The memorable 80

10 2 0
                                    


Ang chapter na ito ay rated SDA( Super Disiplina Ako!)

Maaaring may maseselang tema, lengwahe, karahasan na di angkop sa mga bata.

*******

Habang lumalaki ako, lumaki akong gala. Pero sa purok lang naman namin ako nag-iikot. Naghahanap ng makakalaro. Ang problema , kapag nalilibang na sa paglalaro ay hindi nako nakakaalala ng oras ng pagkain.

Minsan, umuuwi ako ng bahay eh alas tres na ng hapon. Nalipasan nako ng gutom. Ok lang naman sabi ni tatay na gumala, kasi part raw yun ng paglaki, nakakadagdag raw yun ng experience at kaalaman. Hindi lang daw maganda kung nakakalimutan na ang pagkain.

Kaya nagset si tatay ng rule!

Papayagan niya ko kahit saan pa akong lupalop makarating sa kagagala,kahit sa outer space pa eh Ok lang. Basta kung oras ng pagkain,dapat nasa bahay ako. Breakfast, lunch at dinner. By 9pm eh dapat nasa bahay nako. Yun ang curfew ko.

Anong tuwa ko! Imagine kahit saan ako makarating, ok lang?

Kinabukasan nangapitbahay ako kina Gino at Belmin. Nakalimutan kong umuwi ng tanghalian. Paano? Isa kasi sa kalaro ko si Gino, eh crush ko nga yun di ba kaya libang na libang ko.

Nakaalaala ako hapon na, Kaya pagdating ng bahay pinalo ako. Pero shempre pinakain muna ako ni tatay bago ako pinalo. Habang pinapalo ako ay pinapabilang sakin ni tatay. Kapag hindi ko binilang orally eh hindi matatapos si tatay sa pagpalo sakin. See? Gumagaling ako sa pagcount habang pinapalo ako ni tatay!

Nagsimula kami sa sampong palo. Lima sa kamay at lima sa paa. Kapag inulit ko raw ay madodoble.

Makakalimutin talaga ako lalo na kapag libang na libang nako sa kakalaro. Kaya ang sampong palo ay nadoble ng nadoble. Naging benteng palo na. Sampo sa kamay at sampo sa paa.

At wala pa talaga akong kadalaan, naging kuwarenta na. Bente sa kamay at bente sa paa.

Grabe! Nadala na talaga ako. Hindi ko na nga mabilang ang mga latay sa mga paa at kamay ko dahil nagkapatong-patong na sila.

Pero hindi ko naman magawang magtanim ng sama ng loob kay tatay kasi ako ang nagbebreak ng rule. Hindi naman niya ako pinapalo ng walang dahilan.

Isang araw ay niyaya ako ng pinsan ko na pumunta sa ilog. Isang kilometro ang layo ng Pasig river samin. Sabi ni Kuya Pikoy ay mangunguha raw kami ng tulya.

Pagdating sa ilog.... naging abala lang naman kami sa swimming and diving!!!

Wala akong relo pero masasabi ko Kung tanghali na depende kung gaano na katirik ang araw.

" Kuya Pikoy, uwi na tayo. Papaluin ako ni tatay kapag hindi ako nakauwi ng tanghalian." Ang sabi ko sa pinsan ko.

Imagine, 80 na na palo ang isasalubong sakin ni tatay kapag nagkataon. How scary?!😲😲😲

" Huwag kang mag-alala, ako bahala kay angkol Jack!" Ang simpleng sagot ni kuya.

Sumapit ang hapon, nagsimula na kami ni kuya Pikoy maglakad pauwi. Nauuna ako sa paglalakad, parang gusto ko na ngang lumipad sa bilis ng lakad ko.

Nang isang kanto na lang ang layo namin sa bahay, pag lingon ko kay kuya ay wala na siya sa likod ko.

I'm DEAD!!! Super dead!

Pagdating sa bahay,

" Oh, kumain ka muna." Ang casual na sabi ni tatay.

Grabe! Hindi pa ako pinapalo, parang naiiyak nako. Imagine? Otsentang palo! 80 is 80!
Tandang tanda ko talaga ang inulam ko nang hapon na iyon, Ginataang Langka!.

Super bagal ng subo ko ng pagkain para idelay ang palo ni tatay.

Nang matapos nakong kumain ay pinapwesto nako ni tatay sa pinakaibaba ng hagdan.

At nagsimula na ang fiesta! Fiesta ng palo!

Kuwarenta sa kamay at kuwarenta sa paa.

Habang pinapalo ako ni tatay ay nanonood lang si nanay sa amin.

" Hindi ka kasi sumusunod sa rule AJ eh!" Ang naluluhang sabi ni nanay. Naaawa siya sakin kaso wala siyang magawa kasi kasalanan ko.

After ng 80... Tatlong araw akong hindi nakalakad at nakahawak ng kutsara. Paano ba naman kasi, magang maga ang mga paa at kamay ko. Tatlong araw akong nakaupo lang habang nanonood ng tv at sinusubuan ni nanay kung oras ng pagkain.

Aba! Buhay prinsesa!

Mabait si tatay. Pero ayaw niya kaming lumaki ng hindi disiplinado at laki sa layaw at naintindihan ko naman iyon.

Pero pagkatapos ng 80, Hindi na talaga ako umulit. Baka kasi kapag naging 160 na eh maputulan nako ng paa at kamay!!😜

***tbc***

The adventure of a Princess👑...at Heart!💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon