*******
" Nako ma'am, bakit naman po ninyo pinapapasok si AJ ng walang panty?.." Ang tanong/sermon ng adviser namin na si Mrs Reyesa nang pinatawag si Nanay.
Napapakamot na lang ng kilay si nanay. Aminado kasi siya na hindi niya kami napaglalaanan ng maraming oras dahil sa paghahanap ng pagkakakitaan at maintindihan ko naman iyon.
" Sana naman hindi na maulit ma'am ha? Nako pinagtawanan siya ng mga kaklase niya."
"Pasensya na talaga Ma'am Reyesa, maaga pa kasi kami ng asawa ko umaalis ng bahay. Hayaan niyo hindi na maulit ma'am."
" Mabuti naman, pero hindi talaga iyon ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag. Tungkol ito sa performance ni AJ sa klase. Mabait po siyang bata at napakagalang pero medyo mahina po siya sa pagbibilang at pagbabasa. I suggest na aside sa remedial class, magkaroon kayo ng study session o follow up sa bahay. " Magalang na Sabi ni ma'am kay nanay.
*******
Pagdating sa bahay ay best in story telling si nanay kay tatay.. So tatay made a deal..
" Iyang sampong pisong baon mo ay.."
" Limang piso lang kaya baon ko!?" Ang singit ko kay tatay.
"Ok, ok, so iyang limang pisong baon mo ay dodoblehin natin, magiging sampo kapag nagkaroon ka ng honor."Ang sabi ni tatay.
What a motivation!!! Kaching!!!
Nag-i-spark talaga ang mata ko." Basta para maging honor student ka, magtaas ka lang ng magtaas ng kamay."
Ang advise ni tatay.Ok, magtaas ng mataas ng kamay. Madali lang iyon!
*******
Grade 1- C. English class.
" Ok class, today we're going to spell different animals." Sabi ni maam. Nakatayo siya banda sa gitna.
" Can you guess what animal is this?.. Meow..meow.."
"Ma'am! Ma'am! Ma'am!" Chorus na tawag namin kay maam habang nakataas ang mga kamay.
Tinawag ni ma'am si Abigail.
" Cat!" Ang sagot niya.
" Can you spell the cat on the board?"
Ang tanong ni ma'am at iniabot Kay Abigail ang chalk.Pumunta si Abigail sa harap at isinulat ang spelling ng cat sa black board. At naisulat naman ni ' bigail ng tama.
"Very good, Abigail!"
" Ok class, how about this one.. Arf! Arf!"
Magtaas ka lang ng magtaas ng kamay..
Parang maliit na boses ni tatay ang bumubulong sa utak ko.Tinaasan ko talaga ang pagtaas na akala mo ay lastik man na ang kamay ko sa pagkaunat.
" Ok AJ!"
" Dog!" Ang confident kong sabi.
" Correct! Ok AJ, please write it on the board."
Kinuha ko ang chalk kay ma'am. But as I walk to the board, kinabahan ako.
Hindi ko alam ng spelling ng dog!! Bakit ba naimbento ang word na yun?
Pagdating sa pisara, ang tagal kong nag-isip, ano ba ang spelling nun???
Ilang sandali pa,
" AJ, are you done?" Tanong ni ma'am.
" Yyyess maam." Ang sabi ko habang tinatakpan ko ang isinulat ko sa board.
"Ok, can we see it?"
Dahan-dahan ko kinuha ang kamay ko sa pagkakatakip sa board.
Nang makita ng mga kaklase ko ang sagot ko ay nagtawanan sila.
ASO
Pati si ma'am ay napangiti.
" Bakit aso ang isinulat mo?"
" Eh hindi ko alam ma'am ang spelling ng dog kaya aso nalang, pareho lang naman yun eh." Napangiti pa lalo si maam, halatang nagpipigil na huwag tumawa.
" Ok AJ, nice try. I'm happy na nagtataas ka na ng kamay mo."
Nakita kong nagtaas ng kamay si Richard.
" Ok Richard, please help AJ."
Masaya namang nagpunta sa board si Richard at isinulat ang tamang spelling ng dog.
" Very good Richard!"
Oh my Richard! You're my hero!
*******
Nang mga susunod na mga araw, kapag recess time, kinakausap ko ang manila paper chart namin ng ABAKADA. Kinacareer ko talaga ang pag-aaral na bumasa. Halos magbestfriend na nga kami ng chart.
Sa pagbibilang naman pati sa addition at substraction, tinulungan at tinuturuan ako ni Richard.
He's so nice talaga! Ano ka ba Richard? Touch na touch ako! Charot!
Grade 1 palang, pakilig-kilig ng nalalaman?
After ng school year, guess what?
Third honor ME!!!!
Super proud talaga sakin si tatay at si nanay. Pagkaannounce ni Ma'am Reyesa na third honor ako, sa subrang saya at proud ni tatay ay pinadalhan niya si ma'am ng limang malalaking bundle ng talbos ng kamote at lima rin sa kangkong.
Ilang araw kaya kinonsomo yun ni ma'am?
At bago dumating ang recognition day, bagong bestida, sapatos at bag ang natanggap ko galing sa mga magulang ko.
Pero alin ang mas masaya?...
Sa araw ng recognition, sinabi ni Richard na crush niya rin ako!!! Omaygad!!!!
Kilig is real!!!😍👍
*******
BINABASA MO ANG
The adventure of a Princess👑...at Heart!💖
AbenteuerDear Charo, Ako po ay isang scavenger girl with BIG dream!!