Chapter 12: Proposal

4K 113 7
                                    

Kaireen's POV

Badtrip ako na gumising ngayong umaga. Feeling ko kasi may kakaiba kay riyen this past few days, oh yes naniniwala ako sa kanya na gf talaga yun ng pinsan niyang si dennise dahil I confirmed it naman kay dennise and she said yes.

Besides, may nasabi sakin si summer na nakita niya si riyen with a girl. And sinabi ko sa kanya na idescribe niya, and she did. Maliit na babae lang daw, maikli ang buhok, may braces at ang cute daw na babae.

Im trying to get it off my mind but I can't! And today, aalamin ko kung ano ba talaga ang trip niya. Kung niloloko niya ba ako o hindi. Kung meron na ba siyang bago o wala.

But I hope, wala. Sana wala. Sana mali yung iniisip ko. Sana ako lang, sana wala akong kahati sa kanya. Sana.

I pick up my pouch and phone, di na muna ako papasok today kasi napag alaman ko na di daw papasok si riyen today dahil may importanteng lakad daw. I asked her kung saan siya pupunta but she just said na 'dyan lang,' so yeah, im having doubt.

Normal lang naman yun diba? Hays. Im her girlfriend, so.. Whatever.

Bumaba na ako mula sa kwarto ko and as usual, nakita ko na naman ang kambal na naglalaro sa sala. Puno ng laruan ang sala na nag mistulang playground, and ang cute cute nila.

I kiss them before I leave and I borrowed snow's car, without her permission kaya nagmadali ako. Haha. Yari ako kapag uwi ko, panigurado mag cocommute yun. Sorry na, mas kailangan ko ng sasakyan ngayon.

I turned on my gps and trinack ang location ni riyen. It took a while but I saw her on the... Flower shop? Flower shop near the mall.

Di na ako nagpatumpik tumpik pa at pumunta na ako sa flower shop, ilang minutes lang nakarating na ako. Pumasok ako daretso sa loob, and inikot ko agad ang paningin ko sa loob but no riyen.

"Yes mam? May gusto po ba kayong bulaklak?" tanong ng isang staff sakin. I smiled at her,

"Ahm, im looking for a girl na kanina lang nagpunta dito, ahm.. Matangkad siya and medyo boyish ang datingan, blue eyes and medyo kulot yung hair na may pagka blonde," I described riyen on her. Medyo nag isip pa siya and ngumiti, she's cute. Hehe.

"Ah yes mam, nag order po siya samin ng white and black rose, isang malaking bouquet po." she said.

Isang malaking bouquet of black and white roses? Huh! Sino naman kaya pagbibigyan nun? Tsk.

"Sige, thank you miss ha." She just nod and I walk away. I checked my phone again and track her, and I saw her in a coffee shop. Inside the mall.

Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ko at nagpunta sa mall. When I get inside the mall, I hurriedly go to coffee shop where riyen is, but to my dismay, wala na naman siya.

I checked her location again, and she's now in a party thing store inside the mall. I ran where she is, and wala na naman siya.

Sobrang pagod na ako kakatakbo pero di ko naman siya naaabutan. Hays riyen! What the hell are you off to?! Geez!

I checked her again and I saw her in a store that I know na bilihan ng mga damit. Pumunta ako don and there, and WALA na naman siya!

Its just weird na, bilihan siya ng mga gown. But I ignore it and decided to call her. Ilang ring lang sumagot na agad siya.

"Yes babe?" she said. Halata sa boses niya ang lambing at sigla.

"Where are you?"

"Nasa mall ako, why?" Good thing at di ka nagsinungaling riyen!

Mon AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon