Twenty-two

61.4K 1.2K 74
                                    

Papasok na sana si Ellaine sa kanyang kwarto nang tawagin siya ni Erin.

"Do you need anything?" Tanong niya kay Erin.

Nakayuko ito sa harap niya at pinaglalaruan ang mga daliri.

"Ellaine, about sa nangyari kanina--"

"It's okay, Erin." Nakangiting sabi niya.

"Sorry talaga. Hindi ko naman alam." Hinging-paumanhin ulit nito.

Tinapik niya ito ng mahina sa balikat. "Ano ka ba! I said it's okay. Sige ah, if you'll excuse me, it's my siesta time."

Tumango naman ito at hinayaan siyang pumasok sa loob ng kwarto niya.

Kaninang lunch nila, sobrang awkward siguro ng atmosphere kung hindi nagdadadaldal ang mga lalaki. Kasi siya, si Erin at si Mico ay tahimik lang.

Inisip niya ang nangyari kanina, ang biglang pananahimik ni Mico matapos mabanggit ang mga patungkol sa ate niya.

Sinubukan siya nitong kausapin kanina ng palihim pero hindi niya ito hinayaan. Kung may mga pagkakataong makakaiwas siya, iyon ang ginagawa niya.

Ayaw niya marinig kung ano man ang sasabihin nito. Tama na muna, masyadong marami na ang sakit na naidulot nito sakanya. Tama na muna sa isang araw, hindi niya na kakayanin. Kailangan niya munang payapain ang kanyang isipan. At ang pagtulog lang ang naiisip niyang solusyon doon.

-----

Nagising si Ellaine nang makaramdam siya ng gutom. Tinignan niya ang orasan sa bedside table niya at nakitang halos apat na oras rin siyang nakatulog.

It's already four pm. Napasarap ang kanyang tulog. Bakit hindi? Malamig sa kwarto niya at tahimik. Sino'ng hindi makakatulog ng matagal sa ganoon?

Pumunta muna siya sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili pagkatapos ay napagpasyahan niya nang bumaba.

"Finally!"

"Sa wakas!"

Napatigil siya sa paghakbang pababa sa hagdan nang makita na mabilis na nagsitayuan ang mga kaibigang lalaki ni Mico habang ang mga babae naman ay nakasalampak sa carpet at naglalaro ng isang board game.

"Ano'ng meron?" Tanong niya nang makalapit na siya sa mga ito.

"Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi ni Marco.

"Bakit?" Tanong niya rito.

"Pupunta na tayo sa batis!" Masayang sabi ni Mitch na may kasama pang palakpak.

"Huh? Bakit niyo pa ako hinintay?" Nagtatakang tanong niya.


"Paano itong si Mico!" Sigaw ni Dylan sabay turo kay Mico na kalalabas lang galing sa may kusina.


"Gising ka na pala." Sabi ni Mico sakanya.

Gusto niya sanang barahin ito kaya lang naunahan siya.


"Obvious ba? May tulog bang naglalakad at bukas ang mata?" Pabalang na sagot ni Erin habang busy sa pagro-roll ng dice.


Natawa naman siya kay Erin. Tinignan niya si Mico na matalim ang titig na ibinibigay sa gawi ni Erin.


"Wala kang meryenda Erin." Sabi ni Mico.

"Okay lang. I'm on a diet." Kibit-balikat na sagot nito na ikinatawa pa niya lalo.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon