Thirty-six

62.6K 1.3K 92
                                    

Pagkatapos maligo ni Ellaine ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Doon nakita niya na naghahanda na sina Mitch at Colyn ng lamesa habang nasa may kitchen counter naman sina Erin,Adie,Jeremie at Mico.

"Oh, Hi Ellaine! Good Morning!" Bati sakanya ni Colyn.

"Hello. Ano iyan? Ang bango ah." Tukoy niya sa dalang malaking mangkok nito.

"Nagluto kami ng champorado. Alam mo na, para narin sa mga lasing para naman mainitan." Biro nito sakanya.

Natawa naman siya sa sinabi ni Colyn. Napansin nga niya kanina pagkababa niya na tulog parin nga ang tatlong lalaki sa may living room.


"Ellaine! Tara dito!" Tawag sakanya ni Erin.

Nilapitan naman niya ang mga ito sa may kitchen counter. Nagtama pa ang mga tingin nila ni Mico at nagkangitian sila.

"Here. Dito ka." Sabi sakanya ni Mico sabay alalay sakanya paupo sa high stool. Pagkaayos niya ng upo ay lumapit lang sakanya si Mico at umakbay sa may sandalan ng high stool na kinauupuan niya.

"Gusto mo ba makakita ng comedy?" Tanong sakanya ni Jeremie na may nakakalokong ngiti.


"Speaking of that, ano ba iyang comedy-comedy na iyan? Sinabi rin iyan ni Mico kanina sa'kin." Nagtatakang tanong niya sa mga ito.

"Basta, sweetie. Makikita mo rin, basta huwag kang papahalata na natatawa ka ah?" Bilin sakanya ni Mico.

Nagtaka naman siya. "Pipigilan kong tumawa? May comedy ba na ganun?"


"Basta. You'll see. Kapag tumawa ka kaagad, end of the show na." Makahulugang sabi ni Adie.

Naguluhan na talaga siya. Hanggang sa naramdaman niya ang bibig ni Mico malapit sa tenga niya. "Basta,sweetie."

Kinilabutan siya nang tumama ang hininga ni Mico sa balat niya. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok. Bigla siyang nakaramdam ng kuryente na biglang dumaloy sa likod niya.

"Uy ano iyan ah?!" Tudyo sakanila ni Erin.

Natawa lang si Mico rito pero siya ay napayuko nalang dahil sa hiyang nararamdaman.

Buti nalang pumasok si Mitch. "Okay guys, comedy's here. Act normal." Bilin ulit nito sakanila.

Unang tumayo si Erin sabay palakpak ng kamay. "This is going to be so funny!" Nakangiting wika nito.

"Tulungan na kita, Mitch." Alok ni Adie habang kinukuha ang ibang baso sa hawak ni Mitch.

"Time to see my masterpiece." Nakangising sabi ni Jeremie.


At ganun kabilis na nawala ang mga ito at pumunta na sa dining room.

"May mga saltik talaga kayo sa utak,ano?" Namamanghang sabi niya kay Mico.

"It runs in our blood." Sakay nito sa sabi niya.

Naiiling nalang siya sa mga kaibigan ni Mico. It's her first time to meet such people. Inalalayan siya ni Mico para makababa sa high stool at hinawakan nalang nito ang kamay niya dahilan upang mapatigil siya.

"Why?" Tanong nito sakanya.

Naiilang siya na napatingin sa magkahugpong kamay nila. Sinundan nito ang tingin niya kaya naman mukhang nakuha nito ang iniisip niya.

Lalo siyang nagulat nang dalhin ni Mico ang magkahugpong kamay nila sa labi nito at hinalikan ang likod ng palad niya. Naramdaman niya na mas lalong hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon