Sumapit ang graduation namin.
Sad to say.. Babalik na naman ako sa probinsya after kong grumaduate sa elementary. Gipit na naman, Kaya para hindi ako mapatigil sa pag-aaral, at sa takot na rin ng parents ko na mahawa ako sa mga kababata ko na malabo na ang mga future, eh ginusto nila na pauwiin ako ng probinsya para mag aral ng high school.🏫
Tandang tanda ko talaga ang senaryo noong paakyat ako ng barko habang ang tingin ay nakatanaw kina nanay at tatay. Hinatid nila ako sa pier.
Halos hindi lang mga mata ko ang lumuluha, kundi pati ang ilong 👃 ko!
Naghalo na ang luha at sipon ko sa kakaiyak.
Ang bigat ng loob ko na umalis.
Sigurado akong mangungulila ako sa kanila.
Hindi ko alam kung hanggang kailan na naman ako sa probinsya.
Well, Nang dumating ako at nang magsimula na ang klase, ang tahimik ko.
Pero paglipas ng dalawang linggo.. Isa na naman ako sa mga maingay sa klase.. Sa chismisan at sa class discussion. Pero in terms of baon, ako ang pinakapulubi.
*******
Out of 22 sections ng first year, nasa 13th section ako..
Malapit na ang sara ng klase namin nang mamatay si Lola. Mother siya ni tatay. Kaya naman lahat ng anak ni Lola na nakatira sa Manila at nagsiuwian ng probinsiya.
One week na ang burol ni Lola nang sabihan ko si tatay na kailangan niyang pumunta ng school namin. Hindi naman nagtanong si tatay sakin kung bakit. Pero pakiramdam ko eh iniisip ni tatay na nakipag away ako o may problema ako sa pag aaral ko kaya kailangan niyang pumunta.
Tandang tanda ko, pangharabas na short ang suot ni tatay. Yung subrang faded na maong pants na pinutol above the knee na tinernuhan ng malinis pero pambahay na t-shirt.
Nang makarating kami sa quadrangle,
"Bakit maraming tao?" Ang bigla niyang tanong sakin ng makita nya ang siksikang tao sa corridor.
" Recognition day namin 'tay. First honor ako sa section namin." Ang nakangiting sagot ko.
Pero ang totoo, tanging ako lang ang may honor. Lahat kasi ng classmates ko ay hindi nakaabot sa cut off ng grade at lahat sila ay may subject na line of seven.
" Ay..Sana sinabi mo agad. Pumustura man lang ako ng mas maganda." Halatang nahihiya pero masayang sabi niya.
Nang tinawag na ang section namin, tinginan talaga samin ang mga tao lalo na kay tatay dahil sa pustura niya.
Somehow naconscious ako dahil nga sa suot ni tatay na damit at take note.... Nakachinilas lang siya. Pero nawala rin agad ang pakiramdam na yun dahil ang nakikita ko sa mukha ni tatay ay isang ama na super proud sa kanyang anak. Dagdagan pa nang pababa na kami sa stage ay narinig ko ang bulungan ng dalawang teacher say tabi.
"Mukang construction worker lang siya, pero napalaki niyang maayos at masikap sa pag aaral ang anak niya!.."
Napapangiti lang ako..
Nasabi ko nalang sa sarili ko,
'tay, 'nay, hindi ko man kayo kasama sa buong taon ko, alam ko, nandiyan lang kayo, nakasuporta sa akin..Para sa inyo Ang medalya ko!
Pagkabalik ng Manila nila tatay after ng burial ni Lola, grabe ang bida niya sakin sa kumpare niyang si Kayo-Rene...
***tbc***
Ohayo! Hello mga minamahal kong readers!!! Domou Arigatou Gozaimasu! Hindi niyo ko iniiwan,,, Love ko talaga kayo!!! Kitakits sa next chapter!!😘😘😘
BINABASA MO ANG
The adventure of a Princess👑...at Heart!💖
AbenteuerDear Charo, Ako po ay isang scavenger girl with BIG dream!!