Chapter 9: Akin ka lang

4.3K 134 10
                                    

Kaireen's POV


Masama ang pakiramdam na bumangon ako ngayong sabado ng umaga. Ang bigat ng pakiramdam ko at parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Di na lang ako papasok ngayon sa trabaho, di rin naman ako makakapag focus. 


Para akong lasing na tumayo sa kama ko at dumaretso sa cr, nagdaretso ligo na lang ako para mabawasan kahit papano yung bigat ng pakiramdam ko. After ko maligo, medyo guminhawa naman ang pakiramdam ko. Bumaba na ako at wala man lang akong nasalubong na makukulit na bata. 


Wala yata mga pamangkin ko? 


"Manang fe, asan mga bata?" tanong ko sa madoyama namin pag dating ko sa kusina. 


"Umalis sila mam, pumunta po sa kabila." 


"Ah," sagot ko habang tatango tango, kabila it means kila summer. Matagal tagal na rin naman silang di nakakadalaw dun. 


"Kain na po kayo mam," pag alok sakin ni manang fe, nginitian ko na lang si manang fe at kumain na. 


...


"Ate, samahan moko mag grocery sa mall." sabi ng kapatid kong si fall. Na as usual, kasama na namam niya si silver na parang bodyguard na niya. 


"Bakit di na lang kayo ni ash ang pumunta?" 


"Eh ate gusto ko kasama ka eh, minsan na nga lang tayo magkita at mag bonding oh." pangongonsensya pa niya. Napabuntong hininga na lang ako at um-oo sa kanya. 


"Magbibihis lang ako," 


"Naku ate!" bigla niya akong hinawakan sa braso, "Wag na, okay na yang suot mo. Tara na," at hintak na lang ako palabas ng mansion. 


Nag paubaya na lang ako dahil wala naman na akong lakas para makipag talo pa sa kanya. Ay teka, oo nga pala! Si riyen! Di ko pa nachecheck phone ko mula kaninang umaga. 


Pagka tingin ko sa phone ko, nakita kong may 6 na message si riyen. Binuksan ko ito at binasa, 


From: Riyen Kulit


Goodmorning my queen! Mas maganda ka pa sa umaga :) 


From: Riyen Kulit

I just want you to know that I am yours today, tomorrow and forever :) I never knew what true love was until I met you. I love you! 


From: Riyen Kulit

Kain na kaireen ko :) Dont forget ha. 

From: Riyen Kulit

Alis pala ako ngayon may kikitain lang ako na friend. Text me when you have the chance hm? Have a great day! 

From: Riyen Kulit

I'll call you later! 


Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon