Thirty-two

61.3K 1.2K 37
                                    

Mabilis na tumayo si Ellaine mula sa pagkakaibabaw niya kay Mico.

What the hell just happened?

"Ah.. ang kulit mo kasi eh!" Iyon lang ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

Tumayo naman rin si Mico. Bakas sa mukha ang pagkabalisa.

"Sorry." Sabi lang nito.

Tumango siya. "Labas na, Mico." Mahinang sambit niya.

Mukha namang natauhan ito. "O-Oo, oo. Lalabas na ako. Ano - Bumaba ka narin para kumain.."

Tumango siya pero hindi siya nakaharap rito.

Nang makalabas na si Mico ng kwarto niya ay napaupo siya sa sahig. Hinilamos niya ang mukha gamit ang kanyang mga kamay.

First, she was naked infront of Mico. And now? She fucking kissed Mico! What's next?

"Ughh!" She groaned.

Humarap siya sa salamin at kinausap ang sarili. "Calm down. It's just a kiss. Don't let it affect you."

Pumikit siya at huminga ng malalim.

Nag-ayos muna siya ng kanyang sarili dahil bagong paligo siya. Pagkatapos ay itinago niya muna ang canvass niya, mahirap na baka may iba nanamang pumasok sa loob ng kwarto niya at makita pa ito.

Nang masiguro niyang maayos na ang lahat, tsaka siya bumaba para saluhan si Mico sa pagkain.

"Manang, si Mico?" Tanong niya kay Manang Ising nang hindi niya nakita si Mico sa may dining room.

"Ang sabi niya magpapahangin lang daw siya." Sagot sakanya ni Manang Ising.

Kumunot naman ang noo niya. Bigla ay napaisip siya.

Did the kiss affected Mico?

She immediately brushed that thought away.

"Saan ka pupunta?" Tanong sakanya ni Manang Ising.

"Hahanapin ko lang po si Mico." Sagot niya at tsaka tuluyan ng lumabas.

She went out and stayed at the fronch porch para tignan kung nasa paligid lang si Mico. Nang mabaling ang tingin niya sa may malaking swing sa right side ng front lawn ng hacienda, doon nakita niya si Mico na nakaupo.

Naglakad siya palapit rito at sinamahan ito sa swing. Umupo siya sa harap ni Mico na nagulat sa presensya niya.



"Sabi mo kumain na, pero nandito ka." Sabi niya rito.

Ngumiti naman ito sakanya at umiwas ng tingin. "I just needed air."

Huminga siya ng malalim. "Mico.. we're good, right? You know, after what happened kanina. Hindi ko sinasadya." Nahihiyang sabi niya kay Mico.

Binalingan siya ni Mico. "What are you talking about? Of course, we're good. Aksidente iyon. I was just.. shocked."

Ngumiti siya ng tipid dito. "Yeah.. me too."

Napabuntong-hininga si Mico. "You know what, kalimutan nalang natin iyon, okay? Like it never happened. Less awkwardness para sa'tin." Suhestiyon nito.

Natigilan siya sa sinabi nito.

Bakit parang nakaramdam siya ng panlulumo?

Panlulumo dahil gusto nitong kalimutan ang nangyari kanina.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon