The Rugby boys!!!

13 2 0
                                    


Summer..

Gipit raw. Iyan ang sabi ni tatay. Mahina daw ang benta ng gulay sa Pasig palengke at Nipa Q Mart. Nagsusupply kasi kami ng tanim naming gulay sa ilang tindera sa dalawang nabanggit na palengke.

Parating na ang pasukan. Kailangan na namin ni kuya magpaenrol. Turning grade 2 nako at grade 6 naman si kuya Botchik.

" AJ anak, dating gawi tayo. Sumunod ka lang kung saan pipila si Maura tapos gayahin mo kung ano gagawin niya. Ito yung card mo at pang down mo sa tuition." Instruction sakin ni tatay at binigyan ako ng 200 hundred pesos.

So gaya nga nung nakaraang taon, ako ang nagpaenroll sa sarili ko. Ginagaya ko lang si aling Maura kung saan siya pupunta at kapag nagbayad nako ay manghihingi ako ng resibo.

Sabi ni tatay dapat daw matuto na kami. Para pagdating na araw, sakaling mawala raw sila ni nanay at kaya na namin ang mga sarili namin. At ang isa sa pinakamahalagang natutunan ko kay tatay, Marunong ang nagtatanong. Pag di Alam, magtanong. Kamangmangan daw kung hindi mo alam ang isang bagay at magmamarunong ka. Kaya matutong magtanong.

Bago matapos ang summer, dapat ng sulitin. Pangapitbahay dito at pangapitbahay doon.

Kapag wala sina tatay at nanay ay nangangapitbahay ako sa iba pang mga kalaro at kababata ko, bukod kina Belmin at Gino.

Pero kapag nandiyan ang mga magulang ko, especially si tatay ay hindi ako pwedeng makita na kasama ko sila. Bakit? Bukod kina Belmin at Gino, lahat ng kalaro at kababata ko ay halos pariwala na ang mga buhay.

Ok na sana kahit basurera at basurero kasi marangal naman yun. Ang kaso karamihan sa mga kababata kong lalaki at mga rugby boys at ang mga kababata kong babae eh kinakikitaan ng maagang paglandi.

Hindi naman kataka-taka yun, Hindi kasi sila kakikitaan ng pagpapahalaga sa pag-aaral. Balewala rin naman sa mga magulang nila kasi parang Ok lang sa kanila na ganoon na ang set up ng mga anak nila. Yung iba kasi sa kanila eh lulong din sa bato.

Minsan natatimingan ko ang mga kababata ko sa likod bahay nila na nagrarugby session.

Hanggang tingin lang naman ako sa kanila at never akong nagtry. Takot ako sa tatay ko at higit sa lahat ay hindi ko kayang idisappoint si tatay. Naiisip ko palang na madidisappoint si tatay sakin eh nalulungkot nako.

Isang beses nga nasa likod-bahay kami. Apat na mga kababata kong lalaki ang nagrarugby session habang kami naman ng mga kababata kong babae ay naglalaro ng tinda-tindahan.Mga bunga ng alugbati na niluluto kunwari at mga hiniwa-hiwang dahon.

" Ano ba nararamdaman nyo Dabo kapag sabog na kayo? Masarap ba talaga sa pakiramdam?" Ang nakucurious kong tanong habang naghihiwa ng dahon.

" Ang feeling?....Masarap! Kapag high na kami, pakiramdam namin ay nakalutang na kami. Kapag naglalakad, pakiramdam ko Hindi na sumasayad sa lupa ang mga paa ko. Tapos yung noo ko, may mga linya na iba't-ibang kulay at umiilaw. Nakakapagsulat din kami sa ulap."

"Talaga? Amazing!" Ang sabi ko ." Eh ikaw Estong, ano naman pakiramdam mo?"

" Shempre masarap din. Lalo na kapag sabog nako at ipipikit ko mata ko? Heaven! Parang dinuduyan ako sa hangin. Tapos parang naririnig kong nagsasalita yung mga aso."

" Edi wow!"..

***tbc***

I just want to say thank you to all of my readers. Kahit konte lang kayo, pinapasaya niyo ko!😂😭.. thank you! Thank you talaga!!! Muah!😘Muah!😘...

The adventure of a Princess👑...at Heart!💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon