Mga uto-uto!!!

14 2 0
                                    

Grade 1...

Kung may pasok sa eskwela ay hindi ko kasama si Jonna.

Guess why? Not to brag pero sa private school kami ni kuya nag-aaral.

100 pesos ang monthly tuition namin. Malaking halaga na ang 100 pesos para sa amin.

So kahit mga basurera lang kami, masgusto nila fatherdear at ni motherdear na sa private kami mag-school,kasi dito sa lugar namin eh mas maganda raw ang pagtuturo sa private compare sa public. Kaya super kayod din ang tatay at nanay namin.

Aside sa pangangalahig, nagtatanim din kami ng talbos ng kamote, kangkong, alugbati at ampalaya sa likod-bahay. Malapad na lupa na hindi pinapansin ng gobyerno. Dating ricefield na tabi ng ilog-Pasig.

Kung kasipagan lang, pwedeng inominate pareho  ang tatay at nanay namin sa
Most outstanding KKK Award!
( Kapwa Kayod-Kalabaw).

So kung may pasok, si Gino at Belmin ang kasama ko. Mga kaklase ko sila. Magpinsan silang dalawa. Minsan kapag walang pasok at hindi ako nangangalahig ng basura, ay nakikipaglaro ako sa kanilang dalawa sa likod-bahay nila Gino.

Grade 1 pa lang kami ay crush na namin ni Gino ang isa't- isa.

Super Puppy love Kung baga...

Madalas kaming maglaro ng kasal-kasalan at si Belmin ang babae naming pari.
At Oo, mayroon din kaming
Kiss the bride! As in Kiss!!!

Shempre hindi naman talaga big deal samin ang kiss kaya kapag sinabi ni Belmin na "kiss the bride" eh kiss naman kaming dalawa ni Gino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Shempre hindi naman talaga big deal samin ang kiss kaya kapag sinabi ni Belmin na "kiss the bride" eh kiss naman kaming dalawa ni Gino.

Tapos may kunwaring  reception din kami na ang tanging tao lang ay kami ring tatlo ni Gino at Belmin at ang handa ay isang platong sweet corn na chichirya na paghahatian naming tatlo.

And then one time habang nagkakasalan kami, ay nadaanan kami ni Elmer na kapwa basurero  ko rin. Masmatanda siya sa amin ng apat na taon. Talagang sa  "kiss the bride portion" pa talaga siya chumempo.

" Hala kayo Gino... Isusumbong ko kayo sa nanay mo..marunong na kayo niyan?.." Ang banta niya samin.

Kinabahan naman kami ni Gino sa takot na mapagalitan ng nanay niyang si Aling Maura.

" Huwag! Huwag!.. huwag mo kaming isumbong.." Ang magkasabay pa naming pagmamakaawa kay Elmer..

" Oh sige nga.. para hindi ko kayo isumbong sa nanay mo Gino, kiss nga uli kayo.."

At dahil mga paslit pa talaga kami....Sadyang mga uto-uto ang labas namin..

Kiss naman kami agad ni Gino.

"Sandali lang, napuwing ako.. Isa pa nga! Hindi ko nakita eh!"

Kiss tuloy uli kami...

Hay..mga uto-uto talaga.😓😓😤😤

*******

The adventure of a Princess👑...at Heart!💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon