CHAPTER 29

7.5K 157 0
                                    

Wala na ang lobo ng magising siya kinabukasan,nasa kama na rin siya nakahiga,sino nagbuhat sa kanya roon? Si Patrikk? Ito lang naman ang may alam ng password niya eh! Tama,sigurado siya nga yun at sinundo na nito ang alaga nito lobo bago pa man siya magising. Yeah,sana man naalipungatan siya para naman makita niya ito.

She sighed. Hmp,sino ba ko para mamiss niya? Siya kasi namimiss na niya ito.

Imbes na isipin pa niya ito itinuon na lang niya ang isip sa trabaho niya hanggang sa mag-uwian na.

Wala siya nagawa ng hindi siya mabitbit ng katrabaho niya binabae na sumabay rito sa pagbaba ng building. Naghihintay na raw sa kanya ang boss nila at dahil nagdadahilan lang naman daw siya kaya hindi na siya bibigyan nito ng pabor.

Ano ba ang laban niya rito. Kahit binabae pa ito lalaki pa rin itong bakla na 'to!

Nakasimangot na hila-hila siya nito sa braso niya at masakit na nga yun dahil pilit niya iyun binabawi rito pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Nakikita ko na siya!" impit na tili nito.

Agad na napansin sila ng lalaki at abot-tainga ang ngiti nito.

"Hi,boss!!" malandi bati ng baklita sa boss nila.

Isang ngiti lang ang tinugon nito sa bakla at agad na bumaling sa kanya.

"Avril..sayang maaga ka pala nakauwi kahapon," masuyo nito saad.

Pilit siya ngumiti rito.

"Uh,yes,Sir.." tipid niya sagot.

"So,let's go?"

"Oh siya,gorabells na aketch!enjoy your trip,Sir and my friend!" maarte nito saad na sinabayan pa ng flying kiss.

She sighed. Right,I don't like this.

"Shall we go?" pukaw ng binata sa kanya.

Inabot nito ang kamay niya at hinila siya ng hindi siya gumalaw sa pagkakatayo niya pero bago siya nito tuluyan mahila may humawak naman sa isang braso niya.

Marahas siya napalingon roon.

Nanlaki ang mga mata niya at nahigit ang paghinga.

"Patrikk.."usal niya.

Madilim ang mukha nito nakatingin sa boss niya. Bigla siya kinabahan pero agad na umusbong ang pangungulila niya naramdaman para dito.

Hindi niya inaasahan na nandito ang lalaki ito!

"Hindi siya sasama sayo," mariin nito saad sa boss niya.

Salubong ang kilay ng boss niya napatingin sa kanya.

"Do you know him?"

Hinila siya ng binata at nabitawan naman siya ng boss niya kaya bahagya siya bumangga sa katawan ni Patrikk.

Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkagulat bigla naman huminto ang pagtibok ng puso niya ng akbayan siya nito at idikit lalo siya nito sa katawan nito.

Nailapat niya tuloy ang palad niya sa malapad nitong dibdib.

Shocks,nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng puso nito. Hindi sa normal na pagtibok ang tibok ng puso nito. Napatitig siya sa mukha ng binata na matalim naman ang nakatingin sa boss niya.

"I'm Avril's boyfriend..who are you?" tiim-bagang na turan nito.

Ano daw?

"May boyfriend ka,Avril?"

Agad siya napabaling sa boss niya na hindi makapaniwala.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Patrikk sa balikat niya.

Alright,Avril..pumayag na siya sa gusto mo.

"Sir..Uhm,This is Patrikk,my..my boyfriend.."

Mapait ito ngumiti. "But I know you are single?"

"Right,dahiL sekreto ang relasyon namin dahiL sa isyu ko.." pagsagot ni Patrikk sa boss niya.

Tumalim ang mga mata ng boss niya Kay Patrikk.

"Bakit? Sino ka ba? " mapanghamon saad ng boss niya.

Agad na kinabahan siya sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang binata.

Ang ganda ko naman para pag-awayan ng dalawa ito!

Bakit hindi ba?! anang ng inner self niya.

Hinawakan niya sa braso si Patrikk para bigyan ito ng babala na wag patulan ito.

Naikuyom nito ang mga palad.

"Sir,pasensya na,aaalis na kami," paalam na niya rito.

"Wag ka ng mag-aksaya pa na ihatid ang girlfriend ko this time..because I'm her boyfriend that is my responsibility.."

"Oh yeah,kaya naman pala hindi kita nakikita sinusundo mo siya.." sarkasmo saad ng boss niya.

Nakaramdam siya ng inis sa inasta ng boss niya.

"Patrikk ,let's go..Sir..maiwan na namin kayo," agaran niya paghila sa binata bago pa lumala ang sagutan ng mga ito.

Shocks! Ang intense nun!

Prince of Yellow Wolves Series 5 : PATRIKK NUENZIO(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon