Childhood Scenario...

21 2 0
                                    

*******
Throwback (21 years ago)
******
Sa isang squatters area...

" Jonna, dadaan na maya-maya ang truck, ihanda mo na yung mga sako at paltok." Sabi ko sa anim na taong gulang na kaibigan ko habang ngumunguya ng bopis. Iyon ang tawag namin sa baga ng baka na nakatuhog at prinito.

Nakaupo kami sa itaas ng drum. Mas matanda ako ng isang taon sa kay Jonna.

" Anong tawag diyan sa nasa ibaba, AJ? Tingin din kasi sa tabi-tabi.."

Yumuko ako sa tinutukoy ni Jonna. Nakahanda na nga ang mga dadalhin namin sa pangangalahig ng basura.

"Sorry naman Pakner! Oh eto, bopis! Peace, Pak, peace!" Ang sabi ko nalang sa kanya. Siya ang palagi kong kasama, sa gala o pangangalakal.

Mga batang yagit kami. Maskilala bilang mga basurera. Malapit sa dumpsite ang purok namin at karamihan sa amin ay pamamasura na ang ikinabubuhay.

Hanggang sa narinig na namin ni Jonna ang tunog ng parating na dumptruck.

Nagtalunan na kami ni Jonna sa kinauupuan namin at dampot ng kanya-kanyang sako at paltok.

Inumpisahan na namin ang takbo na parang nagmamarathon at nang halos katapat na namin ang truck ay nagsikabit na kami at akyat sa hagdan na nasa bandang gilid ng truck, deretso sa itaas at nagsimula na kami sa paghahalukay ng basura. Maghanap ng mga bagay na para sa amin ay kayaman.

Ganito ang karaniwang senaryo sa lugar namin. Hindi pa dumarating ang truck sa patutunguan nito ay nag uunahan na para makakuha ng kalakal. Grabe kasi ang kompetisyon.

Mabaho, marumi at nakakadiri! Iyan ang kadalasang paglalarawan sa trabaho namin.

Kaming mga namulat sa kahirapan ay hindi na alintana ang dumi at baho. Mamamatay ka sa gutom kapag nag-inarte ka. Mga immune na nga kami sa dumi..

Pagdating sa destinasyon, magtatalunan nalang kami pababa ng truck. Wala ng sabi-sabi o warning-warning ang driver o paynante ng truck basta nalang magdadump ng basura. Kung di ka tatalon ay masasama ka at matatambakan ka ng mga basurang dinadump.

Pagkatapos ng ilang oras na halukayan ay maglalakad na kami pabalik sa purok namin at magpipili ng kalakal and then deretso sa junkshop para magpatimbang.

Kung walang tapon ng basura, naglalabas naman kami ng bike sa gabi para mangalakal ng basura.

Bakit gabi? Yun kasi ang oras kung kelan naglalabas ng basura mga business establishment. At yun din ang oras kung kelan maraming kayamanan kaming makikita.

Kadalasan sa mga fast-food, gasolinahan o factory ang destinasyon namin. Mula sa purok namin, makikita kaming pumapadyak ng bike with sidecar, dala ang mga sako at paltok, sa mga kalye mula sa barangay namin sa Pasig papuntang Ortigas, sa Mandaluyong, sa Ugong, Pateros, at minsan sa ilang lugar sa Rizal. Kung hanggang saan ang kaya naming abutin makakita lang ng kalakal.

Kadalasan, madaling araw na ang uwi namin. Kung hindi na kaya ng mga powers namin dahil sa antok at pagod, tatabi sa isang gilid ng kalsada at maglalatag ng karton o pupwesto sa ibabaw ng mga kalakal at presto!... Instant bedtime na!
At magpapadyak nalang uli kapag nagising na.

Aside sa kalakal, kapag umuuwi kami, kung hindi yuping mga pizza o doughnut, may dala kaming mga malalaking pack ng Milo na akala mo ay mga hallowblock o bato sa tigas dahil mga sumingaw na, kung hindi naman ay mga de lata na itinapon dahil nayupi pero pwede pa namang kainin o di naman ay mga de lata na kakaexpire palang. Kadalasan, iyon ang mga pinapapak namin habang nanonood ng tv pagkatapos magpatimbang sa junkshop. Iyon ang equivalent sa amin ng sine at popcorn!

Pero ang pinakapaborito ko ay ang Korogkog!! Ito ay maskilala sa tawag na pagpag. Ito ay mga tira-tirang pagkain na itinapon na sa basurahan. The best example....Chicken joy.

Hinahalungkat namin sa basura na inilalabas ng Jollibee ang mga manok na pwede pa. Pagdating sa bahay ay ipapagpag, huhugasan at piprituhin.
And tada!... May instant viand na kami! Iyan din ang kadalasang pulutan ng mga manginginom sa amin lalo na kung walang asosena o kinatay na aw-aw! (dog).

Kapag walang kita o pang ulam eh walang problema, magtitimpla ng kape at may instant sabaw ka na sa kanin.

takenote: kape at asukal lang yun, di pa kasi masyadong uso ang creamer noon o yung 3 in 1.

Sa meryenda naman, shempre sosyal din kami kung minsan. Kapag nakakauwi kami ng mga garapon ng mayonnaise na may tira pang laman o di naman ay bote ng ketchup, minsan ay mga tirang jam o cheesewiz.... may instant sandwich spread na kami!

Maraming pagpipilian!

Pandeleche + tirang ketchup
pandesal + tirang mayo
Pandeleche + tirang jam
pandesal + tirang cheesewiz

See... may SAUCY SANDWICH na kami!

The adventure of a Princess👑...at Heart!💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon