Seventeen

67.3K 1.3K 61
                                    

"Ellaine.."

"Oh?"

"Huy!"

Ilang ulit na niyang tinawag si Ellaine pero sagot lang ito ng sagot pero hindi naman siya tinitignan at pinapansin.

"Tignan mo kaya ako." Naiinis na sabi niya. Kanina pa kasi niya ito kinakausap pero tila wala itong naririnig.

Kanina nang ibigay niya ang regalo ni Ellaine ay akala niya siya ang yayakapin nito. Pero imbes na siya ang bigyan ng yakap nito ay ang regalo niya ang niyakap ni Ellaine ng mahigpit.

Tinignan naman siya ni Ellaine nang siguro'y maulingan nito ang bahid ng inis sa boses niya.

"Naiinis ka ba?" Nakangiting tanong sakanya ni Ellaine.

"Tingin mo?"

"Ang sungit mo naman." Natatawang sabi ni Ellaine.

"Hindi ka pa nga nagte-thank you sa'kin eh." Nakangusong sabi niya rito.

Pinalo naman siya ni Ellaine tapos ay sumiksik sa tabi niya. Laking gulat niya nang bigla siyang yakapin ni Ellaine.

Sa wakas.

"Thank you, Mico! Nagustuhan ko talaga iyong gift mo."


Niyakap naman niya ito pabalik. Tinignan niya ito. "Basta ako una mong ipinta ah?"

Nginitian naman siya ni Ellaine at binalingan ang regalo niya.


Mga blank canvass, paint brushes at paints ang regalo niya kay Ellaine. Ito ang nabili niya nung pumunta sila sa bayan at ito rin iyong tinitignan ni Ellaine sa isang stall. Habang namimili ito ng mga damit ay pasikreto niyang binili ang mga iyon dahil alam niya na mahilig magpinta si Ellaine. Saksi siya sa galing nito.


"Pag-iisipan ko."

"Bakit kailangan pang pag-isipan?"

"Eh I have so many pictures in my head that I want to paint na eh. Lalo na dito sa rancho mo, ang daming magagandang ipinta."

Nailing nalang siya at ginulo ang buhok nito.

"Gusto mo samahan kita?" Alok niya rito.

Tumango naman ito. "Ibalik mo ako doon sa batis na pinuntahan natin ah?"

"Kailan mo gusto?"

"Bukas!"

Tumawa naman siya. "No can do, sweetie. We have work tomorrow."

Ellaine made a face. "Hindi pa pwedeng day-off muna ako bukas?"

Napataas naman ang kilay niya. "Nice try. Pero no. Dating gawi sweetie, be up early."

Napanguso naman ito.

He smiled at Ellaine. She's so cute. Lalo na kapag ngumunguso ito. Hindi niya napigilan ang sarili na kurutin ang magkabilang pisngi nito.

"Aray! Ano ba?!"

"You're such a cutie!"

"Cute is an understatement, Mico. I'm beautiful." Nakangising sabi nito sakanya.

Napahalakhak naman siya sa sinabi nito.

Maya-maya lang ay pinalo-palo siya ni Ellaine sa balikat. "Bakit ka tumatawa? Nakakatawa? May angal ka?! You think that I'm not beautiful?!"


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon