*******
Thank you for reading my story!!
Just give my work a chance na libangin kayo..Karamihan sa mga situations sa story na 'to eh sumasalamin sa reyalidad. Lalo na ang mga susunod na chapters. Hindi lang puro fairytale. Just continue reading and don't forget to vote and comment..I will really appreciate it!!!💛*******
ang kabanatang it0 ay pinamagatang....
NAME OF ALL SEASON!
Pakilala muna ako.😘
I'm Princess Bienconsuelo Marianette Consulatrix Abbiejane Fenelaporde Ellar.
Oo na. Ako na! Ako na ang namakyaw ng pangalan!
Paano ba naman? First akong apo sa pamilya kaya halos pag-agawan ba naman ako ng mga lolo't lola ko kung kanino ako ipapangalan.
Kaya para walang gulo, pinagsama-sama ang pangalan ng mga parents ko
at pangalan ng mga grandparents ko on both sides.Mula sa Bienvinido-Consuelo na mga pangalan ng grandparents ko
sa father's side, Mario- Anthonette na pangalan ng papa at mama ko, at
Consulacion- Triburcio na pangalan naman ng grandparents ko sa mother's side.Tanging Abbiejane lang ang pangalan na masasabi kong akin. Kaya, kahit saan man ako mapunta, dala-dala ko ang pangalan ng pamilya.
Correction, pangalan ng BUONG PAMILYA..
Well, kung nagtataka kayo kung saan nanggaling ang pangalang Princess,
yes, you've heard me right! I'm a princess!....Well, isa akong prinsesa na nakatira sa isang malapalasyong tahanan
na lahat na lang ng parte ay voice control.Isa akong prinsesita na pinagsisilbihan ng tatlong dosenang mga katulong.
take note: di pa kasama ang mga bodyguards at drivers doon.
May pagmamay-ari ng isang sikat na casino at pinakaunang "twelve-star" hotel sa Pilipinas,
(kahit yung ibang hotel hanggang five-star lang...hehehe)
May hacienda at lupain na sumasakop sa buong western visayas!!!!!!
Samakatuwid, wala akong kasing ubod ng yaman!!! (baka yabang..hehehe)
To the extent na ang abanikong laging hawak ko na ipinapaypay saan man ako magpunta ay gawa sa laminated na fifty pieces na 1000 peso bill...
in short,fifty thousand pesos ang halaga ng pamaypay ko palang.Kung mayroon nga lang 100,000 peso bill ay ganoon nalang ang ipapalaminate
ko..Ang cheap kasi ng tig-isang libo.Sa celphone, well halos palit
ako ng palit... makatext lang ako o makatawag ng isang beses,makaselfie nang kaunti,
luma na agad sa paningin ko.(Sa palengke,ang kadalasang makikita mong ukay-ukay ay ukay-ukay ng damit,
samantalang sa kwarto ko ay ukay-ukay ng celphone!!!! saan kayo dun???
Yung iba nga ay ginagawa kong pamato sa piko!!!)Sa bedroom, nakahiga ako at natutulog sa isang water bed na punong-puno ng mga basang pera, habang nag-iisip at namomroblema kung paano ko gagastusin at uubusin ang lahat ng kayamanan ko.
Well, ganoon talaga ako kayaman...
supah,supah yaman! Walang kasing yabang!! este yaman pala...Saka nga pala, hindi ko nabanggit. Sa isa pa palang bagay ako ay mayaman..
Mayaman din ako sa mga ilusyon!!!!
Oo... aaminin ko na. Miyembro nga ako ng tinatawag nilang FIL-AM community..
Pero naglevel- up na kami.
Naging FIL-I-AM..Feelingera-Ilusyunada-Ambisyosa!!! Hehehehe
Therefor I conclude... Isa akong prinsesa, prinsesa ng mga Ilusyunada,,,
jejejePagpasensyahan nyo na.. sa mga pangarap lang ako mayaman..
Sabi nga nila libre lang ang mangarap, kaya kung mangangarap ka rin lang
naman eh lubos-lubusin mo na!!! Kaya gawin mo ng one- to-sawa
ang pangangarap. So, sa bagay na totoong mayaman ako ay walang iba kundi sa pangalan ko..Pero hindi ko na babanggitin uli.. nakakapagod kasing sabihin sa haba ba naman ng pangalan ko.But.. you can call me Abbiejane for short....
at AJ for super-super short!!!! jejejeje...that's the NAME OF ALL SEASON!!!
*******
Don't forget to tap the ⭐...
BINABASA MO ANG
The adventure of a Princess👑...at Heart!💖
AdventureDear Charo, Ako po ay isang scavenger girl with BIG dream!!