Recognition day..
Grabe! Why life is so unfair?????
Walang top student samin???
May mga ribbon kami pero walang top?
As in top 1, top 2, top 3...
At ang award ko???
Most punctual!!!
Ako kasi palaging maaga sa klase kahit naturingang naglalakad Lang papuntang school.
Nauuna pa nga akong dumating kumpara sa mga construction workers sa school. Under construction kasi ang isang building namin.
Matataas ang mga scores ko at nagrerecite din ako, plus ginawa pa akong utusan /errand / messanger ni maam tapos walang top?... Hay...
Sige na nga!...Ipagpapasalamat ko nalang ang ribbon kong " Most Punctual"😑😑😑 Kahit kami pa ang nagbayad kay ma'am ng dose pesos para sa ribbon!!!😒😒😒
Pero kahit badtrip ang recognition, may pambawi naman.
Uuwi na ako sa Pasig ngayong Summer. Doon na ako mag gi-grade 6...Yepey!!!!
Sa totoo lang, Kung si Tita Mayang lang masusunod, masgusto niyang dito nalang ako sa kanya. Siguradong makakatapos raw ako ng pag aaral. Kaya lang, talagang miss na miss ko sina nanay at tatay kaya hindi na mababago ang desisyon kong umuwi.
*******
Oy! Maitim itim na ang tubig! Siguradong malapit na ako ng Maynila!😂😆😜
Nasa byahe na ako sakay ng barko.
Palatandaan ko ang maitim itim na tubig kung malapit na sa Port of Manila.
Honestly...na miss ko rin ang polluted water na iyan. Ang tubig ng ilog Pasig! Ang maitim na hangin at Atmosphere ng buong Metro Manila, ang naglilipanang mga basura at kahit hindi man ako nasanay magmura... namiss ko rin ang mga malulutong na mura ng mga taong kalye, mapa bata o matanda man. Mga sign iyon na nasa Metro Manila nako!!! Yepey!!!
Parang gusto ko ng liparin nang makatungtong nako ng lupang kinalakihan ko.
*******
Pagdating ko ng purok namin...
" AJ! Ikaw ba 'yan? Grabe ah! Di ka na madungis! Mukang tao ka na ha! Asensado!." Ang sabi agad ni Jonna nang makita ako.
Yun!... Marungis pa rin ang beauty niya..
" Grabe ka naman Pakner!.. Nakaligo lang ako ng maraming beses kaya tumino ang itsura ko. Kaya ikaw, maligo ka rin ng maraming beses at maghilod, sigurado level up ang beauty mo! " Ang sagot ko sa kanya.
"Sige, susubukan ko! Teka lang, pasalubong nga pala?"
" Naman! 'kaw pa, makalimutan ko? Eto barquillos".
Ang dami namin napag usapan.
Masdumami pa raw ang mga kababata naming naging rugby boy at hindi na raw basta namamasura, dumedikwat pa ng mga gamit. In short, mga kampon ni Lupin the THIRD...mga magnanakaw!..
Karamihan din sa kanila ay tuluyan ng tumigil sa pag aaral. Sa Jonna na dapat grade 5 na sa pasukan ay balik grade 3 parin for the third time.
Kawawang pakner ko! Nasasayangan ako sa kanya.😞
***tbc***
Stay tuned my dear readers...
Again, thank you so much! Don't forget to tap the ⭐...Muah😘Muah😘
BINABASA MO ANG
The adventure of a Princess👑...at Heart!💖
AdventureDear Charo, Ako po ay isang scavenger girl with BIG dream!!