. Ilang beses na niyang sinabi sakin yun. At everytime na sinasabi niya yun sakin, nasasaktan ako. But di pa rin ako susuko. Ngumiti ako ng malapad sa kanya at inubos na ang breakfast ko. Ininom ko na rin ang hot choco ko, tsaka ako tumingin sa kanya mata sa mata at ngumiti.
"One day kaireen. Im gonna make you say, 'Im into you. Not into other guys.' and make you fall inlove with me." sabi ko sabay kindat.
I will make you fall in love with me Kaireen Kent.
BINABASA MO ANG
Mon Amour
General FictionI've been hook up, and head over heels in one girl. For 3 years courting her, and repeatedly hearing "Im not into girls, im into guys," to her. Im like, so what? I like you, no scratch that, I love you. I will make you say, "Im into you, not into...