Quiz: Kumikitang kabuhayan..

12 2 0
                                    


*******

Konnichiwa! Thanks everyone sa walang sawang pagsubaybay! Kahit konte lang kayo, you still makes me happy!!!
😄😉😘 Totemo Arigato!

*******


Talkative..

Sa recitation man o chismis... Yan ako sa klase.

Tabingi man ako magsalita ng Hiligaynon pero nakakacatch up ako. Not to brag pero kahit transferee ako, tumatakbo akong pangalawa sa may mataas na mga grades sa klase. (Yung pinakamatalino  kasi eh pamangkin ni ma'am, Kaya no question!!!

Pero may  isang problema, walang laman halos ang mga notebooks ko.

In short, Tamad magsulat!

Yun ang dahilan bakit active ako sa class discussion. Mas pumapasok at natatandaan ko ang lesson kapag nagpaparticipate ako. Kahit di nako magreview before mag quiz  ay walang problema kasi naaalala ko ang ang diniscuss sa klase. At kung need ko talaga ng notes...no probs at all!

May secretary ako! Yung katabi ko na lagi kong pinapakopya. Siya ang nagsusulat ng mga notes at ako ang nagrereview. Mas gusto ko kasing ako ang kinokopyahan kaysa ako ang nangongopya.

Sa isang linggo, madalas kami magkaroon ng quiz.. At huli ko na napag-isip-isip ang dahilan bakit halos araw araw kaming nag kuquiz...

Karamihan kasi sa amin ay walang papel. Umaasa lang sa kalabit-penge sa katabi.

Tapos, pinagbawalan kami ni ma'am na bawal manghingi o mamigay ng papel dahil may minus daw sa score.

So ang ending, bumibili kami kay ma'am ng papel kasi nagtitinda siya nun. Edi kumikitang kabuhayan ni ma'am ang quiz!!! So bago mag test, box office ang pila namin sa table nya para bumili. Edi sheng!!!😮😑😶

So kung araw-araw kaming may quiz, araw-araw din may benta si ma'am!! Wala ako ma say!!!😒😒😒

Pero may pambawi naman...  Siete pesos lang ang baon ko at kasama na doon ang limang pisong pamasahe. Kaya naman kulang na kulang ako, so kailangan ko ng sideline!

Sa mga gustong mangopya sakin(except sa secretary ko) ay pinagbebentahan ko sila ng sagot. Piso bawat item...so sa 10-item quiz sa bawat kaklase ko ay may sampung piso nako! At kapag sampu silang nangopya sakin, 10 x 10.....kaching!!!!! May 100 pesos nako!!! Hay...ingat lang huwag mahuli ni ma'am...

Ganun din sa assignment. Nagbebenta ako ng assignment at sila nalang bahala maglagay ng pangalan.

Minsan kapag walang pambayad ang nangongopya sakin, sinasama nalang nila ako sa ulam na baon nila para sa tanghalian...

Minsan kung walang kita mula sa mga kaklase ko, may other way parin...

Inuutusan ako ni ma'am na bumili ng diaper ng anak niya sa palengke. Paglabas mo lang kasi ng school namin ay palengke na. Kalsada lang ng pagitan. Pagbalik ko after ko bumili ng pinapabili ni ma'am, bibigyan niya ako ng bayad sa serbisyo ko sa kanya.

Hay!... Kailangan kong magsideline... Para makasurvive..Kinukulang kasi ako sa baon. Pero ayaw ko namang magreklamo. Kabastusan kasi yun para sakin. Mabait si Tiya Mayang kaya lang kuripot!!! But I love her!!! Isa siya sa pinakamabait na tao na nakilala ko..

***tbc***

Stay tuned! Muah!😘 Muah! 😘
Mata aimasyou!

The adventure of a Princess👑...at Heart!💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon