Thirteen

61K 1.3K 169
                                    

Sinalubong ni Ellaine ang kanyang mga magulang ng isang pekeng ngiti nang makarating siya sa living room.

Her parents are having a chat with Mico's parents.

"Good Evening everyone." Bati niya sa mga ito.

Natigil naman sa pag-uusap ang mga ito at napatingin sakanya. Her Ninong Damian smiled at her.

"Ellaine! Ang ganda ng inaanak ko!" He exclaimed and hugged her.

"You look loverly,hija." Her Ninang Inna smiled at her.

"Thank you Ninong, Ninang." She smiled at them.

She turned to her parents. Her mother smiled at her and hugged her.


"I miss you." Bulong nito habang nakayakap sakanya.

Nag-aalangan naman siya kung yayakapin ba niya ito o hindi. Sa huli ay nanatali lang na nakababa ang kanyang mga kamay at hinayaan ang Mommy niya na yakapin lang siya.

"Okay.. hindi ako makahinga." Pabirong sabi niya at nilayo ang kanyang sarili mula sa kanyang ina.

Nagulat siya nang bigla nalang siya nitong yakapin. Her mother is strict eversince. She has this aura that is very dominating kaya nga takot sila ng Ate Elisha niya na suwayin ang mga utos nito.

But inspite of that dominating aura of hers, her mother is also very affectionate. Nakita niya na iyon. Malambing ito sakanila ng Ate Elisha niya dati. Pero minsan lang iyon. At ang minsan na iyon ay hindi madalas dahil babad sa trabaho ang Mommy nila. Same goes to her Dad.

At nang mamatay ang Ate Elisha niya, her mother became distant, especially to her. Hindi naman siya nito pinababayaan, kumpleto lagi ang pangangailangan niya mula sa pera, pagkain, allowance, gamit sa school, sa mga luho niya, everything - binibigay ng mga ito.

Pero hindi iyon ang gusto niya.

Hindi iyon ang kailangan niya nang mga panahong iyon.

Every important occassion of her life, walang Mommy at Daddy na dumating para sakanya. Tumatawag naman ang mga ito sakanya to say their sorry's at nangangako naman ang mga ito na they'll make it up to her. At ang sinasabi ng mga ito na 'make up to her' ay mga regalo. Mga materyal na regalo.

Kalaunan ay nasanay nalang siya. Hindi na siya umasa. Dahil iyon ang pinakamasakit na ginawa niya - ang umasa.

She stopped exerting efforts. Dahil at the end of the day naman nababalewala lang.


"Good to see you, anak." Sabi naman ng Daddy niya.

Ngumiti lang siya ng tipid dito.

Hindi siya makapagsalita. Ano naman ang sasabihin niya?

Yes, she's happy to see that her parents are okay. Hindi niya iyon itatanggi.

But there's still a part of her that is angry at them for making her this. For dumping her here with Mico. Dahil instead of forgetting all her pain, lalo lang nadadagdagan.


"Let's eat?" Pukaw sakanila ni Mico na nasa likod na pala niya.

"Good idea! I'm starving." Sabi ni Ninong Damian.

Tahimik na tumuloy sila sa dining area at nagsiupo. Umupo sa kabisera si Ninong Damian at sa kanan nito si Ninang Inna. Kaharap naman ng mga ito ang mga magulang niya. Umupo siya sa tabi ng Mommy niya at si Mico naman sa may tapat nila.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon