Thirty-nine

67.7K 1.2K 44
                                    

"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico.

Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito.

Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.


Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya.

Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito.

Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico.

"Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya.

Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito.

"Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nito sakanya.

Tumayo siya mula sa pagkakakandong niya rito. Hinila niya ang kamay nito. "Halika na nga!" Sabi niya.

Bumaba na sila sa may front porch. Naroon ang kotse nito.

"I'll miss you." Wika nito at tsaka hinapit siya upang bigyan ng isang nakaliliyong halik. Kusang yumakap ang mga kamay niya sa leeg nito at ginantihan ang mga matatamis nitong halik. Tila'y nanlambot ang kanyang mga tuhod dahil sa mga halik ni Mico sakanya.

Mag-iisang buwan na simula nang may nangyari sakanila ni Mico. At magmula noon ay nag-iba na ang nasa pagitan nila ni Mico. Hindi ito nahihiyang ipakita sa iba ang ka-sweet-an nito sakanya. Siya naman ay kinikilig sa tuwing hahalikan,yayakapin o lalambingin siya ni Mico sa harap ng ibang tao.

But still, she's waiting for Mico. Gaya nga ng sabi nito.. darating din ito sa puntong iyon. And she'll patiently wait for that day.

Siya na ang pumutol ng halik sa pagitan nila ni Mico. "Sige na. Ingat ka,ah?"

Mico groaned. "Ayoko na talagang umalis."

Natatawang tinulak niya na ito sa loob ng sasakyan. "Sige na. Alis na."

"Okay. Hintayin mo ako mamaya ah?"

"Opo." Nakangiting sagot niya.

Sumakay na ito sa loob ng sasakyan. Binuksan nito ang bintana sa driver's seat at kinawayan siya.

Pumasok na siya sa loob ng hacienda at dumiretso sa verandah. Ang saya niya ngayon. Ang gaan-gaan ng loob niya. Dumiretso siya sa kwarto niya at kinuha ang isang blankong canvass at mga painting tools niya. Inilabas niya iyon papunta sa verandah at doon ay nagsimula siyang magpinta.

Halos dalawang oras na siyang nagpipinta at hindi siya sana titigil kung hindi lang siya tinawag ni Rona.

"Ellaine!" Masayang bati nito sakanya.

"Oh! Hi, Rona!" Bati niya. Nagpunas muna siya ng kamay.

"Eto, mag-lunch ka muna. Hindi ka kasi bumaba kaya inutusan ako ni Manang Ising na dalhan ka nalang. Tumawag kasi si Señorito Mico. Huwag ka daw pabayaang hindi kumain. Ikaw ah, sabi na nga ba mayroong namamagitan sainyo eh! Bagay na bagay talaga kayo ni señorito! Kesa naman dun sa Hannah na iyon."

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon