Ereto pa more!!!!

5 1 0
                                    

Second year high school, katulad last year ay ako lang rin ang may honor sa section namin. Super proud uli si tatay ng malaman niyang may honor uli ako.

Kaya naman ng nalaman niyang may honor ako ay dali-dali siyang umuwi ng province para umattend ng recognition day. Then nagstay si tatay for half year para makasama ako.

*******

Third year high school.

During ng stay ni tatay ay namasada siya ng tricycle. Ang tanging ruta niya ay mula sa village namin papunta ng school 🏫 na pinapasukan ko. Tuwing uwian sa hapon ay kay tatay kami sumasakay ng best friend  kong babae na si Shimmer. Maputi siya at medyo chubby. Samantalang ako, slim na morena.

Then an incident happened. Si tatay mismo ang nagkwento sakin isang linggo pagkatapos mangyari nun.

Isang hapon ay inimik daw siya ng binatilyong regular pasahero niya. Ka batch ko raw.

Habang naghihintay silang mapuno ang tricycle ay sinabihan daw siya ng,

" Manong, nakikita nyo po ba yang bumababa sa gate? Yung may kasamang chubby? Maganda noh?" Nakangiting sabi nito kay tatay na ako ang tinutukoy. Hindi alam ng binatilyo na anak ako ng driver na kausap niya.😂😜

Shempre loyal naman sa anak si tatay kaya naman sumagot siya ng,

" Shempre. Ang ganda niya! Bakit di mo ligawan?" Suwesiyon pa ni tatay.

" Takot ako eh, baka mabasted ako" pakamot-kamot pa ng ulo.

" Mukha namang mabait eh" singit parin ni tatay.

" Alam mo Manong, taga doon din yan sa village, kaso sa ibang block lang. Don't worry Manong, malay mo next na mga sakay ko sa tricycle mo eh kami na!?"

" Sige tignan natin." Sagot ni tatay pero deep inside eh tawang tawa na siya.

Ako naman eh ugali kong kumaway na kay tatay kahit malayo pa ako.

"Hi 'tay! Dito na kami ni Shimmer. Pameryenda ka naman. Nakakagutom ang klase eh" Ang sabi ko sa tatay ko pagkasakay namin ng tricycle.

Inabutan ako ni tatay ng bente.

"Thank you, Paert!" Ang sabi ko.

Babaan naman kami ni Shimmer at tumakbo papunta sa nagbebenta ng tokneneng at palamig.

Sa kabilang palad, nilingon ni tatay ang binatilyo na nakaupo sa likod niya.

Patay malisya lang daw kunwari pero halatang pinamumulahan na ng mukha.

Kung pwede lang siguro siyang mawala na parang bula o matunaw eh baka nangyari na.

Nang mga sumunod na araw eh hindi na sumakay ang binatilyo kay tatay, marahil eh nahiya na siya.

Itinuro sakin ni tatay yung binatilyo. Well..may itsura siya. Moreno rin at makinis ang mukha. Kaso sa totoo lang, Hindi ko siya type. Ayaw ko ng biglang tumutupi agad..

*******

Next reto ni tatay sakin eh kay Goring!

Isa siyang binata na naglalako ng tinapay tuwing hapon at sumisigaw ng,

"Tiiiiinaaaapaaaay!!!"

Hindi naman sa mapintas ako, o dinadowngrade ko siya, idedescribe ko lang siya.

Dry ang buhok niya na kulay gold na hindi bagay sa balat niyang dry rin at sunog sa araw. Meron ding kulay itim sa isang front tooth niya. At ang kuko niya sa paa ay parang pwede nang taniman ng kamote. Ang daming dumi. Parang hindi siya naghuhugas ng paa. Tapos kapag ngumingiti siya sakin ay parang paninindigan ako ng balahibo dahil makikita mong ang kapal ng tartar niya sa ngipin na halatang hindi nagtotoothbrush!!!

See? Naimagine nyo ba?

Tapos sabi ni tatay sakin,

"Kay Goring ka na lang kasi! Ayaw mo nun, hindi ka magugutom! Marami siyang tinapay!"

"Ew... Tatay naman eh! Imbes ireto mo ako sa de kotse, sa mayaman o kahit gwapo nalang... Ok sana kung siya may ari ng bakery eh tagalako lang naman siya. Kung mga katulad lang naman niya ang manonobyo ko eh, huwag nalang! Masaya na akong si Shimmer ang kadate ko."

Ngingiti ngiti lang si tatay sakin.

Hay nako!!!

Late ko na naiintindihan kung bakit inerereto ako ni tatay kung kani kanino lang kasi para mawalan ako ng gana sa pagboboyfriend at pagtuunan ko muna ang pag-aaral ko.!!!

Ok ka 'tay!

***tbc***

😘😂😍

The adventure of a Princess👑...at Heart!💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon