Chapter 4: Change

4.7K 123 17
                                    

Kaireen's POV



"Mam, may list na po ako ng mga kasama para sa company vacation natin."


"Talaga? May I see?"


"Yes mam," 


Tiningnan ko ang list of attendees para sa darating na company vacation namin. Maraming sumama compare nung nakaraang taon, siguro kasi allowed kaming magsama ng mga outsiders but hanggang 5 outsiders lang. Karamihan kasama ang mga pamilya nila, and me? Isinama ko si fall at si silver. Gusto kasi ni silver sumama kaya isinima ko na, 


As of snow naman, of course her family is invited. Chineck ko ang name ni Riyen, wala siyang mga kasamang guests... Hmm..


"Ikaw rin yung naka assigned sa mga list ng mga magiging roommates diba?" 


"Opo," sagot ng secretary ko. 


"Gawin mong roommate ko si riyen." 


"Po?" tumingin sakin ang secretary ko na parang nagtataka sa sinabi ko. 


"You heard what I said." 


"eh mam, di pa bo dati ayaw niyo siya maging ka roommate?"


Tama nga naman, dati nga pala sinabihan o siya na ayoko maging roommate si riyen kapag may mga gantong company outing kami. 


"Oh well, nagbago isip ko. You can leave now, just make Ms. Riyen my roommate." 


Yun lang at umalis na rin siya. Sumandal ako sa swivel chair ko, wala ako masyadong gagawin ngayon dahil nagawa ko na ang ibang paperworks ko kahapon. Speaking of kahapon, di pa rin mawala wala sa isip ko ang sinabi ni kris sakin kahapon. 


She will make riyen forget me and she will make her fall in love with her? HA! As if naman makakalimutan ako ng ganun na lang ni riyen, hello 3 years niya akong niligawan and as far as I know hanggang ngayon nililigawan niya pa rin ako ARGH! Nakakainis siya! Nakakainis ka kris crisostomo! Bwisit!


Tumayo ako umalis na lang daretso sa office ko. Napag pasyahan kong dalawin si riyen sa opisina niya, diko kasi siya nakita kanina. Okay na kaya siya? Anong oras kaya niya pinauwi si kris kahapon? Ano kayang ginawa nila nung pag alis ko? ay fuck! For the nth time! BAIT KO BA NA TO NAIISIP?!! Shit!


Nang makarating ako sa floor kung saan ang opisina ni riyen, sa labas pa lang ng office niya may naririnig na akong usapan mula sa loob. Di na muna ako pumasok at nakinig na lang muna ako mula sa labas. 


"What?! But dad, malapit na ang christmas! Sabi niyo uuwi kayo dito?... Hays, as usual, di naman kayo makakauwi at ako na naman mag isa magpapasko... Sige na dad, im busy. call you later" 


Humiwalay na ako sa pagkakadikit ko ng tenga ko sa pintuan ng opisina niya at huminga ng malalim, nung nakaraang taon wala ang dad niya at siya lang mag isa nagpasko. Umuuwi kasi lagi si manang sa probinsya nila kapag holidays, sinasama naman siya ni manang minsan kaso umaayaw daw siya. Diko mapigilan na maawa para sa kanya. Wala siyang pamilya rito sa pilipinas, at kami na lang na mga kaibigan niya ang nandito para sa kanya. 

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon