Thirty-eight

71.3K 1.4K 127
                                    

SPG.
Ang pinakahihintay ng lahat. Huwag kayong mag-expect. Haha.

-------

"Ellaine! C'mon, sweetie. Talk to me
Please." habol ni Mico kay Ellaine na tuloy lang sa pagmartsa sa loob ng hacienda.

Hindi na sila tumuloy sa falls dahil na-badtrip na si Ellaine sa nangyari. Hindi na ito makausap ni Mico dahil sa bawat tangka niyang kausapin ito ay hindi ito sumasagot ng matino. Lagi itong nakasimangot at singhal lang ang natatanggap niya.

"Ellaine--!" Pero pinagbagsakan lang siya nito ng pinto sa mukha.

Napabuntong-hininga nalang si Mico at hinayaan nalang si Ellaine. Hindi na niya muna ito pipilitin.

Dumiretso nalang rin siya sa kanyang kwarto at humiga sa sariling kama hanggang sa maabutan na rin siya ng pagod kaya nakatulog na rin siya.

------

Isang katok ang gumising sa mahimbing na tulog ni Mico. Sinipat niya ang orasan sa wall clock niya at nalamang alas-syete na pala ng gabi.

Pupungas-pungas na bumangon siya at binuksan ang pinto.


"O, manang? Bakit?" Tanong niya kay Manang Ising na kanina pa pala raw kumakatok.

"Nag-aalala kasi si Señorita Ellaine, kanina pa raw kayo tulog." Pagbibigay paalam nito.

Napangiti siya sa sinabi ng matanda. Kung ganoon nga, ibig sabihin hindi na masama ang timpla ni Ellaine.

"Pakisabi po kay Ellaine, bababa narin ako. Sabay na kami kumain." Bilin niya kay Manang Ising.


"Ay mabuti pa nga. Kanina ka pa nun hinihintay." May ngiting sabi ni Manang Ising.

Pumasok muna siya sa banyo at naghilamos at tsaka bumaba na ng tuluyan pero nang mapadaan siya sa front door ay saktong bumukas iyon at pumasok si Mang Densio kasunod ni Hannah.


"Magandang gabi po, señorito." Bati sakanya ni Mang Densio.

Nginitian naman niya si Mang Densio. "Ano'ng ginagawa niyo rito? Gabi na po ah."


"Nagpahatid kasi si Ising ng tatlong tray ng itlog dahil naubusan na raw kayo ng stock." Itinaas nito ang hawak na mga tray ng itlog sa magkabilang kamay.


"Oh, Densio! Nandiyan ka na pala. Halika at ilagay mo nga ang mga iyan dito sa kusina." Sabi ni Manang Ising na kabababa lang mula sa second floor. May bitbit itong laundry basket.


Sumundo naman si Mang Densio rito at naiwan silang dalawa ni Hannah. Pupunta na sana siya sa dining room at wala ng balak pang pansinin si Hannah pero tinawag siya nito.


"Mico, hindi ko pinagsisisihan na hinalikan kita. Mahal kita." Bakas sa boses ni Hannah na malapit na itong maiyak.


Huminga siya ng maluwag at ipagpapatuloy sana ang paglalakad ngunit mabilis na niyakap siya ni Hannah mula sa likod.


"Mico! P-Please, ako nalang." Pagmamakaawa nito sakanya.


Napapikit siya ng mariin. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nakapulupot sa bewang niya at buong lakas na kinalas iyon.

Hinarap niya si Hannah. "Tigilan mo na ito, Hannah. Huwag mong hintayin na pagsisihan ko ang pakikipagkaibigan ko sa'yo." Seryosong sabi niya rito.


Hannah's a good friend. Dahil madalas ay sumasama ito sa tatay nito sa sakahan kaya naging 'one of the boys' ito. Pero hindi niya aakalaing dadating sila sa punto na ganito.


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon