Thirty-four

66.5K 1.4K 130
                                    

Basahin ang nasa baba. May announcement ako.

-------

Pagkalabas ni Ellaine sa hacienda ay mabilis na bumalik siya sa lamesa nina Erin.

She calmed herself.

"Nakita mo si Mico?" Tanong sakanya ni Colyn.

Nang marinig niya ang pangalan ni Mico, bumalik sa isipan niya ang nangyaring halikan sakanila ni Mico kanina sa kusina.

It was suppose to be just a peck!

Pero hindi naman niya aakalaing mawawala siya sa sarili. It's like, Mico's kiss is like a drug. Nakakabaliw. Nakakawala sa sarili.


"Hoy! Ellaine.. okay ka lang? Bakit ka namumula?" Puna sakanya ni Adie.

Nilingon naman niya ito. "Huh? Ano? Oo." Sabi niya tapos ay ininom ang tubig sa may lamesa.

"Ellaine! That's not water!" Sita sakanya ni Mitch.

Pero huli na ito, naisang lagok na niya ang baso ng vodka.

Nalukot ang mukha niya dahil sa pait at init na gumuhit sa lalamunan niya. "Ang pait!" Reklamo niya.

"Hindi ka kasi nagtatanong, here." Iniabot sakanya ni Adie ang isang baso ng iced tea.


Kinuha niya iyon at ininom.

Ah. Much better.

"So, nakita mo na si Mico?" Tanong ulit ni Colyn.

"Ha? Ah -- O-Oo." Sagot niya. God! Why is she stuttering?

Weird lang siyang tinignan nina Colyn.

"Are you okay? You're acting weird." Sabi ni Mitch sa nag-aalalang tono.


"Of course! Why wouldn't I be okay?" Tapos ay dinugtungan niya iyon ng tawa at ininom ulit iyong iced tea na iniabot ni Adie.

Tumingin siya pabalik sa hacienda at nakita si Mico doon na kausap si Vin pero nung tumingin ito sakanya, talagang straight sa mata niya ay mabilis na umiwas siya ng tingin.

Ikaw ang hahalik diyan tapos ikaw ang mahihiya?!

Sakto naman nang ibalik niya ang atensyon sa lamesa nila ay nakatitig sakanya si Erin na tila ine-examine siya.

Nilingon naman niya sina Mitch,Colyn at Adie at nakita naman na parang normal naman ang mga ito na nagkekwentuhan.

"What?" She mouthed at Erin.

Erin just grinned at her making her nervous. Kahit sandali palang sila magkakilala ni Erin, nag-click na agad sila dahil magkapareho talaga sila ng ugali nito. Kaya alam na alam niya kung ano ang ibig sabihin ng pagngisi nito and that made her nervous.

"May nangyari." Sabi ni Erin bigla-bigla na ikinalaki ng mga mata niya.

Sila Colyn naman ay napatigil sa pag-uusap dahil sa biglaang pagsasalita ni Erin.

"Ano,Erin?" Tanong ni Mitch rito.

"May nangyari sa loob,ano?" Erin asked her.

Napalingon naman sakanya ang tatlo pang babae.

Napapikit siya. Why does Erin have to be so observant?

"What are you talking about?" Kabadong tanong niya.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon