How to kill your self...slowly!!!

10 1 0
                                    

*******

Before I start with my college life, short update muna during my last year in highschool.

Umattend ako ng high school graduation namin na ako lang. Hindi nakauwi sina nanay at tatay dahil walang pamasahe. Pero ok lang, bawi na lang sila kapag grumaduate nako ng college.

*******

First year of my college...IT course.

I think this chapter is my greatest downfall...

Unang tamis...Unang lagapak..
Aside from that...... Ang hirap ng college!! Jujuju😫😖😥

Sideline dito, sideline doon.
Pustahan dito, pusta doon.
Extra kayod dito at doon.. para lang may dagdag allowance para sa mga projects, performance o pangphoto copies of lessons.

Sa 7 pesos na baon na hindi man naglevel up mula noong grade 5 ako under kay Tiya Mayang. Hay.... Talagang kailangan ko ng extra kita.

Napunta ako sa section na 2/3 ng population ay lalaki at 1/3 na population ay babae. Mga pinagsama samang tamad, puro kalokohan, pagpapaganda at inarte ang nalalaman, maliban sa dalawang buddies ko na sina Jamie at Rima na nagkataong magpinsan.

But I preferred to look on the bright side...

Dahil mga tamad sila, makakapagbenta ako ng mga output sa kanila.

Halimbawa nalang sa subject naming drawing. Sa bawat plate performance namin ay gumagawa ako ng sampu hanggang benteng piraso at ibinebenta ko tig limang piso bawat isa. Binablangkuhan ko lang ang pangalan.

Actually marami akong suki. Gandang ganda naman sila sa gawa ko... Aba! Ako yata ang best plate palagi samin.😉

Yun nga lang.... puyat ako palagi sa kakagawa ng plate.

Minsan, gumagawa rin ako ng project ng iba at in return ay sila ang gagastos sa project ko.

Kung minsan, kapag naghihintay kami para sa susunod na subject ay nagkakayayaan sa pustahan.

At kapag nayaya, wala akong pustahan na inaatrasan... Dagdag delihensya rin kasi.

Tulad na lang sa paunahan sa pag ubos ng shake. Yung jumbo size!

Well.. sa natatandaan ko, hindi pa ako natalo. Kalaban ko ang ilang lalaki  at isang matabang babaeng kaklase.

Pero kapalit ng ng pagiging panalo sa pustahan.... Bonggang bongang pagtitiis sa Brain freeze!!!

HAY!!! ANG HIRAP TALAGANG KUMITA NG PERA!!!

Feeling restless madalas.

But finally... 

Nameet ko ang crush ko na crush din ako!

Si Macho!!! Hindi niya yun totoong pangalan.  Yun lang ang kompil ko sa kanya. Gwapo siya at maporma. Pagdating sa edad ay masmatanda siya ng dalawang taon. Masmatured kung baga. Kaklase ko siya at kapitbahay nila Rima at Jamie.

Ewan ko nga kung ano nagustuhan ni Macho sakin. Hindi kasi ako marunong mag ayos. Malinis naman ako sa katawan pero hindi rin ako mapustura. Ni hindi nga ako nagpupulbos. Ni pati kilay ko ay hindi pa nakatikim ng ahit o bunot.

Sadyang malakas lang ako sa klase, kwela at magaling makisama sa mga kaklase. Yung tipong best friend ng lahat.

Baka yun nga ang dahilan bakit niya ako nagustuhan.

Tingin ko talaga inlababo na ako.
As in, in love na in love!!!

Super saya ko nung naging kami. Siguro dahil  isip bata pa ako at first time ko maligawan...Hindi nako nagpahard to get.. sinagot ko siya agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The adventure of a Princess👑...at Heart!💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon